Napadura ako laway ng may pumasok na buhangin sa bibig ko. Walangyang hangin 'to pakainin ba naman ako ng buhangin. Bakit pa kasi ako lumabas ng bahay? Alam ko namang diyablo si Levi kaya imposibling matangay 'yon basta-basta ng alon at nagpalutang-lutang sa dagat. Mas kailangan ko ngayon alalahanin ang sarili ko kesa sa kanya. Muli akong napapikit nang umihip na naman ang malakas na hangin. Napahakbang ako paatras dahil sa lakas nun. Kulang na lang ata ay gumulong ako kung hindi ko lang nagawang ibalanse nang maayos ang katawan ko. "Levi!" sigaw ko nang makita ang pigura ng isang lalaki hindi kalayuan na nakatayo sa harap ko. Hindi ko gaanong makita ang mukha n'ya dahil sa malabong kapaligiran. Humakbang ako papalapit sa kanya pero halos mapasigaw ako sa gulat ng may bigla na lang humawa

