Nagising ako pasado alas siyete ng gabi. Kailangan ko ng magluto ng hapunan namin ni Kyla dahil iinom pa siya ulit ng gamot. Nakayakap pa rin siya sa akin ng mga sandaling iyon sinalat ko ang kanyang noo. Bumaba na ang kanyang lagnat. Bukas ay maaari na siyang makauwi. Hinalikan ko siya sa noo bago ako tumungo ng kusina. "Grabe pinagsasamantalahan mo ang tulog...", nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Kyla. "Bakit mo ko hinahalikan ha?", dagdag pa niya habang matamang nakatingin sa akin. "Ha? Kasi ano... ano lang... may ano ka kasi... may lamok! Oo may lamok sa noo mo! Pinaalis ko lang...", kabado kong sagot... "Hinahalikan mo ang lamok para umalis, ganon?", halata ang pagpipigil niya ng tawa. "Oo, sige na diyan ka muna, handa ko lang yung dinner natin.", paalam ko sa kanya. Hindi na

