Shhh... 27

2283 Words

Agad na tinakbo ni Jess ang kinalulugaran ng dalawang babae at pilit niyang inaalis ang kamay ni Mika sa leeg ni Princess. Galit namang binitawan ni Mika iyon pero nanatili ang galit sa mukha niya patungkol sa babaeng nakatali sa harapan nila. Sunud-sunod na dinalahit ng ubo si Princess at sumagap ng hangin para maisalba ang muntik nang pagkawala ng hininga. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Ngayon niya lang din natitigan ng husto ang mga mata ni Mika; kulay puti iyon na parang naka-contact lense. At naamoy niya ang hininga nito kanina na parang nabubulok na daga. Kahit ang mga ngipin nito at kuko sa kamay ay mga nangingitim sa hindi niya maintindihan. Inilibot niya ang paningin at anim na sulo ang nakasabit sa bawat gilid ng kuweba at pang-pito ang nabitiwan ni Jess nang pigilan nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD