6 - Demon World

1293 Words
ELISHA Hindi ko mapigilang mag-alala kay Teagan. Simula nang makausap n'ya ang Dean ay kakaiba na ang mga ikinikilos n’ya. Lagi s’yang tuliro at malalim ang iniisip. Hindi na s’ya sumasabay sa mga joke ko at seryoso na palagi. Itinapat ko ang tenga ko sa pinto ng kwarto ni Teagan at panay buntong hininga lang ang naririnig ko. "Anong ginagawa mo?" mataray na tanong ni Zhola habang nakapamiwang sa harap ko. "Shhhh. Mind your own business." pagtataboy ko rito. "Pwede ba hindi ako aso." ginaya rin n’ya ang posisyon ko. Idinikit din n’ya ang tenga n’ya sa pinto ni Teagan. Napakachismosa rin ng demonyang 'to. Mayamaya pa ay nakarinig kami nang malakas na kalabog mula sa loob. Narinig namin ang daing at mura ni Teagan. Ano bang ginagawa ng babaing 'yon sa loob? Napaka-clumsy talaga kahit kelan. Pareho kaming napahalik ni Zhola sa sahig nang biglang bumukas ang pinto. Hindi namin inaasahang bubuksan ni Teagan ang pinto. "Anong ginagawa nyo?" pagtatakang tanong ni Teagan sa amin ni Zhola. Nagmadali kaming bumangon ni Zhola. "Wala. May nakita kasi kaming daga kanila na pumasok ng kwarto mo. Teka, saan ka pupunta?" tanong ko nang makitang nakabihis s’ya pangalis. "May binilhin lang para sa school projects ko. Una na ko." paalam ni Teagan sa amin bago s’ya tumakbo pababa. "Weird." anas naman ni Zhola. "Napansin mo rin ba? Kakaiba ang mga ikinikilos ni Teagan. Mukhang may hindi s'ya sa atin sinasabi." alalang pahayag ko. "Wala akong paki." Aalis na sana si Zhola nang hilahin ko ang kamay n’ya. " Ano sa tingin mo ang ginagawa mo familiar!" sigaw n’ya. "Susundan natin si Teagan!" Kailangan kong malaman ang mga bagay na gumugulo kay Teagan. Hindi ko s'ya pweding pabayaan na lang. Kahit si Zhola ay nagsasabing may kakaiba sa kanya at 'yon ang kailangan naming tuklasin. *** Pumasok si Teagan sa office ng dean. Lumapit naman kami ni Zhola sa pinto para marinig ang pinag-uusapan nila sa loob. "Nararamdaman mo ba ang enerhiyang 'yon?" tanong ni Zhola na ikinakunot ng noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" Biglang binuksan ni Zhola ang pinto ng opisina. Nagulat kami nang makita ang isang portal. Bago pa ito magsara ay hinila na ako ni Zhola papasok hanggang sa makarating kami sa... Mundo ng mga diyablo. "s**t!" usal ko. Bumalik sa anyong demoness si Zhola habang ako naman ay nag-shapeshifter na rin bilang isang maliit na demon fairy. Tumayo ako sa balikat ni Zhola at pinagmasdan ang buong paligid. "Kailangan nating mahanap si Teagan!" Hindi ito maganda. Sa mga oras na ito ay nasa panganib ang buhay ni Teagan. "Masyadong malaki ang mundong ito bruha! Akala mo ba ay ganun lang kadali ang paghahanap sa kanya?" "Kung kailangan kung isa isahin ang bawat sulok ng mundong ito ay gagawin ko para kay Teagan." Lumipad ako para simulan ang paghahanap. Ganun din ang ginawa ni Zhola. TEAGAN "Maligayang pagdating!" Dumagundong ang boses ng diyablong kaharap namin ngayon nina Sebastian at Haden. Napakalaki n’ya. Siguro ay para lang kaming langgam kung ikukumpara sa laki at taas n’ya. Kahit ang leeg ko ay sumasakit kakatingala sa kanya. Nakaupo ngayong ang diyablo sa kanyang trono suot ang isang kapang ginto. Puno rin ng gintong alahas ang malalaking kamay nito. Kulay pula ang balat n'ya at mayroong napakalaking peklat na ekes sa dibdib. "Ako si Astaroth. Isa sa apat na diyablong namumuno sa mundong 'to." pagpapakilala n’ya. "Iwan n'yo muna kami!" utos n’ya kay Haden at Sebastian. Bigla namang naglaho ang dalawa na kanina lang ay nasa likuran ko. Napapalunok na lang ako ng laway dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi n'ya naman siguro ako lalamunin ng buhay, di ba? "A-Anong kailangan mo sa akin?" Lakas loob na tanong ko sa diyablo. "Hahaha! Ikaw ang may kailangan sa'kin!" halakhak n’ya. Natatakot ako... Natatakot ako sa maari kong malaman. Pero 'yon naman ang ipinunta ko rito, di ba? Ang malaman ang katotohanan tungkol sa totoo kong pagkatao pati na rin ang katauhan ng mga magulang ko. Sa pagtayo ni Astaroth ay bigla na lang s’yang naging tao. Hinawakan nito ang kamay ko at pinaikot habang pinagmamasdan ako. "Isang napakagandang dilag. Ang mga matang iyan, katulad na katulad ng sa iyong ama!" puna n’ya. "S-Sino ang totoo kong ama?" "Isa rin s'yang mapakangyarihang diyablo. Pinamumunuan n’ya ang silangang bahagi ng demon world. Pero ilang dekada nang walang pinuno ang teritoryong iyon dahil sa kasalanan ng ama mo. Sinuway n'ya ang kaisa-isang patakaran ng demon world, ang 'wag umibig sa isang mortal. Iyon ang dahilan upang patawan s'ya ng mabigat na kaparusahan." "At anong parusa iyon?" "Ang habang buhay na pagpapahirap. Hindi ba’t mas mabuting mamatay na lang kesa pahirapan ka ng panghabang buhay." "Gusto kong makita ang ama ko." Pagmamakaawa ko pero hindi ako pinakinggan ni Astaroth bagkus iniba n’ya ang usapan. "May isa ka pang hindi alam..." Bigla akong kinabahan sa naging tono ng pananalita ng diyablong kaharap ko. "Sa pag-apak mo sa edad na labing walo ay magiging ganap ka na diyablo!" Isang ganap na diyablo? Hindi ko nakaya ang mga narinig ko. Pumatak na lamang bigla ang mga luha ko na parang ayaw na nitong tumigil. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging isang ganap na halimaw. "Isang tanda ng pagbabago mo ay ng unti-unting pagkawala ng iyong alaala bilang isang tao." Lumapit si Astaroth sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi para punasan ang luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko pero inalis ko ang kamay n'ya at lumayo rito ng bahagya. Alam kong may plano rin s'yang masama kaya n'ya ako pinapunta rito sa mundo ng mga diyablo. "Ano ang totoong pakay mo sa akin?" matapang kong tanong sa kanya at saka s'ya tinapunan ng masamang tingin. "Ikaw ang magiging reyna ko." diretsong sagot nito. Nahihibang na ang bakulaw na 'to. Sa tingin n'ya ba ay papayag ako ng ganun-ganun na lang na magpakasal sa kanya. "Hihintayin ko munang maging isa kang ganap na diyablo bago gawin ang seremonyang mag-iisa sa atin. " dagdag pa n’ya. "Hindi mangyayari ang sinasabi mo." pagmamatigas ko. "Kung gusto mong makita ang ama mo ay papayag kang maging reyna ko. Hihintayin ko ang sagot mo pagkalipas ng tatlong pulang buwan." "Ano ang pangalan ng ama ko?" pahabol na tanong ko nang talimuran na ako ni Astaroth. "Azazel." Bumilis bigla ang t***k puso ko at kasabay 'nun ay ang pag-init ng buo kong katawan. Pamilyar ang sensasyong ito. Para bang nagyari na ito sa akin dati. Isang malabong alaala ang nakita ko ng ipikit ko ang mga mata ko. Nakita ko si Elisha na bigla na lang tumilapon nang sobrang lakas sa pader. Kung ganun ay ako ang may gawa 'nun sa kanya. 'Isang tanda ng pagbabago mo ay pagkawala ng iyong alaala.' MAGDALENE Agad kong sinalubong si Emilia sa pagdating n'ya pero wala akong nakitang Teagan, Elisha at Zhola na kasunod n’ya. "Hindi ko na maramdaman ang presensya ng tatlo sa mundong ito." pahayag ni Emilia. Mag-iisang araw na simula nang nawala ang tatlo. Nag-aalala ako lalo na para sa kalagayan ni Teagan. Bigla naman lumitaw sa likod ko si Levi. "Ibig sabihin lang nun ay nasa mundo sila mga diyablo." walang pag-aalinlangan pahayag n’ya. Napahikbi na lang ako sa narinig ko. Kung ganun ay nasa panganib sila. "Oras na para bumalik sa mundo ng mga diyablo." anas ni Emilia. Nakita ko ang pagsang-ayon ni Levi sa naging pahayag ni Emilia. "Hindi ka maaaring sumama Magdalene." "Ayokong maghintay na lang dito habang nasa panganib si Teagan at Elisha." pagtutol ko kay Emilia. "Magiging pabigat ka lang Magdalene at alam mo 'yan." Wala na akong kakayahan bilang isang mangkukulam dahil matagal ko nang tinalikuran iyon kapalit ng pag-aalaga ko kay Teagan at pagiging isang normal na tao. Ang maaari ko na lang gawin ay ipagdasal ang kaligtasan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD