MAGDALENE
"Please take good care of her. Alam kong labas ito sa trabaho mo pero ako na ang makikiusap sa'yo na ilayo mo si Teagan sa mga diyablong 'yon." pakiusap ko habang isinasara ang pang huling bag na naglalaman ng mga gamit ni Teagan. "May dahilan kung bakit natagpuan n'yo ang isa't isa." dagdag ko pa ng ibaling ko ang tingin kay Leviathan.
"Hoy!" sigaw ni Melkor kay Leviathan habang hinihila ang damit nito kaya naman napayuko na lang sa kanya ang lalaki. "Malalagot ka talaga sa akin kapag may ginagawa kang masama kay Milady. Hindi porket pumayag akong kunin mo s'ya ay isinusuko ko na s'ya sa'yo. Para kay Astaroth pa rin s'ya." pahayag ni Melkor.
Hindi umimik si Leviathan at kinuha ang natitirang bag na hinihintay n'ya bago magbukas ng portal pabalik sa kinaroroonan ni Teagan.
"Sigurado ka bang ipagkakatiwala mo si Milady kay Levi?" tanong ni Melkor sa akin.
"Ikaw ba? Pinagkatiwalaan mo rin naman ang lalaking 'yon." tipid ang ngiting pahayag ko saka hinaplos ang kama ni Teagan na kinauupuan ko. Para na namang mabibiak ang puso dahil muli na naman akong nahiwalay sa anak ko.
"Dapat ay sumama ka na lang sa kanila." komento pa ni Melkor na ikinatawa ko nang mahina.
"Akala ko ba ay babalik ka sa demon world." paglilihis ko sa usapan. "Wag mong sabihin na nag-enjoy ka na rito kaya ayaw mo nang umalis." dagdag ko pa. Inismiran n'ya ako bago s'ya unting-unting nawala sa harap ko.
"Asa." usal n'ya bago tuluyang maglaho.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko nang matira akong mag-isa sa loob ng kwarto ni Teagan. Bumalik sa alaala ko ang araw na bisitahin ako ni Manu. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa mga sinabi n'ya.
"Bakit mo tinanggap ang pag-aalaga sa batang 'yon?" tanong ni Manu.
"Malaki ang naging utang na loob ko kay Azazel." tipid na sagot ko sa kanya.
"Utang na loob? At dahil sa utang na 'yon ay handa mong ibuwis ang buhay mo at buhay ng maraming tao at diyablo?" tanong n'ya na ikinakunot ng noo ko.
"Ano ba ang dahilan nang pagpunta mo rito?" madiing tanong ko. Alam kong hindi s'ya pumunta rito para lang interview-hin ako.
"Nandito ako para bigyan ka ng kondisyon. Hanggat't maaari ay huwag mo nang papaapakin pang muli ang batang 'yon sa demon world. Ilayo mo s'ya o burahin mo ang alaala n'ya kung kinakailangan dahil kung hindi ay ako mismo ang papatay sa kanya." seryosong pahayag ni Manu. "Kung gusto mong makasama ng matagal ang batang 'yon ay susundin mo ang gusto ko." dagdag pa n'ya.
Anak ng diyablong pinaglilingkuran n'ya ang pinaguusapan dito kaya paano n'ya nagagawang pagbantaan ang buhay ni Teagan? Kung naririnig lang s'ya ngayon ni Azazel ay baka kanina pa s'ya nito nagilitan sa leeg.
"Kayo dapat ang nagpuprotekta sa kanya!" asik ko rito.
"Masyado nang magulo ang palasyo para dagdagan n'ya pa kami nang panibagong problema. Tinanggap mo na rin naman ang trabahong pag-aalaga sa babaing 'yon ay lubus-lubusin mo na."
Akala ko ay pumunta s'ya rito para kunin sa akin si Teagan pero nagkamali ako. Nakatanggap lang nang banta sa buhay ng anak ko mula sa tauhan ng sarili n'yang ama.
"Tandaan mo ang sinabi ko Magdalene. Hindi namin kukunin ang anak-anakan mo mula sa'yo pero kapag nalaman kong umapak pa s'yang muli sa demon world ay ibabalik ko s'ya sa'yong bangkay na." pagbabanta ni Manu bago tuluyang mawala sa harap ko.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang dahilan kong bakit ayaw n'yang bumalik sa demon world si Teagan. Anong pinaplano ni Manu? Sa ilang taong nakalipas ay ngayon lang s'ya nagparamdam hindi para kunin sa akin si Teagan kundi para pagbawalan ito at pagbantaan.
"Magdalene." Isang portal ang bigla na lang bumaksa sa harap ko at iniluwa nun ang sugatang si Emilia.
"Emilia! Anong nangyari sa'yo?" tanong ko ng makita ang mga sugat. n'ya sa katawan.
"Nandito na sila! Nasaan si Teagan? Kailangan n'yong umalis kaagad rito." pahayag ni Emilia.
"Wag kang mag-alala. Nasa ligtas ng lugar si Teagan. Sino ang tinutukoy mong parating?"
"Mga tauhan ni Satanathos. Sinubukan kong pigilan sila pero masyado silang malalakas. Umalis ka na habang may oras pa." Nagbukas si Emilia ng panibagong portal sa tabi ko at pinagtulakan ako papasok doon.
"Hindi kita pupweding iwanan dito." giit ko.
"Umalis ka na Magda!" sigaw ni Emilia. Nagtatalo ang isip ko kung iiwan ko s'ya sa lagay n'ya ngayon. Sa sitwasyon n'yang 'yan ay imposibling matalo n'ya ng mag-isa ang mga tauhan ni Satanathos.
Nakapagdesisyon na ako! Hindi ko s'ya pupweding Ian na lang.
Isang malakas na pagsabog ang narinig namin sa labas ng kwarto ni Teagan. Siguradong sila na 'yan!
Kaagad kong hinila papasok ng portal si Emilia pero hindi ko pa s'ya tuluyang naipapasok ng may marahas na kamay ang bigla na lang humila sa paa n'ya dahilan para maisabay ako sa pagtilapon papalabas sa portal. Narinig ko ang pagdaing sa sakit ni Emilia nang tumama s'ya sa matigas na pader habang ako naman ay nagpagulong pabagsak sa kama.
"Ayoko nang makipaglaro ng taguan sa'yo." pahayag ng babaing fallen angel na nasa harapan namin ngayon. Kasama n'ya ang isa pang babae na kauri rin n'ya. "At sino ka naman?" mataray na tanong n'ya nang ibaling n'ya sa akin ang tingin n'ya.
"S'ya ba ang hinahanap natin?" tanong ng kasama n'yang babae habang hawak ang isang picture frame na may litrato ni Teagan.
"S'ya nga! Kung ganun ay dito s'ya nakatira." nakangising pahayag ng babae. "Nasaan ang anak ni Azazel?" muling baling sa akin ng fallen angel na may pana at palaso sa kanyang likuran. "Hindi kita babawian ng buhay kong makikipagtulungan ka sa amin." dagdag pa nito.
Bigla n'yang inilagay ang paa n'ya sa leeg ko bago n'ya 'yon diinan. Pilit kong inaalis ang pagkakaapak n'ya sa akin pero masyado s'yang malakas.
"Magdalene!" narinig kong sigaw ni Emilia. Nakita ko ang ginawa n'yang pag-atake para tulungan ako pero kaagad na humarang sa kanya ang isa pang fallen angel at sinangga ang espada n'ya.
Bumunot ng isang palaso sa kanyang likuran ang fallen angel na nakaapak sa leeg bago 'yon itapat sa kanan kong mata. "Nasaan ang anak ni Azazel?" paguulit n'yang tanong sa akin. Wala na akong pakialam pa kung anong mangyari sa akin. Ang gusto ko lang ay ang maprotektahan si Teagan mula sa mga diyablong gustong gumamit sa kanya. Kahit kapalit pa ng buhay ko ang pagprotekta sa kanya ay walang pagdadal'wang isip ko 'yong gagawin.
Matagal akong nabuhay sa kasamaan pero ng dumating s'ya sa buhay ko ay hindi ko maipaliwanag ang saya na ibinigay n'ya sa akin. S'ya ang naging liwanag ko, s'ya ang nagalis sa akin sa kadiliman kaya utang ko kay Teagan ang lahat. Dahil sa kanya ay natuto akong maging masaya na walang kahit anong bahid ng poot at kasamaan.
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko ng ibaon ng fallen angel ang hawak n'yang palaso sa mata ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit dahil sa ginawa n'ya. Muli akong napasigaw at napasipa ng bunutin n'ya ang palaso saka inilipat sa pagkakatutok sa kabila kong mata.
"Tuluyan kang mabubulag kapag hindi mo sa akin sinabi kong nasaan ang batang 'yon. Pumili ka mga mata mo o ang lokasyon ng batang 'yon?" tanong n'ya.
"H-Hindi k-kayo magtatagumpay s-sa mga plano n-n'yo." humahangos Kong pahayag. Nakita ko ang pagguhit ng inis sa mukha n'ya bago gumuhit ang pilyong ngiti sa labi n'ya.
"Magda!" narinig kong sigaw ni Emilia pero parang mahinang alingawngaw na lang 'yon sa tenga ko dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko nang tuluyang ibaon ng fallen angel ang palaso sa natitira kong mata. Kahit ang pagsigaw ko ay hindi ko na rin marinig dahil mas na ngingibabaw na ngayon ang sakit.
Isang malakas na sipa sa tiyan ang natanggap ko mula sa fallen angel at iyon ang naging dahilan para tuluyan akong bawian ng kamalayan.
"Tita!" narinig kong tawag sa akin ni Teagan. "Tita parang tanga si Elisha kanina sa school. Hahaha! Nakakahiya s'ya. Mag-ala spiderman ba naman kanina. Akala mo naman walang nakakakita sa kanyang mga estudyante. Tingnan mo tita, nag-viral tuloy s'ya sa school page." natatawang pahayag ni Teagan habang ipinapakita sa akin ang video sa cellphone n'ya pero imbis na sa cellphone ko ibaling ang tingin ko ay pinagmasdan ko ang masayang mukha ng anak ko.
Gusto kong bumalik ang sigla sa mukha n'ya katulad noon. Gusto kong maging tahimik ang buhay n'ya katulad ng buhay nang isang normal na tao. Iyon din ang hiling ni Trisha bago s'ya mamatay kaya naman 'yon din ang magiging huling hiling ko ngayon. Ayokong iwanan si Teagan sa magulong mundong 'to pero alam kong may mga kaibigan s'ya na tutulong sa kanya para makamit ang buhay na nararapat para sa kanya at sa iba pa.
"Ano ba! 'Wag mo ngang ipakita 'yan!" reklamo ni Elisha.
"Hahahaha! Nakakatawa ka kasi." pahayag naman ni Teagan.
Tuluyan ngang pumatak ang mga luha ko sa pinaghalong lungkot at saya habang pinapanood ang dalawang tao na malapit sa puso ko.
"Sa ngayon ay ipagpatawad n'yo kung aalis ako ng hindi nagpapaalam pero mukhang kailangan ko ng umalis mga anak ko. Paalam."