TEAGAN Mabilis akong napabalikwas mula sa pagkakahiga nang isang masamang panaginip tungkol kay tita Magda ang nakita ko. Napahawak ako sa dbdib ko ng naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang ano mang oras ay lalabas sa rib cage ko ang puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilang mag-alala, may nangyari bang masama kay tita? Madilim pa ang buong kapaligiran at sigurado akong mahaba pa ang gabing 'to pero dahil sa panaginip kong 'yon ay nawala na nang tuluyan ang antok ko. Sinuot ko ang roba ko bago magpasyang lumabas ng kwarto at tumambay sa tabi ng dalampasigan. Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang maalat at malamig na hangin. Madilim ang buong kalangitan at mukhang nagbabadya pa ang pagbagsak ng ulan dahil sa makapal na kaulapan pero hindi ko 'yon pi

