Tanging ang mahinang paghinga ni Kyla ang naririnig ko ng mga oras na ito. Hindi ko magawang matulog. Pinagsasawa ko ang sarili kong pagmasdan ang mukha ng taong minahal ko noon. 'Noon nga lang ba?' Bulong sa akin ng isang parte ng utak ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na itawag ko sa sarili ko, martir ba o sadista. Alam kong sa ginagawa kong ito masasaktan lang ulit ako. Akala ko naka-move on na ko, hindi pa pala. Dahil sa mga sandaling ito nararamdaman kong mahal ko pa rin siya. Bilang na bilang ang mga sandaling nagkasama kami ni Kyla kaya di ko rin lubos maintindihan kung bakit ganito na lang ako ka-attached sa kanya. Alam kong di lang awa ang nararamdaman ko para sa kanya. Nung makita ko silang maghalikan noon ni Yuhan ay labis akong nasaktan. Pinili kong tanggapin ang offer sa

