Nang matapos akong magluto ay masaya kaming kumain ni Kyla. Masaya kaming nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa nagdaang taon. Wala na ang tampo niya sa akin at sa mga sandaling iyon ay di mo rin iisipin na may pinagdadaanan siya. Para lang kaming dalawang masayang magkaibigang sabay na kumakain. Sabay din naming niligpit ang aming pinagkainan. Naghaharutan pa kami habang naghuhugas ng pinggan. Nang papainumin ko naman siya ng gamot ay tila bata siyang nagtatakbo sa loob ng unit ko at nagpapahabol sa akin. Sinakyan ko naman ang trip niya, para lang kaming tangang nagpapaikot-ikot sa loob ng bahay. Puro tawa lang, tila hindi namin alam kung paano ang malungkot. Ang sarap isipin na lagi lang kaming ganito, pero alam kong hindi ganon ang realidad. Nang mapansin kong mag-aalas diye

