25 - Team up

1711 Words
ELISHA “Greerrrrrrrrrr! Parang awa mo na!” pagmamakaawa ko habang niyuyougyog ang maliit na katawan ni Greer. “Ahhhhhhh! Bitawan mo ako! Nahihilo na ako sa’yo!” asik ni Greer kaya naman agad ko s’yang binitawan at nakita ang pasuray-suray na galaw n’ya na parang nakaitom ng ilang bote ng alak. Naunang bumagsak ang mukha n’ya sa sahig saka sumunod ang maliit n’yang katawan. “Walanghiya ka.” mahinang usal n’ya. Ilang araw na akong nagtatago rito sa palasyo ni Beelzebub at kating-kati na talaga akong makauwi kay Teagan at Magda. Hindi ko rin mahagilap si Leviathan kaya naman hindi ko alam ang gagawin ko para makabalik sa mundo ng mga mortal. Siguro naman ay sapat na ang ilang araw na pananatili ko rito para mabuksan ang lagusan pabalik. Dahil wala si Leviathan ay kay Greer ako nakikiusap na magbukas ng portal para makauwi na ako. “Tanging portal lang sa mundo ng mga diyablo ang kaya kong gawin at isa pa, magagawa ko lang ‘yon kapag may pahintulot ni Beelzebub kagaya na lang ng araw na sinundo ko si Zhola dahil sa utos na rin n’ya. Hindi ko kayang magbukas ng portal papunta sa mundo ng mga mortal.” pahayag ni Greer na tuluyang nagpabagsak ng mga balikat ko. Paano na ako makakauwi nito? “Greeerrrrrrr!” ngawa ko saka muling niyugyog ang katawan ni Greer. “Ano baaaa!” reklamo ng Imp na kulang na lang ay takasan ng hininga dahil sa ginagawa ko sa maliit n’yang katawan. “Alam ko naaa!” sigaw n’ya kaya naman napatigil ako sa pag-torture sa kanya. “Matutulungan mo na ba ako?” excited kong tanong sa kanya. “Hindi ako kundi si Fang!” “Sino naman si Fang?” kunot noong tanong ko pero bago pa man makasagot si Greer nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may malaking halimaw ang sumulpot sa likuran n’ya saka s’ya nito nilamon ng buhay. Isa iyong higanting itim na lobo. Napasigaw ako sa gulat ng bigla na lang lumabas ang ulo ni Greer sa bunganga nito habang nagpupumilit itong makalabas sa bibig ng lobo. Nag-anyong Imp ako at tumalon sa ulo ng lobo saka ito sinabunutan. “Iluwa mo si Greerrrrrr!” sigaw ko. “Aaaahhhhhh” narinig kong sigaw ni Greer. Para akong nasa isang rodeo, ako ang bullrider at ito namang lobo ang nagsisilbing toro ko. Kailangan kong iligtas si Greer dahil s’ya lang ang pag-asa ko rito para maka-survive sa palasyo ni Beelzebub at isa pa, hindi n’ya pa nasasagot ang tanong ko patungkol sa tinutukoy n’yang Fang. Sabay kaming napasigaw ni Greer nang bigla na lang tumakbo nang napakabilis ang lobo sa mahabang pasilyo. Parang nage-enjoy pa s’ya sa nangyayari, akala n’ya siguro ay nakikipaglaro kami sa kanya. Dahil sa mabilis na pagtakbo ng lobo ay nabitawan ko ang balahibo n’ya pero bago pa man ako bumagsak ay may humawak na sa maliit kong buntot kaya naman napigilan ang paglagapak ko sa semento. “Fentris!” sigaw ng lalaking may hawak sa akin. Tumigil sa pagtakbo ang lobo at bumaling sa direksyon namin. Nakita kong nakalabas pa rin ang ulo ni Greer sa bibig nito na halatang nawalan na nang malay. Kahit ako ay mawawalan lakas kapag ganoong nasa loob ako ng bibig nang mala-halimaw na lobo. Nang bitawan ako ng lalaki ay kaagad akong bumalik sa anyo ko bilang isang tao. Walang totoong anyo ang isang familiar na katulad ko pero dahil sa matagal na panahong pag-aanyong tao ko ay doon na ako nasanay. “Ngayon lang kita nakita rito. Hindi ko akalaing may bago at magandang alipin si Beelzebub.” nakangiting pahayag ng lalaking kaharap ko. Kapag ba sinabi kong trespassing ako rito ay papatayin n’ya ako? Sa ngayon ay tanging si Greer lang ang pinagkakatiwalaan ko rito. Wala si Zhola at Leviathan kaya wala akong ibang choice kundi kumpit sa maliit na Imp na ‘to. “E-Elisha.” saad ko. “Ako nga pala si Fang…at s’ya naman ang alaga kong si Fentris.” baling n’ya sa lobo na kakalapit lang sa amin. Napangiwi ako nang ilawa nito sa harap namin si Greer. “Buhay pa ba s’ya?” tanong ko rito ng makita ang kawawang kalagayan ni Greer. “Wag kang mag-alala. Hindi papatayin ni Fentris ang Imp na yan dahil paborito n’yang kalaro si Greer kapag nandito kami sa palasyo.” natatawang pahayag ni Fang na ikinakunot ng noo ko. Kalaro? Kasama ba sa laro nila ang maglamunan ng buhay? “F-Fang, pupunta ka ba ngayon sa mundo ng mga mortal?” lakas loob na tanong ko rito. Baka lang naman pwede akong sumabay sa kanya kung gagawin n’ya ‘yon. “Plano ko sanang gawin ‘yon pero mukhang kailangan ako rito ni Beelzebub dahil sa giyerang magaganap.” “Giyera?” kunot noong tanong ko. “Hindi ka ba pumunta sa meeting kanina?” tanong n’ya kaya naman umiling nalang ako bilang sagot sa kanya. Bakit magkakaroon ng giyera? “May nakarating na balita kay Beelzebub na susugod dito sa palasyo si Astaroth para kunin sa pangangalaga n’ya ang anak ni Azazel.” “Wala na rito sa palasyo si Teagan kaya bakit sa palasyo ni Beelzebub sila susugod?” sunod kong tanong rito. “Dahil alipin na ni Beelzebub ang anak ni Azazel.” Ilang sandali akong hindi makaimik dahil sa narinig ko mula sa lalaking kaharap ko. Alipin na ni Beelzebub si Teagan? Paano nangyari ‘yon? “Ahh! Iyon pala ang nakalimutan kong sabihin sa’yo.” sabat ni Greer na nagpupunas ng sarili kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya. “Nakipagkasundo s’ya kay Beelzebub ng araw na hindi mo s’ya maabutan dito.” dagdag pa n’ya na ikinainis ko. Hinablot ko ang buntot n’ya at iniharap s’ya sa akin. “At ngayon mo lang sinabi sa akin! Tarantado ka baaaa!” sigaw ko bago s’ya ibato sa malayo. Tumakbo naman si Fentris para kunin ang Imp na lumilipad ngayon palayo sa amin. “Ahhhhhhh” nage-echo a sigaw ni Greer. Narinig ko ang pagtawa ni Fang kaya lumingon ako sa kanya. “Can you open a portal to human world? Please!” pagmamakaawa ko kay Fang habang magkadikit ang dalawa kong palad. “Hindi ko pweding gawin ‘yon dahil limitado lang ang kakayahan ko sa paggawa ng portal. Hindi kagaya sa kapangyarihan ni Leviathanay s’ya pwede s’yang magbukas kahit kelan n’ya gusto.” sagot ni Fang. “Hindi ka alipin ni Beelzebub.” isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ni Fang kaya naman napaatras ako palayo sa kanya. Patay na! Kakatapon ko lang kay Greer. “Wag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa’yo at isa pa mukhang kilala ka naman ni Greer. Sino pa ang mga kakilala mo sa palasyong ‘to?” Napalunok muna ako ng laway bago s’ya sagutin. “Si Zhola at Leviathan.” “Mga kaibigan ko sila. So, tell me, sino ka ba talaga? At anong ginagawa mo sa palasyo ni Beelzebub? Pinadala ka ba ng kalaban para magmanman dito?” “Hinid ako kalaban!” giit ko. “Gusto ko lang na makauwi na sa mundo ng mga mortal. Nandoon ang tirahan ko. Sabi ni Greer ay matutulungan mo akong makabalik dun.” dagdag ko pa. “Kung kakilala mo si Leviathan ay bakit hindi ka sa kanya magpatulong?” tanong n’ya na nagpataas ng kila ko. “Mukha ba s’yang nandito ngayon?” sarkastikong tanong ko na ikinatawa ng lalaking kaharap ko. “Sorry naman. Kung gusto mong tulungan kita na makabalik sa mundo ng mga mortal ay kailangan mo pa akong hintayin.” “Na matapos ang giyera?” kunot noong tanong ko pero nagkibit balikat lang s’ya. “Wala ka ng ibang choice.” “Alam mo bang tumagal ng ilang daang taon ang giyera na naganap noong unang panahon dito sa demon world?’ “Alam ko pero mas malakas na ang sundalo ni Beelzebub kaya naman tiwala kami sa tagumpay namin laban kay Astaroth.” confident na sagot n’ya. Mukhang wala na akong ibang choice kundi kumapit sa lalaking ‘to habang hindi pa ako nakakahanap ng ibang paraan na mapabilis ang pagalis ko sa mundong ‘to. “Syempre hindi magiging libre ang gagawing kong tulong sa’yo. Kapag naibalik kita sa mundo ng mga motal ay tutulungan mo rin ako hanapin ang pakay o sa mundong ‘yon.” Mautak ring ang isang ‘to. “Fine, sino ba ang hahanapin mo?” “Secret. Malalaman mo kapag dumating na tayo ‘dun.” sagot niya bago s’ya maglakad papalayo sa akin. Kaagad akong naganyong uwak at dumapo sa balikat n’ya. “Isa kang shapeshifter.” “Hindi, isa akong familiar.” giit ko. “Parehas lang ‘yon.” depensa naman n’ya. Pumunta kami sa mataas na parte ng palasyo ni Beelzebub. Mula sa kinatatayuan namin ay makikita ang iba’ ibang uri ng diyablo na naghahanda sa ibaba para sa magaganap na digmaan. Hindi pa ako buhay nang mangyari ang naunang digmaan pero sigurado akong madugo at magulo ang demon world sa panahong ‘yon. Napansin ko ang isang nilalang na mukhang namumuno sa mga sundalo. Agaw pansin kasi ang suot n’yang armor na kulay pula at makikita rin ang pagbibigay galang ng diyablo sa kanya. “Sino s’ya?” tanong ko kay Fang. “Si Matias. Pinakamataas at pinakamalakas na General sa sundalo ni Beelzebub.” “Bakit hindi ka pa bumababa run para maghanda rin?” “Hahaha. Hindi na kailangan. I can handle myself.” mayabang na pahayag nito na ikinaikot ko na lang ng mata. Katulad na katulad kay Leviathan ang aura ni Fang. Sa tingin ko ay mas malakas pa s’ya kesa sa general ni Beelzebub. Bigla akong kinilabutan ng biglang bumaling ng tingin sa amin si Matias. Dahil matalas ang mata ng anyo ng uwak ko ay nakita kong sa akin pala s’ya nakatitig. “Isa sa mga kakayahan ni Matias ang marinig ang sinasabi ng utak ng mga diyablong malapit sa kanya.” pahayag ni Fang. “Pero napakalayo naman natin sa kanya.” bulong ko. “Isa ‘yon sa mga special ability n’ya.” giit naman ni Fang. ‘Joke lang po.’ saad ko na lang sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD