Shhh... 28

2240 Words

Agad na napansin ni Madelyn ang ilang librong nakatambak sa bandang kanan ni Jess. Nilapitan niya ang mga iyon habang inaayos ni Jess ang mga dala niya. Mga bagay ‘yun gaya ng dugo ng butiki, ihi ng pusa at balahibo ng manok. Madadali lang naman hanapin kaya okay lang sa kaniya. Itinagilid niya ang ulo upang mabasa ang pamagat ng librong nasa ibabaw. Lumang na ang pabalat na nito at mukhang kalas-kalas na rin ang mga pahina nito. Mababakas na gamit na gamit ito ng kung sino mang nagmamay-ari niyon. “Vindicta?” basa ni Madelyn habang sa ilalim ng salitang iyon ay may salitang latin na durum naman ang nakasulat. Halatang sulat-kamay lang ang pagkakagawa. Hindi siya nakakaintindi ng latin. Iniangat niya ang libro at sa ilalim din ang isa pa ulit na Vindicta, pero sa ilalim naman nito ay Le

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD