28 - Prisoner

1234 Words
ZHOLA Halos lagpas isang dekada na ang nakakaraan simula nang mawala sa trono si Azazel pero heto ako sa teritoryo n'ya at nasasaksihan ang mga tauhan n'ya na pinapangalagaan pa rin ang palasyo n'ya. Makikitang hindi nila pinabayaan ang bawat sulok ng trono ni Azazel. Kung dati ay libo-libong mga sundalo at alipin ang hawak ni Azazel ngayon ay mabibilang na lang ang mga tapat n'yang alagad na nandirito. Siguro ay umaasa pa rin sila na babalik sa kanila ang kanilang panginoon kaya naman nanatili sila rito at hindi na naghanap pa ng ibang pagsisilbihan. "At sino ka naman?" walang emosyong tanong ng isang batang lalaki na mukhang nasa lima o anim na taong gulang lang ang itsura pero sigurado akong matanda na ang isang 'to. "Ngayon lang kita nakita rito. Isa ka bang espiya galing sa ibang palasyo?" dagdag na tanong n'ya. "Matagal na akong alipin ni Azazel. Siguro sa dami ng alipin n'ya ay ngayon mo lang ako nakita." mataray na pahayag ko saka s'ya tinalikuran. Napabuga na lang ako ng hangin nang tuluyan akong makalayo sa kanya. Hindi ordinaryong bata ang lalaking 'yon dahil wala akong naramdaman presensya nang lumapit s'ya sa akin. Moderno ang desenyo ng palasyo ni Azazel kumpara sa mala-antique na palasyo ni Beelzebub. Masasabi kong magaling ang nagdesenyo nito, hindi ko mapigilang mapamangha. Napaayos ako ng tayo ng makitang may makakasalubong akong Morax, isa itong uri ng diyablo na may ulo ng Toro. Ang lupain ng mga Morax ay matatagpuan sa kalupaan na pagmamayari ni Azazel kaya naman isa sila sa matapat na sundalo ng diyablong iyon. Napalunok ako ng laway nang bigla na lang bumababa ang tingin n'ya sa akin. Para bang ini-scan n'ya pati mga lamang loob at buto ko. Ilang sandali pa ay nakita ko ang pag-usok ng ilong nito at kasunod nun ay ang mabilis n'yang pagbunot nang malaki n'yang itak sa kanyang likuran. Kaagad akong napayuko ng iwasiwas n'ya 'yon sa direksyon ko bago lumipad papalayo sa kanya. "Belladonna." usal ng toro. Belladonna? Isa 'yong halaman na matatagpuan lamang sa teritoryo ni Beelzebub. Nagawa n'yang malaman ang dumikit na amoy ng halamang 'yon sa akin? Binunot pa n'ya sa likuran ang isa n'ya pang itak bago mabilis na sumugod sa akin pero may malakas na atake sa likuran ko na nagpapahalik sa akin sa semento. Hindi lang sa sahig na kinaroroonan namin ako lumubog kundi pati na rin sa sunod pang palapag. "Lonax," pagpigil ng batang lalaki sa toro na nagngangalang Lonax ng akmang tatagain na sana ako nito. Kung ganun ay ang bubwit na 'to ang umatake sa akin sa likod. Malahalimaw ang lakas n'ya na kabaliktaran naman sa itsura n'ya. "Anong dahilan ng pagpunta mo rito?" tanong ng bata na mas malamig pa yelo ang ekspresyon. "Kung pumunta ka rito para mamasyal lang din katulad ng nauna naming nahuli ay hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo." dagdag pa nito na nagpataas ng kilay ko. "May nahuli pa kayong tagalabas?" tanong ko. "Belladonna, kung ganun ay alipin ka ni Beelzebub." pahayag n'ya ng hindi pinapansin ang tanong ko. "Isama mo na rin s'ya sa nauna." utos nito sa toro. Mukhang mas mataas ang ranggo ng batang 'to kesa sa maskuladong toro na kaharap ko dahil walang reklamo na sinunod naman kaagad s'ya ng Morax. Sapilitan akong itinayo ng toro at may inilagay na kadena sa kamay ko bago n'ya ako hilahin papunta sa pagdadalhan n'yang kulungan sa akin. Alam na kaya nila ang patungkol sa anak ni Azazel? Kung 'Oo' ay bakit parang wala silang plano na mapasakamay ang babaeng 'yon? Halos lahat ng hari sa demon world ay nagkakainteres sa kanya kaya imposibling wala silang pakialam dun. Napansin ko ang masasamang tingin sa akin ng ilang demoness at diyablo na nakakasalubong namin ni toro. Anong problema ng mga 'to? Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang demoness na katulad ko? Isang madilim na lagusan ang pinuntahan namin, katulad ng piitin ni Beelzebub at nasa ilalim din ng palasyong 'to ikinukulong ang mga bilanggo nila. Napangiwi ako sa pandidiri nang bigla na lang hawakan ng ilang mga diyablong bilanggo ang braso ko. Bukod sa napakapangit nilang itsura ay nakakadiri rin sila. Mabilis kong pinutol ang mga nakalusot nilang braso at kamay sa rehas gamit ang pakpak ko kaya naman napuno ng sigawan ang mga diyablo. Napalingon sa gawi ko ang toro kaya naman nagkibit balikat na lang ako at muling napahakbang ng hilahin n'ya ang kadena ko. Sumenyas ito na pumasok ako sa kulungang kaharap n'ya kaya naman wala na akong nagawa pero mabilis na napakunot ang noo ko ng makita ang isang pamilyar na mukha na makakasama ko sa loob. Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ko. Hindi ko mapigilang matawa ng makita si Sebastian. Bumangon s'ya mula sa pagkakahiga at bored akong tiningnan. "Hahahaha! Look how's here." maluha-luha kong sambit. "Kelan ka pa nakakulong sa lunggang 'to?" "Kung makatawa ka akala mo hindi ka rin nakakulong ngayon." aniya nito. "Hahahaha! Atleast hindi ako ang nauna." giit ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na maapakan ang pride ng lalaking 'to. "May natuklasan ka ba sa pagmamanman mo rito?" tanong ni Sebastian na ikinaangat ng isa kong kilay. "Wag kang humingi ng impormasyon sa akin kung pumalpak ka sa misyon mo." mataray kong pahayag. Pinagmasdan kong mabuti ang rehas na bakal na kinaroroonan namin. Gusto ko kasing alamin kong magagawa ko itong putulin gamit ang mga pakpak ko pero sa kasamaang palad ay hindi rin ito ordinaryong bakal. Kaya siguro hindi rin makalabas-labas ang isang 'to dito. "Huwag kang magmayabang Zhola. I'm sure na wala ka ring nakuhang kahit 'ni katiting na impormasyon dahil nahuli ka kaagad ni Manu." "Manu? S'ya ba ang batang lalaki kanina?" tanong ko. "Sinasabi ko na nga ba! Kahit pangalan ng kanang kamay ni Azazel ay hindi mo rin alam." pahayag n'ya. Hindi ko na naman mapigilang mainis sa lalaking 'to. Pinapakulo n'ya na naman kaagad ang dugo ko. Kailangan kong makahanap ng paraan para makaalis at makalayo sa hinayupak na 'to. "Mukhang sa akin ka pa makakakuha ng impormasyon sa misyon mong 'to Zhola." Kaagad kong itinapat sa leeg n'ya ang matalim na parte ng pakpak ko pero walang gumuhit na takot sa mukha n'ya tulad ng inaasahan ko. Now, I'm stuck with this annoying demon. Naupo ako sa sahig at pinag-cross ang mga braso ko. Si Manu, s'ya pala ang kanang kamay ni Azazel. Kung ganun ay s'ya ang namuno sa palasyong 'to ng mawala sa pwesto si Azazel. Ano kayang plano ng kutong lupang 'yon? Balak n'ya rin bang kunin ang anak ni Azazel? Nakita kong muling humiga sa sahig si Sebastian at tumagilid patalikod sa'kin. Imbes na magisip ng plano para sa pagtakas ay parang relax na relax pa s'ya sa sitwasyon n'ya ngayon. Paano n'ya nagagawang nakatulog sa ingay ng mga katabi naming kulungan? "Nage-enjoy ka ba rito?" sarkastikong tanong ko kay Sebastian. "Ayoko lang magsayang ng oras at lakas ko sa pagtakas dito dahil wala rin namang silbi kong gagawin ko 'yon." sagot n'ya. "So tanggap mo nang dito ka mabubulok?" nakangising tanong ko. "Naghahanap lang ako ng tamang tyempo. Minsan kasi gamitin mo rin ang utak mo." Napakuyom ako ng kamao dahil sa inis nang marinig ang sinabi n'ya. Gusto kong pasabugin ang bunganga n'ya. Kaagad ko s'yang inatake gamit ang pakpak ko pero mabilis n'yang nagawang metal ang balat n'ya kaya naman hindi bumaon ang simpling atake ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD