30 - Heat You Up

1516 Words
"Wait!" pagpigil ko kay Karma kaya naman kaagad s'yang napatigil sa gitna ng pagatake at puno nang pagtatakang napatitig sa akin. Langya! Uto-uto ang demonya. Gusto ko lang naman makapagpahinga kaya kinakausap ko s'ya. "Alam n'yo bang buhay ang anak ni Azazel?" tanong ko sa kanya kaya naman napangisi ito. "Of course." mataray n'yang sagot habang nakapamewang na sa harap ko. "She's our princess." proud na dagdag pa n'ya. "Pero bakit parang pinapabayaan n'yo lang s'ya? Alam n'yo bang tatlo sa makakapangyarihang diyablo ang nagkakainteres sa kanya ngayon?" sunod ko pang tanong. "We have our own plans at 'yon ang hindi n'yo na malalaman dahil hindi na kayo makakalabas pa ng buhay dito." Napaikot na lang ako ng mata dahil sa sinabi n'ya. Asa! Mukha ba kong madi-deds kaagad? Iwan ko na lang kay Sebastian. Nabaling ang tingin ko sa direksyon n'ya kung saan ko s'ya nakita kaninang nakikipaglaban pero kaagad na napakunot ang noo ko nang wala akong makitang bakas n'ya. Wala na rin ang dalawang toro. Teka, saan napunta ang mga 'yon? Isang malakas na sipa sa tiyan ang natanggap ko sa demonya. Napakadaya n'ya! Hindi pa ako ready! "Tch." usal ko ng makitang may lumabas na dugo sa bibig ko. Akmang aatake na naman sana si Karma ng takbuhan ko s'ya. Mabilis kong tinungo ang lagusan palabas sa piitan. Maririnig ko pa rin ang mga pagatake n'ya sa likuran ko pero hindi ko s'ya nilingon at pinagpatuloy lang ang pagsalba ko sa buhay ko. "Huwag kang duwag! Lumaban ka!" sigaw ni Karma pero deadma lang ako. 'In your face!'- sigaw ng utak ko. What to do? What to do? Mabilis akong napahalik sa lupa ng may tumama sa paa ko. Nanlalabo ang paningin ko na napaluhod habang pilit na itinatayo ang sarili ko mula sa pagkakasalampak sa lupa pero kaagad akong napahiyaw sa sakit nang bigla na lang may humatak sa buhok ko saka n'ya ako unti-unting iniangat paalis sa lupa. "Nahuli din kita." madiing pahayag ni Karma. Nanghihina ang mga kamay ko na inabot ang kamay n'ya na nakahawak sa buhok at pilit 'yong inalis. Parang ano mang oras ay mapupunit ang anit ko dahil sa ginagawa n'ya. "This is going to be fun." bulong n'ya sa tenga ko at doon na ako tuluyang napasigaw sa sakit nang maramdaman ko ang matalim na bagay na bumabaon sa laman ko. Kung hindi ako nagkakamali ay kuko n'ya ang ginagamit n'ya sa paghiwa sa balat ko. Pinilit kong ibalik ng totoo kong anyo bilang isang demones pero masyado nang mahina ang katawan ko para gawin 'yon. "Need some help?" tanong nang nakakabwisit na boses. Pinilit kong hanapin kong nasaan si Sebastian pero tuluyan nang nandilim ang paningin ko at nawalan ng malay. *** "Ahhhh! Lintik!" sigaw ko. Mabilis kong tinakpan ang katawan ko nang makitang hawak ni Sebastian ang bandang kwelyo ko. "A-Anong ginagawa mo?" nagtatangis ang bagang na tanong ko sa kanya. Bigla akong kinilabutan nang gumuhit sa labi n'ya ang isang pilyong ngiti bago dilaan ang nanunuyo n'yang labi. "Sakto. Kakatapos ko lang." Nanlaki ang mga mata ko dahil sinabi n'ya. Anong ibig n'yang sabihin? Mabilis kong sinilip ang loob ng damit ko at nakitang may nakapaikot akong benda sa tiyan. Kaagad kong inilibot ang tingin sa kinaroroonan namin at nakitang nasa loob kami ng isang iglo. Mula sa pinto ay tanaw ko ang nagyeyelong kapaligiran kasabay nang pagbagsak nang napakaraming nyebe. Kung ganun ay nasa teritoryo pa rin kami ni Azazel. Parang tulad lang din sa mundo ng mga mortal ang demon world. May iba't ibang parte kung saan makikita ang kaibahan ng bawat lugar. Kung sa teritoryo ni Azazel ay nagyeyelo kay Astaroth naman ay napapalibutan ang madaming bulkan. Samantalang masagana ang kalupaan ni Beelzebub dahil nabubuhay doon ang belladonna na isang uri ng bulaklak na nagsisimbolo ng kamatayan. Kung sa teritoryo ni Beelzebub ay may nabubuhay pang mga halaman ay kabaliktaran naman 'yon sa lugar ni Satanathos na literal na lupain ng mga patay. Teka, bumalik nga tayo sa ginawa ng lalaking 'to. Mabilis akong napayakap sa sarili ko nang maramdaman ang matinding lamig. "H-Hayop." nanginginig ang mga labing sambit ko. "Pagkatapos kitang tulungan ay iyan ang sasabihin mo? Tsk." dismayang pahayag ni Sebastian. "Sino bang nagsabing tulungan mo ako?" pagtataray ko. "Ang bilis mo naman atang makalimot. Tumango ka sa akin nang tanungin kita kung kailangan mo ng tulong. May utang ka sa akin tandaan mo 'yan." nakangising pahayag n'ya. Nanahimik na lang ako saka tumayo. Naglakad ako palabas ng iglo at halos magyelo ako sa kinatatayuan ko nang umihip ang napakalamig na hangin at sampalin ako ng mga nyebe sa katawan. "Masyadong malakas ang bagyo para umalis tayo rito." saad ni Sebastian habang nakaupo hawak ang maliit na apoy sa kanyang kamay. "Marunong kang magpalabas ng apoy?" manghang tanong ko sa kanya saka mabilis na lumapit at naupo sa harap n'ya. "Hindi. Isa lang itong tool na naglalabas ng apoy na galing sa mundo ng mga tao." pahayag n'ya pero napakunot ang noo ko ng patayin n'ya ito at ipasok sa bulsa n'ya. "P-Pahiram ako." giit ko. "Masyado ka naman atang nagiging demanding Zhola. Bakit kasi hindi mo na lang ibalik ang dati mong anyo para hindi ka lamigin." Gustuhin ko man ay hindi ko nga magawa. Haist! "Paano nga pala tayo nakalabas sa palasyo ni Azazel?" pagiiba ko ng usapan habang pinagkikiskis ang dalawa kong palad para uminit ito. "Tinalo ko ang dalawang Morax pati na rin si Karma bago pa man dumating ang iba pang tauhan ni Manu." maikling paliwanag ni Sebastian na ikinaikot ng mga mata ko. Halatang nagmamayabang na naman s'ya. Hindi pa sapat ang impormasyong meron ako kaya naman hindi pa ko pupweding bumalik sa palasyo ni Beelzebub. Ano kaya ang sinasabing plano ni Karma patungkol kay Teagan. Iyon ang impormasyon na gusto kong makuha pero mukhang hindi 'yon magiging madali dahil sa sitwasyon ngayon ng katawan ko. "Nakarating na ba sa'yo ang balita?" tanong ni Sebastian. Kung ang patungkol sa mangyayaring digmaan sa pagitan ng tatlong diyablo ang tinutukoy n'ya ay matagal ko nang alam 'yon. Bago ko pa man simulan ang misyong 'to ay sinabi na sa akin ni Beelzebub ang maaari kong balikan sa palasyo. Nang maisilang si Teagan ay inasahan na ng mga diyablong mangyayari ang digmaang 'to kaya naman nakapaghanda na sila matagal na panahon na. "Kung ganun ay alam mo na." dagdag pa ni Sebastian. "Oo naman." sagot ko. "Ano sa tingin mo ang plano ni Manu sa anak ni Azazel?" tanong ko. "Hindi ko rin alam." pahayag n'ya bago ibaling ang tingin sa akin. "Gusto mo bang tulungan kita?" Kinikilabutan talaga ako sa kanya sa tuwing umaangat ang gilid ng labi n'ya. Para bang may masama s'yang plano palagi. "Kaya kong alamin ang plano nila nang wala ang tulong mo." saad ko. Ayoko nang madagdagan pa ang utang na loob ko sa lalaking 'to. "Hindi 'yon ang tinutukoy ko." aniya nito kaya napaangat ang isa kong kilay. "Eh ano?" Nagulat ako nang bigla n'ya na lang hapitin ang bewang ko papalapit sa kanya kaya ang ending ay napasubsob ako sa dibdib n'ya. "I'll heat you up." bulong n'ya sa tenga ko na nagpataas ng mga balahibo ko sa leeg. Mabilis ko s'yang itinulak papalayo sa akin pero kasabay nun ay ang bigla n'yang pagtapat sa mukha ko ang maliit na tool na naglalabas ng apoy na gamit n'ya kanina. "Hindi na 'to gumagana." aniya nito. "Kung gusto mong matapos ang misyon mo nang hindi namamatay ay tatanggapin mo ang tulong ko. Alam mo ba ang panganib sa katawan mo nang matinding lamig dahil sa panahon dito sa lupain ni Azazel? Baka wala pang isang oras ay manigas na ang mga dugo mo." paliwanag n'ya kaya naman bigla akong nagdalawang isip kung tatanggihan ang alok n'ya. "Anong gagawin mo kung ganun?" kunot noong tanong ko sa kanya. "Heat you up." paguulit n'ya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi n'ya. Normal ba sa mga mortal ang paginit ng magkabilang pisngi? Napabuntong hininga na lang ako bilang pagsuko pero lintik lang dahil bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko nang hawakan n'ya ang katawan ko. "Wag kang mag-alala, magi-enjoy ka rin sa gagawin ko." Mahina s'yang napatawa bago n'ya ako ihiga sa braso n'ya at yakapin papalapit sa kanya. Nakakapanibago lang dahil mas malaki ang katawan ko sa kanya kapag nasa totoong anyo ako ng pagiging demoness ko samantalang ngayon ay parang ang liit ko kumpara sa kanya. Mabilis kong hinuli ang kamay ni Sebastian nang bigla n'ya na lang ipasok sa damit ko ang kamay n'ya. "Gusto mo bang putulin ko ang kamay mo?" may pagbabantang tanong ko sa kanya pero tinawanan n'ya lang ako ulit at hindi nagpatinag sa pagpigil ko. Hindi ko mapigilang mapaungol nang maramdaman ang mainit n'yang haplos sa likuran ko. "Sa mundo ng mga mortal ay may tinatawag na brassiere ang mga babae para matakpan ang dibdib nila. Gumamit ka rin nun minsan. Alam mo bang kanina pa ako inaakit ng katawan mo." pahayag n'ya na tuluyang nagpasabog ng kahihiyan ko sa katawan. Manyakis talaga kahit kelan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD