Kyla's POV NASILAW AKO ng bigla kong idilat ang aking mata. Sinubukan kong bumangon ngunit di ko magawa dahil masakit ang ibabang parte ng katawan ko. Iba rin ang pakiramdam ng kaliwa kong kamay. Nang makapag-adapt ang mata ko sa liwanag ay nakita kong naka-dextrose ang isa kong kamay. Hindi ko makita ang nangyari sa paa ko dahil nakatakip ito ng kumot at di ko magawang bumangon. Napansin ko ang isang lalaki na nakaupo sa silya sa paanan ng aking kama. Nakasubsob ang kanyang ulo sa ibabang bahagi ng kama. Mukhang matangkad din ang lalaki. Di ko gaanong makita ang kanyang mukha pero ayon sa pananamit niya ay masasabing mayaman ito. Not to mention the iphone he's holding on his left hand. "Aray!", napalakas kong sabi ng makaramdam ng malakas na pagpintig sa ulo ko. Nagising ang lalaki sa

