ELISHA Mabilis na kumawala sa mga mata ko ang mga luha ko nang maramdaman ang pagkamatay ni Magdalene. Bilang isang familiar n'ya ay konektado ang nararamdamang naming dalawa kaya naman alam ko kapag may mali sa kanya. Parang tinutusok ng mga punyal ang puso ko dahil sa biglaan n'yang pagpanaw. Bakit naman biglaan? Kung kelan kailangan s'ya ni Teagan ay saka pa s'ya nawala. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam kung sino pa ang babalikan ko sa mundo ng mga mortal ngayong wala na si Magdalene. Alam na ba ni Teagan ang nangyari? Siguradong hindi n'ya kakayanin ang pagkawala ni Magdalene na ilang taon n'yang itinuring na ina. "Nandito na tayo." anunsyo ni Fang nang makarating kami sa palasyo ni Astaroth. Mula sa kinatatayuan namin ay makikita ang paghahanda nang maraming sundalo

