EMILIA "Damn!" asik ko nang muling tumama ang katawan ko sa pader dahil sa ginawang pagsipa sa akin ng fallen angel na nagngangalang Marsias. Muli kong itinayo ang sarili ko kahit puno na ng sugat at pilay ang katawan ko. Hindi naging madali ang pagtakas ko sa palasyo ni Satanathos. Ilang diyablo ang kinailangan kong harapin at pabagsakin bago makabalik dito sa mundo ng mga mortal pero itong mga general ni Satanathos ang talaga namang nagpapasakit ng ulo ko. Marinig ko ang muling pagsigaw ni Magdalene kaya naman kaagad na nabaling ang tingin ko sa kanya. Maraming dugo ang bumubulwak ngayon sa magkabila n'yang mata dahil sa kawalanghiyaang ginawa ni Lilith. S'ya ang pinakamataas sa mga tauhan ni Satanathos kaya s'ya rin ang pinakamahirap pabagsakin sa lahat. "Magdalene!" pagtawag ko sa

