"When will they come?" tanong ko kay Fang habang kasabay niyang naglalakad sa pasilyo ang alaga n'yang lobo. Nakasakay ako sa likuran ni Fetris na nasanay na sa presensya ko dahil sa lagi kong pagsunod sa kanilang dalawa simula pa noong nakaraang araw. Simula ng makipag-deal ako kay Fang ay lagi na akong nakabuntot sa kanya. Baka kasi bigla n'yang maisipan na pumunta sa mundo ng mga mortal at iwanan ako.
"Yan ang aalamin natin." sagot n'ya kaya mabilis akong napalingon sa kanya.
"Pupunta tayo sa teritoryo ni Astaroth?" kabadong tanong ko. Jusme! Ayoko na sa lugar na 'yon!
"Oo." tipid n'yang sagot.
Sa dami nang masasamang alaala na inabot ko sa Hypboreya ay hindi na ako magdadal'wang isip na manatili na lang dito sa palasyo at huwag nang sumama sa kanya. Nag-anyong Imp ako at akmang tatalon na sana ako pababa kay Fentris ng hulihin ni Fang ang buntot ko.
"Ahhh! Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko.
"You're coming with me." aniya nito na ikinalaki ng mga mata ko pero huli na dahil kaagad s'yang sumakay kay Fentris at pinatalon sa malaking bintana ang alagang aso. "Hold on." usal n'ya kaya naman nag-anyong maliit na ahas ako at pumulupot sa leeg n'ya.
"Kung hindi mo na itatanong ay nahuli na ako ng mga tauhan ni Astaroth at ikinulong sa ilalim ng bulkan sa Hypboreya. Naka-face to face rin namin ni Zhola ang nga Chefure sa lugar na 'yon kaya naman na trauma na ako. Huhuhu. Bakit kailangang kasama pa ako papunta 'ron?" reklamo ko kay Fang.
"Hahahaha. 'Wag kang mag-alala Elisha. 'Ni minsan ay hindi pa ako nagawang hulihin at talunin ng mga kalaban ko." pagmamayabang n'ya.
"Siguraduhin mo lang Fang dahil ayoko nang maulit ulit ang karanasan ko sa kamay ni Astaroth."
Well, hindi naman ganun kasamang kasama si Fang. Mukha naman s'yang mabait at mapagkakatiwalaan pero ayoko munang magsalita ng tapos dahil hindi ko pa s'ya ganun katagal na nakakasama. Sabi nga sa kasabihan ng mga mortal, masusukat ang tiwala mo sa isang tao hindi lang sa tagal ng panahong nakasama mo s'ya kundi pati na rin sa mga ipinapakita n'yang kabutihan sa'yo.
Hmmm. Pero isang diyablo si Fang at hindi isang mortal kaya naman mas malaki ang percentage ng pagiging masama n'ya.
"Katulad ka rin ba ni Leviathan na dating mortal?" tabong ko kay Fang.
"Oo. Bago ako mapunta sa mundong 'to ay isa rin akong tao noon. Gusto mo bang malaman kung paano ako napunta sa Demon World?"
"Kahit hindi ko itanong 'yan ay ikukwento mo rin naman." pahayag ko na ikinatawa n'ya. Kahit ilang araw ko pa lang s'yang nakikilala ay alam ko na kung gaano s'ya kadaldal.
"I murder 14 children."
"Bakit?"
"Pinatay nila ang bunso kong kapatid. They bullied and tortured him to death. Hindi ko akalaing sa mga mura nilang edad ay nagawa nilang pumatay nang inosente at may kapansanang bata. Grade 5 nun ang kapatid sa isang public school at dahil hindi kaya ng mga magulang ko na i-enroll s'ya sa isang special school para sa mga katulad n'yang may kapansanan ay pumasok s'ya sa isang normal na paaralan. 16 sila sa isang klase. After he was killed I hunt down his 15 classmates to take revenge. Nagawang makatakas ng isa at lumipad ng ibang bansa. Dahil sa galit ko ay nakipagkasundo ako nun kay Beelzebub na patayin ang natitira pa. Hindi mahirap kausap si Beelzebub kaya alam mo na ang sunod na mga nangyari."
"Iba talaga ang nagagawa ng paghihigante. Nagagawa nitong masama ang mga inosente." pahayag ko.
"Tama ka." segunda naman ni Fang.
"Kung isa kang familiar nasaan ang mangkukulam na pinagsisilbihan mo?" tanong n'ya.
"Malamang nasa mundo ng mga mortal. Kaya nga kating-kati na akong umalis sa lugar na 'to. Bakit hindi na lang tayo pumunta ngayon sa mortal world at simulan ang misyon mo. Ano sa palagay mo?"
"Not a chance. Tutulungan ko si Beelzebub sa digmaang 'to."
Napaka-loyal n'ya namang alipin.
"Sa tingin ko naman ay kayang-kaya na ng mga ibang tauhan ni Beelzebub si Astaroth." Kailangan kong makumbinsi si Fang para naman hindi na ako matagalan pa sa mundong 'to.
"Hahahaha. Hindi ako mabilis makumbinsi Elisha pwera na lang kung ikaw si Beelzebub dahil hindi ako tatanggi sa'yo." natatawang pahayag n'ya.
Napabuntong hininga na lang dahil sa sinabi n'ya. Kung alam ko lang ang tunay na anyo ni Beelzebub ay baka ginaya ko na ang itsura nito pero sa ilang araw kong pananatili sa palasyo ay hindi ko man lang s'ya namataang nagpagala-gala roon.
"Fang." tawag ko rito ng may maramdamang malakas na enerhiya sa paligid namin.
"Mukhang may sumalubong na sa atin." nakangising pahayag ni Fang. Walang bakas ng takot o pagaalinlangan sa mukha n'ya. Mukhang confident s'ya sa lakas na taglay nilang pareho ni Fentris.
Tumigil sa pagtakbo si Fentris at narinig ko ang mabangis na pag-ungol nito. Mayamaya pa ay nagpakita sa harap namin ang isang salamander. May nakapaikot na kadena sa kaliwa n'yang braso.
"Kekeke. Matagal na panahon na rin. Kamusta ka na?"
"Kilala mo s'ya?" bulong na tanong ko kay Fang.
"Sino ka nga ulit?" tanong ni Fang sa Salamader. Nakita ko ang pagguhit nang inis sa mukha n'ya pero kaagad n'ya rin 'yong inalis at ibinalik ang ngisi sa labi.
"Ako si Gareas. Alipin ni Satanathos. Ako ang tinalo mo noon sa isang dwelo." pahayag ni Gareas. "Natatandaan mo ba ito?" tanong n'ya saka ipinakita sa amin ang kanyang putol na buntot. "Ikaw ang may gawa nito anim na taon na ang nakararaan." Bakas na ngayon sa boses ng Salamander ang galit.
Napahawak sa baba si Fang na mukhang pilit na inaalala ang kaharap na diyablo.
Kahit ako ay maiinis sa kanya. Parang sa isang relasyon lang kung tawagin ng mga mortal. Pagkatapos mong kunin ang virginity ng isang babae na matagal n'yang iningatan ay kinaumagahan nun ay naka-move on ka na kaagad na parang wala lang sa'yo ang nangyari. Sinong hindi maiinis sa ganun?
"Sorry bro. Hindi talaga kita matandaan." saad ni Fang. Napailing na lang ako dahil sa narinig ko. Ayan, hindi na maipinta ang mukha ni Garaes. Parang mauutot na s'ya sa inis dahil kay Fang.
"Kung ganun ay ipapaalala ko sayo ang kasalanan mo sa akin!" asik n'ya.
Mabilis na napatalon palayo si Fentris ng gamitin ng Salamander ang hawak n'yang kadena para atakihin kami. Maliit at maikli lang 'yon kanina pero bigla na lang itong lumaki at humaba. Ngayon nga ay hinahabol na kami ng hagupit nito. Matalas ang bawat galaw ni Fentris na halatang wala lang sa kanya ang atake ng Salamander. Nagawa n'yang hulihin ang kadena gamit ang matatalas n'yang ngipin saka iyon hinila na dahilan para sumabay sa ginawa n'ya ang katawan ni Gareas. Nagawa n'yang maitapon palayo ang kalaban pero hindi 'yon sapat para mapatumba ito.
"Kekekeke. Aasa ka na lang ba sa aso mo ha Fang?" pangaasar ng butiki. Nabaling ang tingin ko kay Fang na mukhang wala lang sa kanya ang sinabi ng kalaban.
"Kayang kaya ka nang talunin ni Fentris. Hindi na ako magsasayang pa ulit nang lakas sa walang kwentang diyablong katulad mo." Nakita ko ang pag-igting ng panga ng butiki. Mukhang nadali ni Fang ang ego nito.
"Tchh. Tingnan na lang natin. Ipapakain ko sa'yo ang mga sinabi mo!" asik n'ya bago muling umatake.
Pinutol n'ya ang hawak na kadena kaya naman magkabila na ang sandatang hawak n'ya. Sabay n'yang iwinasiwas papunta sa direksyon namin ang kadena at katulad nang nauna ay nagawa 'yon iwasan ni Fentris. Mabilis na umabante ang lobo para atakehin si Gareas pero bago n'ya pa man maabot ng matatalas n'yang ngipin ang kalaban ay napagilan na s'ya nito nang pumulupot sa kaliwang paa n'ya ang kadena.
Nanlaki ang mata ko nang maputol ng kadenang 'yon ang paa ni Fentris. Mabilis na tumalon paalis si Fang nang mahuli ng Salamander ang katawan ng lobo. Hindi ko mapigilang manghina ng makita ang paghiwalay ng katawan ni Fentris kasama ang pagtalsik nang napakaraming dugo mula sa katawan n'ya.
"F-Fang," usal ko na lang.
"Nasaan na ngayon ang alagang pinagmamalaki mo Fang ha?!" mayabang na tanong ng butiki. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil ayokong makita ang sinapit ni Fentris. Nakakapanghina ang makita s'yang wala ng buhay.
"Don't underestimate him. Hindi mamatay si Fentris sa walang kwentang atake lang." pahayag ni Fang.
Mabilis akong napadilat ng mga mata dahil sa sinabi ni Fang. Kung ganun ay buhay si Fentris? Nang ibalik ko ang tingin sa lobo ay ganun pa rin ang itsura n'ya. Walang bakas ng buhay.
"Nagge-generate ba s'ya?" bulong na tanong ko kay Fang. "Bakit nakahandusay pa rin s'ya hanggang ngayon?" sunod kong tanong sa kanya.
"Excited ka masyado. Maghintay ka." sagot n'ya na ikinasimangot ko. Mabilis na napaiwas si Fang nang atakihin s'ya nang sunod-sunod ng butiki. Sa bilis ng bawat paggalaw ng kadena ay hindi ko na 'yon makita ng maayos. Nakakamangha ang ginagawang pag-ilag ni Fang. Halatang magaling nga s'ya sa pakikipaglaban.
Mukhang tama ang diyablong kinampihan ko. Well, 'wag ulit tayo magsalita ng tapos dahil baka ma-jinx bigla.
Teka, nasaan na si Fentris?