5 - Condition

1380 Words
TEAGAN Napakunot na lang ang noo ko dahil mga narinig ko mula kay tita Magda. Parang gusto ko na lang bumalik sa higaan ko at isiping panaginip ang lahat ng 'to. Malabo ang mga alaala ko kahapon pero ramdam ko pa rin ang takot sa tuwing naaalala ko ang habulang naganap sa pagitan namin ng halimaw na 'yon. At isa pa, seryoso ba talaga si tita sa desisyon n'ya? "Simula ngayon ay dito na titira si Zhola at Leviathan. Inupahan nila ang dalawang kwarto na nasa itaas." Iyan ang balitang ibinungad sa akin ni tita Magda. Isang babaing aswang at lalaking magician? Ibigsabihin makakasama ko ang dalawang werdo na 'to sa bahay! "Werdo? Tsk." Napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Pinaglihi nga ang lalaking 'to sa kabute. T-Teka! Nabasa n'ya ba ang iniisip ko? "Levi pakatapos kumain ni Teytey ay samahan mo s'yang mamalengke. Kulang na ang mga pinamili ko para sa ating lahat. Bumili ka nga pala ng mga rekado Teytey. " "Levi?" takang tanong ko. Hindi ba't Leviathan ang pangalan n’ya?utos ni tita Magda. "Masyado kasing mahaba ang Leviathan kaya Levi na lang ang itawag natin sa kanya." paliwanag ni tita Magda. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. Ang awkward naman. Dahil nakakailang na ang katahimikan ay ako na ang maglalakas loob na kumausap sa kanya. "Ehem. P-pwede magtanong?" utal na panimula ko. Langya! Halatang kabado. "Di ba't nagtanong ka na?" malamig na saad n’ya na ikinakunot nang noo ko. Sungit! "O-Oo nga. Anyway, anong klasing mga nilalang kayo? Galing ba kayo sa mundo ng mga aswang?" tanong ko rito pero napatikhim na lang ako ng titigan n’ya ako ng masama. "I-Ibig kong sabihin...a-ano...nevermind!" pagsuko ko. Bato ba 'tong kausap ko? Ba’t kasi s'ya ang ipinasama sa akin ni tita? Pupwede namang si Elisha na lang. ~Ate sariwang-sariwang dalagang bukid for you mura na barato pa~ ~ Masarap na pambansang isda BANGUS. Miss beautiful~ ~Miss, mababang presyo para sa magandang dilag na tulad mo fresh galunggong for you!~ Kaya nagi-enjoy ako mamili lagi sa palengke dahil naa-appreciate nila ang ganda ko. Hahaha! Nang lingunin ko si Levi na nakasunod sa akin ay halata sa mukha n’yang nabubwisit na s’ya. Ilang mga tindera kasi ang nakapalibot sa kanya. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa itsura n’ya ngayon. Well, hindi naman kasi maipagkakaila na may itsura talaga s’ya. Mabilis akong tumalikod at tinakpan ang bibig ko ng bigla s’yang lumingon sa direksyon ko. Kung nakakapatay lang ang masasamang titig ay baka kanina pa ako patay. Pagdating sa bahay sinalubong kami ni Zhola na mukhang kanina pa kami hinihintay. Nakakunot ang noo n’ya. Maarte s’yang naglakad papalapit sa akin saka binunggo ang braso ko. "Itinakas mo pa talaga si Levi! Hmp!" sabay irap n’ya sa akin saka mahigpit na kumapit sa braso ni Levi. Itinakas daw? What the! Sayong- sayo na s'ya. 1 Week! Kahit papaano ay nakasurvive ako ng 1 week kasama ang dalawa na hindi ko alam kung anong lahi pero sure akong aswang sila! 1 Week na rin akong nabu-bully ni Zhola! Akala n'ya ay inaagaw ko sa kanya si Levi. Jusko! Mabait naman ako at madasalin pero bakit ganito? Bakit pinapalibutan ako ng mga kakaibang nilalang? Si Levi ay mukha namang normal na tao pero si Zhola, gusto ko nang idouble kill ang dalawa n’yang putol na sungay dahil sa ginagawa n'yang pagta-tranform sa harap ko para lang takutin ako. Bukod sa dal'wang 'yon ay magi-isang linggo na ring walang mga halimaw, multo, etc. na humahabol sa akin. Sana lang ay magpatuloy 'yon. Habang naglalakad papuntang room ni Elisha ay may tumawag bigla sa pangalan ko. "Teagan!" Paglingon ko...Oh sh*t! Bakit pinagpapawisan ako bigla? Lumapit sa akin ang isang napakagwapong nilalang with his angelic smile. Akala ko ay extinct na ang mga gwapo sa mundo pero meron pa pala. Idagdag na rin natin si Levi. Levi? Ba’t napasok bigla sa utak ko si Levi ? Pero sabagay hot din s’ya at ma-appeal. Erase Erase Erase "Miss Diata?" "S-sorry. Bakit po pala?" Nakakahiya! Nag-space out pa talaga ako sa harap n'ya. "I'm Haden bye the way. Mr. Dean wants to talk to you." Ayokong alisin ang mga mata ko sa kanya. Ang cute kasi ng mga dimples n'ya, sarap sundutin. Pero bakit kaya ako pinapatawag ng Dean? Kinabahan ako bigla, hindi dahil kay dean kundi baka isang halimaw na naman ang makaharap ko. Nadala na ako kay Sir Jett. "Ngayon na ba?" tanong ko kay Haden. "Yes." tipid na sagot n’ya. "Wait. Pwede ko bang isama ang pinsan ko? Baka kasi nagaantay na 'yon sa akin since sabay kami lagi mag-lunch." "Sure. I'll just tell Mr. Dean that your on your way. " Bago s’ya umalis ay kinindatan pa n’ya ako. Jusko! "Teytey!" Hindi ko muna nilingon si Elisha dahil sikisilip ko pa rin ang papaalis na si Haden. "Hoy! Sino bang tinitingnan mo?" "Haden." tipid na sagot ko sa kanya. "Elisha, samahan mo muna ako sa dean’s office." "As in now na? Kumain muna tayo. Nagugutom na rin ako." "Ngayon na. Baka nagaantay na 'yon sa akin." "Nako naman! Remember ng pinatawag ka rin ng aswang mong professor." I know pero 'wag naman sanang maulit 'yon ulit. "Sasamahan kita sa loob Teagan kaya don't worry." Matapang na pahayag ni Elisha. Buti na lang talaga at nandito si Elisha. Papasok na sana kami ng office nang biglang bumukas ang pinto at lumabas si Haden. Ang gwapo n'ya talaga. "Dean want to talk to you...in private." Sabay tingin ni Haden kay Elisha na nakakapit sa braso ko. Bago pumasok ay huminga muna ako ng malalim. "Elisha. Wait for me." Pagpasok ko ay agad na tumambad sa akin ang isang lalaki. Nakapatong ang naka-cross na paa n’ya sa mesa habang may kung anong kinakalikot sa hawak n’yang cellphone. May kulay pula s’yang buhok pero ang umagaw sa atensyon ko ay ang pang estudyanting uniform n’ya. Isa rin s'yang estudyante tulad ko pero bakit s’ya nasa upuan ni dean? Hindi kaya aswang din s'ya? "Milady." anas nito suot ang mapaglarong ekspresyon sa mukha. "By the way my name is Sebastian. Nagmula ako sa mundo ng mga diyablo." Mundo ng nga diyablo? Joke ba 'to? Napakamot na lang ako ng ulo kahit wala akong kuto. Hindi ko kasi masundan ang joke n'ya. Tatawa na ba ako? "Ha-ha?" Nakadrugs ata 'tong si Sebastian. "I'm not joking Milady. At katulad ko, ang demon world din ang lugar kung saan ka nabibilang." Bigla na lang nawala sa harap ko Sebastian. Naramdaman ko ang mainit na hininga na dumaloy sa leeg ko kaya mabilis akong napatalon palayo dahil sa pagsulpot n’ya sa likuran ko. "Hindi ako demonyo katulad mo. At isa pa palagi akong nagsisimba." sagot ko rito. "Hahahahaha! Your funny!" Halata sa tawa nitong sarcastic ito." Anyway, milady hindi ako nakikipagbiruan sayo at wala akong oras makipaglaro." Napaatras na lang ako ng ituro n’ya ang puso ko. Halos manlaki ang mata ko ng unti-unting humahaba ang matalim n’yang kuko. "Hindi pa gising ang diyablo sa loob mo kaya mabilis kitang mapapatay sa ayaw at sa gusto ko." M-May diyablo sa loob ko? "Ang mundo ng mga diyablo ay pinamumunuan ng isang makapangyarihang diyablo naghangad ito na pamunuan ang mundo ng mga tao kaya lumabas s’ya para sakupin ang mundo ng mga mortal sa loob nang ilang libong taon pero sa hindi inaasahan pagkakataon ay umibig ito sa isang mortal at...isang batang babae ang naging bunga ng pag-iibigang iyon." pahayag n’ya na mas lalong ikinakunot ng noo ko. "Sa madaling salita isang kalahating diyablo at kalahating mortal ang naging anak nila." "A-Ako ba ang tinutukoy mo?" kabadong tanong ko rito. "Tumpak!" "B-bakit naman ako sayo maniniwala? Walang ganun noh. Demon world? Galing ka bang mental hospital? " "Hihintayin kita rito pagkalipas ng dalawang araw. Kung gusto mong malaman ang lahat tungkol sa totoo mong pagkatao ay maaari kang sumama ka sa'kin sa mundo ng mga diyablo." "P-Paano kung ayaw ko?" "Pumunta kami rito para isama ka ng matiwasay sa aming mundo pero kung hindi ka namin makukuha ay darating ang dalawa pa naming kasamahan para kunin ka ng sapilitan at maaaring madamay ang mga mahal mo sa buhay kaya ngayon pa lang ay mag-isip ka na." babala n’ya bago s’ya tuluyang maglaho. Demon World? Totoo ba talagang nage-exist ang mundong iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD