“Aaahhhhh!”
Napasigaw ako sa gulat ng may bigla na lang kumagat sa buntot ko. Mabilis akong nag-anyong tao at napatitig sa itim na balabal na suot ni Fang na kaninang kinahihigaan ko.
“M-May kumagat sa buntot ko.” sumbong ko kay Fang. Humalakhak s’ya saka ipinakita sa akin ang makapal n’yang balabal na gawa sa faux fur.
“Fentris?” hindi makapaniwalang saad ko ng makita ang cute na lobo na parang bagong panganak lang. Nakapikit pa ang mata nito habang mahinang umuungol.
Bumalik sa pagiging isang maliit na lobo si Fentris?
“This shawl is made of wolf fur. May kakayahan ‘tong buhayin nang paulit-ulit si Fentris kahit ilang beses pa s’ya mamatay.” paliwanag ni Fang habang hinihimas ang alaga n’yang nakapulupot sa leeg n’ya ngayon.
“Hahahaha! Sa tingin mo ba ay matutulungan ka ng hayop na yan na mapabagsak ako?” nakangising tanong ni Gareas.
Muntik ko nang makalimutan na nandito pa pala ang butiking ‘to. Masyadong naagaw ang atensyon ko ni Fentris. Nakakagigil kasi ang ka-cute-an n’ya.
Mabilis akong nag-anyong uwak saka lumipad papalayo muna sa kanila pero isang malamig na bagay ang bigla na lang pumulupot sa katawan ko. Mga kadena.
“Aahhhh!” tili ko.
“Kung kaya mong ibalik ng buhay ang alaga mo ay paano naman ang shapeshifter na ito?” tanong ni Gareas.
Patay na! Matutulad din ba ako sa nangyari kanina kay Fentris na mahahati sa dalawa ang katawan?
“Ahhhhh!” Muli akong napasigaw ng hawakan ng lalaki ang leeg ko. Namalayan ko na lang na nasa katawang tao na ako.
Paano n’ya nagawang ibalik ang anyo ko sa pagiging tao?
“Mas magiging masaya kapag hinati ko ang katawan mo sa gan’tong itsura.” nakangising pahayag n’ya.
“Ang dumi mo naman maglaro. Akala ko ba ay ako lang ang pakay mo.” umiiling na pahayag ni Fang.
“Hahahaha! Mas maganda kong aalisin ko muna ang mga sagabal sa ating dalawa bago tayo magsimula. Ano sa tingin mo?”
Naramdaman ako ang pagbaon ng kuko ng Salamander sa laman ko bago n’ya ako ibalibag sa tabi. Ramdam ko pa rin ang malamig na kadenang nakapaikot sa akin kaya imposibling makatakas ako nang walang tulong nina Fang. Gusto kong mag-anyo sa kahit anong maliit na hayop pero hindi ko magawa. Siguro’y pinipigilan ng kadenang ‘to na mapagana ang kapangyarihan ko.
Napadaing ako ng maramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng kadena.
“Hatiin na natin s’ya. Kekeke.” saad ng Salamander.
Napapikit na lang ako at hinintay ang pagbaon ng mga kadenasa katawan ko. Jusme! Mukhang hindi na ako makakabalik ng buhay kay Magda.
Isang malakas na kalansing ng bakal ang narinig ko kaya mabilis akong napamulat ng mga mata. Nakita ko ang maliit na lobo na kagat ang putol na kadena na nasa harap ko. Kung kanina ay para s’yang bagong silang ngayon ay lumaki na nang kaunti ang katawan n’ya na parang nasa 3 months old na aso.
“Sabi ko naman sa’yo na ‘wag mong minamaliit ang alaga ko.” pagmamalaki ni Fang.
“Tsk. Imposibling maputol na lang ng basta basta ang kadena ko!” asik ng butiki. Mukhang hindi n’ya matanggap na naputol ng isang maliit na lobo ang armas n’ya.
“Sinabi mo rin noon na imposibling masugat ko ang katawan mo dahil sa matibay na balat na meron kayong mga Salamnder pero anong napala mo? Nasaan na ngayon ang ipinagmamalaki mong buntot?” may halong pang-aasar na tanong ni Fang.
Nang matanggal ko ang kadena sa katawan ko ay mabilis akong nag-anyong ahas at pumulupot sa leeg ni Fentris. Tumakbo s’ya papunta kay Fang kaya naman ng makalapit kami ay kaagad akong lumipad bilang uwak at dumapo sa balikat ni Fang bago bumalik sa pagiging ahas. Napabuntong hininga na lang ako bago ipahinga ang ulo ko sa balikat n’ya.
“Muntik na ko ‘don ah.” usal ko na lang.
“Tsk. ‘Wag kang presko bata! Hindi porket natalo mo ako noon ay magagawa mo na rin akong talunin ngayon!” nanggagalaiting sigaw ni Gareas.
Hindi n’ya talaga matanggap ang nangyari sa kanya noon. Haist! Kawawang butiki. Halata namang wala s’yang laban kay Fang at Fentris pero pinagpipilitan n’ya talagang manalo.
“Ito naman masyadong matampuhin. Ganito na lang, bago kita patayin ay sabihin mo muna sa akin ang mga nalaman mo sa pagmamanman sa palasyo ni Astaroth baka sakaling magbago pa ang isip ko at hayaan kitang makabalik kay Satanathos.”
“Aba’t! Nabubwisit na ako sa’yo!” Hinagupit ni Gareas ang dalawa n’yang kadena at muling umatake. Gamit ang kaliwa n’yang kamay ay si Fang ang taget n’ya samantalang sa kanang kamay naman n’ya ay si Fentris ang inaatake n’ya.
Ang galing n’yang mag-multitasking.
Not bad.
Nakita ko ang ginawang paghampas ni Fang sa hangin at mula sa kaliwa n’yang kamay ay lumitaw ang nag-aapoy n’yang kawit. Katulad na katulad ang itsura at ang laki nito sa kawit ni Leviathan pero magkaibang kapangyarihan. Apoy ang kay Fang samantalang yelo naman ang kay Leviathan. Ang astig!
“Hindi ko akalaing twinnie kayo ni Leviathan ng sandata.” manghang pahayag ko.
“Twinnie?” kunot noong tanong ni Fang habang sinasalag ang atake ni Gareas gamit ang kawit n’ya .
“Para kayong kambal na may parehong gamit kagaya ng hawak mong kawit. Nakita kong ganyan din ang ginagamit ni Leviathan.” paliwanag ko pero hindi s’ya umimik at pinagpatuloy lang ang ginagawa n’yang pagsangga.
“Ano! Tatakbo ka na lang ba Fang?!”
“Binibigyan lang kita ng ilang minuto pa para mabuhay!” sagot naman ni Fang. Kahit anong lumabas na salita sa bibig ni Fang ay talaga namang sapul lagi sa pride ng butiki. Durog na durog na ang danggal n’ya. Kung ako sa kanya ang tatahimik na lang ako at gagawin ang plano ko para hindi na ako mabara pa ng kalaban.
Sumipol si Fang nang malakas. Sabay na umabante paatake si Fentris at Fang sa Salamander. Muli na naman akong napamangha ng biglang lumaki ang katawan ni Fentris. Hindi s’ya katulad nang una ko s’yang makita pero sapat na ‘yon para masakmal n’ya ang kalahating katawan ng Salamander. Sa bilis kasi ng naging kilos ng dalawa ay hindi na alam ng Salamander kung kanino n’ya itutuon ang atensyon n’ya.
Sa talas ng mga ngipin ni Fentris ay nagawa n’yang hatiin ang katawan ng butiki pero hindi n’ya ‘yon kinain at iniluwa rin. Siguro ay sobrang sama ng lasa nun.
Ang galing ni Fentris. Nakaganti rin s’ya sa ginawa ni Gareas sa kanya kanina.
“Good boy.” papuri ni Fang sa alaga n’ya habang hinihimas ang leeg nito. Nag-anyong tao na rin ako ay yinakap ang mabalahiong katawan ni Fentris.
“Good boy. Ang galing-galing mo.” Nakatanggap ako ng maraming laway sa lobo ng dilaan n’ya ang mukha ko. Gusto kong mandiri dahil kakagaling lang sa bibig n’ya ang katawan ng butiki.
“So, may gusto ka bang sabihin sa akin?” tanong ni Fang kay Gareas. Kahit magkahiwalay na ang katawan nito ay buhay na buhay pa rin ang butiki. May kakayahan kasi silang makapag-regenerate ng katawan hangga’t tumitibok pa ang puso nila.
“Maipapagako mo bang hindi mo ako papatayin kapag sinabi ko sa’yo lahat?” tanong ni Gareas.
“Deal.” sambit ni Fang.
“Hindi lang palasyo ni Beelzebub ang gustong pabagsakin ni Astaroth kundi pati na rin ang kay Satanathos. Mukhang ayaw ng demonyong ‘yon na may maging sagabal sa kanya. Nahahati sa dalawa ang mga sundalo ni Astaroth. Sabay susugod ang mga sundalo n’ya sa makalawa.”
“Hindi ko akalaing madami ang sundalo ni Astaroth.” pahayag ni Fang.
“Matagal na n’yang pinaghahandaan ang araw na ‘to. Simula ng paruhasan nang panghabang buhay na pagpapahirap si Azazel ay kinuha n’ya ang mga sundalo nito ng patago.” dagdag pa ni Gareas. “Pahamak talaga ang anak ni Azazel. Tsk. Tsk.” pahabol na komento pa nito.
Gusto ko s’yang bigwasan. Kung wala lang sina Fang ay baka nagawa ko na ‘yon sa butiking ‘to. Teagan didn’t want this to happen. Kahit kelan ay wala akong nakitang kasamaan sa kanya kahit pa sabihin na isang s’yang kalahating diyablo.
“Haist! Anong klase kang alipin? Paano mo nagawang pagtaksilan ang panginoon mo? Dahil sa kagustuhan mong mabuhay ay isiniwalat mo sa kalaban ang lahat ng mga impormasyon nalaman mo. You don’t deserve to live.”
“Anong ibig mong sabihin?!” asik ng Salamander.
“Thank you for your cooperation. Suma-impyerno nawa ang ‘yong kaluluwa.” pahayag ni Fang.
Nanlaki ang mata ko nang bigla n’ya na lang ibaon ang talim ng kawit n’ya sa puso ni Gareas.
“Hindi ka nararapat na maging isang alipin.” dagdag pa ni Fang bago tuluyang mawala sa kamay n’ya ang kawit.
“Wala kang isang salita Fang.” wala sa sariling sambit ko. Hindi ko maintindihan, sinabi n’ya kanina na hahayaan n’ya itong mabuhay kapag sinabi nito sa kanya ang mga nalaman n’ya. Nakita kong nagtiwala sa kanya si Gareas kaya naman sinabi n’ya lahat pero bakit pinatay n’ya pa rin ang Salamnder?
“Kalaban s’ya kaya naman nararapat lang ‘yon sa kanya.” paliwanag ni Fang. Hindi na lang ako umimik.
Siguro ay ganito talaga ang ugali ng alipin nang pinakamakapangyarihang diyablo. They are trained to kill and protect their demon king. Gagawin mo ang lahat para makakuha ng impormasyon. Papatayin mo ang kahit na sino para mapasakamay ang kailangan mo at matapos ang misyon ibinigay sa’yo. Matagal akong nanatili sa mundo ng mga tao kaya naman hindi ko maintindihan ang ganitong uri nang trabaho.
I don’t think I can trust Fang.