29 - Human Form

1543 Words
Ilang oras pa lang ako nanatili sa loob ng kulungang kinalalagayan ko kasama ang hinayupak sa tabi ko pero parang ilang daan taon na ang lumipas na pananatili ko rito. Parang mas nakakabaliw ang sitwasyon kong ito kumpara noong nasa hawla ako ni Astaroth dahil hindi ko gusto ang kasama ko ngayon. “Hindi sa pinupuri kitang hayop ka pero hindi ba’t malakas ka naman kaya bakit ka bumagsak sa kulungang ‘to?” tanong ko. “Hindi magiging kanang kamay ni Azazel si Manu kung hindi s’ya espesyal.” sagot ni Sebastian. “Anong kapangyarihan ng bubwit na ‘yon?” puno ng kuryusidad kong tanong. Hindi naman sa ginagamit ko s’ya para makakuha ng impormasyon pero parang ganun na nga rin ‘yon. “He can read someone’s mind, in short isa s’yang telepath. Mabilis n’yang nababasa ang sunod mong galaw. Kahit binago ko na ang iniisip ko sa gagawin kong pagatake ay nalaman n’ya pa rin ang sunod kong gagawin. Bukod pa ‘ron ay hindi rin maipaliwanag ang taglay n’yang lakas para sa ganun kaliit na katawan.” paliwanag ni Sebastian na ngayon ay nakaupo na at nakasandal sa semento habang kaharap ako. Kaagad na nabaling ang tingin ko sa labas ng kulungan nang marinig ang sigawan at palakpakan ng mga diyablong nakakulong. Maririnig din ang pagsipol ng mga ito na para bang naaaliw sa nakikita nila ngayon. Narinig ko ang mga dapak ng takong na papalapit sa amin. Mayamaya pa ay isang demoness na may hawak na baton ang tumigil sa harap ng kulungang kinalalagyan namin ni Sebastian. Alam ko na ang dahilan kung bakit nagsisigawan sa galak ang mga mababahong diyablo, halos lumuwa na kasi ang dibdib ng demoness na kaharap ko ngayon Idagdag pa ang pangibabang suot n’ya na parang isang ihip lang ng hangin ay matatanggal na. Hmp. Mas maganda pa rin ako sa kanya kahit hindi ganun kalaki ang dibdib ko. “Ohh. May bago pala na sasali sa laro natin Sebastian.” maarteng pahayag ng demonya. Ang pangit ng boses n’ya. Parang bang naipit ng gulong ng truck ang leeg n’ya kapag nagsasalita s’ya. Nakakairita! “Karma, bakit ngayon ka lang?” tanong ni Sebastian na ikinataas ng kilay ko. Nilalandi n’ya ba ang demonyang ‘to? Siguro ay nahulog din ang hinayupak sa dibdib nito. “I missed you too, Sebastian.” Nakakadiri sila! Binuksan ng kasamang Morax ng demonya ang kulungan saka kami pinagtulakan palabas ng mga ito. Nakita ko ang mabilis na pagkapit ni Karma sa braso ni Sebastian at mukha namang nagi-enjoy ang lalaking ‘to sa paghaplos ng dibdib ni Karma sa balat n’ya. Marahas kong inalis ang pagkakahawak sa akin ng isang Morax ng gamitin ko ang pakpak ko para masugatan ang braso nito. Mabilis akong napaiwas nang atakihin ako ng baton ng demoness. Masyado akong naging kampante dahil hindi ko inaasahang magiging isang latego ang armas n’ya. Pumulupot sa binti ko ang latego n’ya kaya naman natagpuan ko na naman ang sarili kong nakahandusay sa semento. “Hahahaha! Matapang ka.” nakangising pahayag ng demoness. Lumipad ako at nilabanan ang ginawa n’yang paghila sa akin kaya naman mukha kaming nagta-tag of war ngayon. “Pwede nang itikom mo yang bunganga mo. Nakakairita kasi, para kang ipis.” inis na pahayag ko. Nakita ko ang paglaki ng butas ng ilong n’ya sa galit. Ngayon ay nagmumukha na rin s’yang Morax. “Anong sinabi mo? Ako? Ipis? Alam mo bang ipis ang pinakaayaw ko sa lahat ng insekto at ngayon ay nagawa mo pa akong ikumpara sa kanila!” asik n’ya. “Get her!” utos n’ya sa dalawang Morax. “Ikaw na lang muna ang una kong paglalaruan dahil hindi ko gusto ang tabas ng dila mo!” dagdag n’ya pa. Hinawakan ng isang toro ang latego at hinila ito habang nakahanda sa tabi n’ya ang isa pang toro na nakaabang sa paghuli sa akin. Naramdaman kong may humawak sa pakpak ko kaya agad ko ‘yong pinutol gamit ang pakpak ko. Tsk. Hindi na sila nadala. Mas nilakasan ko ang pagpagaspas ng pakpak ko at akmang puputulin ko na sana ang tali na nasa binti ko ng may matalim na bagay ang bigla na lang lumipad at tumama sa pakpak ko. Isa iyong itak galing sa toro. Napasigaw ako sa sakit dahil sa ginawa n’yang ‘yon. Wala sa anyong metal ang pakpak ko kaya nagawa n’ya akong masugatan. Bago pa man nila ako mahila ay kaagad akong bumalik sa anyong mortal. Mas maliit kasi ang katawan ko sa anyong ‘yon kumpara sa totoo kong anyo bilang demoness kaya naman dumulas ang latego sa binti ko. Hindi ko na rin maramdaman ang sakit ng pakpak ko dahil nakatago na ito ngayon. “Hahahaha! Sa tingin mo ba ay makakatakas ka sa akin sa anyong mong ‘yan?” tumatawang pahayag ni Karma. Pansamantala akong nakaalis sa latego n’ya pero hindi ko na alam ang susunod kong gagawin dahil wala namang espesyal sa anyong ‘to. Bukod sa nakakagalaw ako ng maayos sa liit ng katawang kong ‘to ay magaan din ang pakiramdam ko dahil wala pa akong sugat ― sa ngayon. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha ng diyablong katabi ko nang dumikit ang kamay n’ya sa akin. Maluha-luha kong hinawakan ang nanginginig kong kamay nang maramdaman ang matinding sakit dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam na prone sa sakit ang anyong ‘to hindi katulad sa totoo kong katawan na kahit ilang beses mo pabagsakin ay hindi ganun kalala ang natatanggap mong pinsala depende na lang syempre sa atake. Muli kong narinig ang nakakairitang tawa ng demoness kaya agad ko s'yang tinapunan ng masamang tingin habang minamaliit s'ya sa utak ko. Well, 'yon na lang muna ang magagawa ko sa ngayon. Kahit sa pagtawa ay ang pangit-pangit n'ya. Malaki lang naman ang boobs n'ya kaya s'ya pinagkakaguluhan ng mga tangang diyablong 'to. "Hahahaha! Mas mabilis kitang mapapatay sa itsura mo ngayon. Halika, hindi na kita papahirapan pa. Isang tarak ko lang sa'yo nitong hawak ay siguradong mahihimbing ka nang panghabang buhay." pahayag ng demoness. Kung kanina ay naging latego ang hawak n'yang baton ngayon ay naging itim na sibat naman ito. Dahil nasa anyong tao na ako ay ramdam ko ang pangingibabaw nang matinding lamig sa katawan ko. Napapalibutan ng yelo ang palasyo ni Azazel kaya naman ganun na lang ang lamig na nararamdaman ko. Nakita ang pagbwelo ni karma para sibatin ako pero kaagad na nahawak ni Sebastiang ang sibat na ikinagulat ng katabi n'yang demonya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" asik n'ya kay Sebastian. "Mukhang nakalimutan mong nandito pa ako Karma." nakangising pahayag ni Sebastian. Hinawakan nito ang baba ni Karma saka inangat at itinapat sa mukha n'ya. Nakita ko ang ginawa n'yang pagtupol sa suot nitong bra gamit ang talim ng hawak n'yang sibat. Kaagad na tinakpan ng demonya ang kanyang dibdib at inutusan ang dalawang Morax na sugurin si Sebstian nang masipa n'ya ito palayo sa kanya. Manyakis din pala an isang 'to. Tsk. Tsk. Suot ang pilyong ngiti sa labi ay walang kahirap-hirap para kay Sebastian na kalabanin ang dalawang toro gamit ang ninakaw n'yang baton kay Karma. Habang abala sila ay kumaripas na ako ng takbo palayo sa kanila. Pagkakataon ko na 'to para makaalis sa lugar na 'to. "At sa tingin mo talaga ay makakatakas ka sa akin?" tanong ni Karma kaya naman napalingon ako sa kanya ng marinig ang boses n'ya. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na ikumpara ang boses n'ya sa ipis. Ayoko namang sabihin pa 'yon sa kanya ng harapan dahil baka ma-deds ako kaagad. "Shut up!" sigaw ko sa diyablong nakakulong sa tabi ko ng may kung ano itong ibinubulong sa akin. Mga abnormal! Akmang susuntukin ko na sana ito sa mukha nang maalala ang sakit na naramdaman ko kanina sa ginawa ko sa nauna. "Focus on me b***h!" sigaw ni Karma. Mabilis kong sinangga gamit ang mga braso ko ang sipa n'ya. Napigilan ko ang pagtilapon ko nang magawa kong palitan ang kaliwa kong paa sa demon form kaya naman nanatili ang mga paa ko sa semento. "Magaling." labas sa ilong na papuri ng demonya bago muling sumugod sa akin. Gustuhin ko mang palitan ang mga braso ko sa totoo kong anyo ay hindi ko magawa. Nagawa ko naman 'yon kanina sa paa ko pero bakit ngayon ay ayaw na n'ya? "Ano na demoness?" tanong ni Karma na wala pa rin tigil sa pagatake. Parang mababali na ang mga braso ko sa sakit kaya naman pinilit ko na lang iniwasan kesa sanggain ang atake n'ya. Nagpatuloy ang atake ni Karma at dahil dun ay mabilis kong naradaman ang matinding pagkapagod. Takte! Walang kwenta ang katawang 'to! Mukhang kailangan kong bumalik sa dati kong anyo para matapatan ang isang 'to pero wala rin silbi ang pakpak ko dahil sa tama na natamo nito kanina. Muntik ko nang makalimutan ang dahilan ng pagaanyong tao ko. Sa natamong sugat ng pakpak ko ay sa tingin ko ay kakailanganin pa nito ng lagpas tatlong araw para tuluyang gumaling ang sugat at lagpas tatlong araw pa para naman maging fully functional na ulit sa paglipad ang pakpak ko. Mukhang kailangan ko talagang manatili muna sa katawang tao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD