24 - Paradise pt.2

1514 Words
"Nasaan tayo?" tanong ko kay Levi habang nakatanaw sa napakagandang asul na karagatan. Hindi ko maalis ang tingin sa paraisong kinalalagyan ko pero deserve ba ng isang katulad ko ang ganda na ipinapakita nito? Kapag naging ganap na diyablo na ako ay siguradong pagkasira ang kahihinatnan ng buong lugar na 'to. "This is the safest place for you." sagot n'ya. Siguro ay ayaw n'ya lang sabihin na ito ang magiging kulungan ko. "Sa tingin mo ba ay hindi nila ako mahahanap sa lugar na 'to?" baling ko kay Levi habang malayo rin ang tingin sa karagatan. "Magda told me that this is your house when you're still young. Dito ka ipinagbuntis at ipinanganak ni Trisha. You lived here for almost 7 years before your mother died." pahayag ni Levi. Nakakapagtaka lang na parang mas marami pa s'yang alam sa nakaraan ko kesa sa akin. Samantalang ako ay walang maalala sa lugar na 'to. Siguro ay masyado pa akong bata noon para maalala ang mga nangyari pero kung ito nga ang lugar na 'yon ay sigurado akong ito ang dahilan kung bakit nahilig ako sa karagatan. Natatandaan ko pa noong na lagi kung pinipilit si tita Magda na pumunta kami palagi sa pier, gustuhin ko man na sa magandang beach n'ya ako dalhin ay hindi n'ya magawa dahil ilang oras ang gugulin namin sa byahe pa lang papuntang ibang bayan kaya no choice ako kundi sa malapit na pier kami papasyal para pagmasdan ang tubig o di naman kaya sa isang kiddy pool ang bagsak ko kung gusto ko mang maligo sa dagat. Kailangan mo lang nang matinding imagination para ma-feel mo talagang nasa lugar ka na gusto mo. Muli akong naglakad sa tabi ng dalampasigan habang hinahayaang mabasa ng tubig ang mga paa ko. Gustong-gusto ko ang banayad na lamig ng tubig. Para kasing ito ang nagpapakalma sa kaisipan ko ngayon. Masyado nang matagal na panahon kaya malabo na rin sa alaala ko ang mukha ni mama pero sure ako na naging masaya kami sa lugar na 'to. "Alam ba ni tita Magda na nandito ako?" tanong ko kay Leviathan na ramdam kong nakasunod pa rin sa akin. "This is her idea." sagot n'ya. "Okay." usal ko. Why isn't he leaving? Hindi ba s'ya aalis? "I'm staying here with you." Agad akong napalingon sa gawi n'ya dahil sa sinabi n'ya. "Bakit?" kunot noong tanong ko. "I know you're upset because of what I said. I'm sorry." pahayag n'ya na ikinagulat ko. I cleared my throat and look away from him. "Nasaan si Melkor?" tanong ko rito. Mas gugustuhin ko pang si Melkor ang makasama ko sa islang 'to at isa pa, kelan pa sila naging close ni tita Magda? Bakit napakalakas ng tiwala n'ya sa lalaking 'to? Matagal na ba silang magkakilala? Kung oo, bakit hindi ko alam? "Babalik na s'ya ngayon sa demon world." "Bakit?" Bigla akong nakaramdam ng kaba. Are they preparing for something? Anong dahilan ni Melkor? Is she in trouble because of me? "Don't think too much. Alam mong kayang protektahan ni Melkor ang sarili n'ya." "Pero hindi kay Astaroth!" asik ko. "She can handle herself. Huwag mong ituring na mortal ang batang 'yon." pahayag ni Levi na nagpatiim ng bagang ko. Wala talaga s'yang puso kahit kelan. Kung sasagot pa ako ay baka saan na naman mapunta ang usapang 'to. Malalaki ang mga hakbang ko na tinungo pabalik ang kaninang kwarto. Ayoko ng makipag-usap pa sa kanya! Pinapakulo n'ya lang ang dugo. Dumapa ako sa kama at tinakpan ng kumot ang buo kong katawan. I'd rather sleep forever than talk to him. Halos kalahating oras din ako napaidlip at nang magising ako ay naramdaman ko matinding gutom. Hindi ko alam kong anong oras na pero sigurado akong lagpas alas-dose na ng tanghali. Naglakad ako papasok ng banyo at tiningnan ang itsura ko sa salamin. "You looked like sh*t." bulong ko sa sarili ko bago suklayin ang magulo kong buhok. Naghanap ako ng damit sa mga kabinet na maaari kong ipangpalit pero wala akong nakitang kahit isa. Sana man lang ay pinadala n'ya ako ng mga damit bago kami umalis ng bahay. Hinubad ko ang suot kong damit at binabad ang katawan ko bathtub. Niyakap ko nang mahigpit ang mga binti ko at hinayaang damhin ang malamig na tubig sa balat ko. Naalala ko bigla ang sinabi ni Xenon at Haden. Nagaalala ako na baka nga magsimula ng giyera si Astaroth para lang makuha ako. May batas sa demon world kung saan maaaring lumipat ang isang alipin sa ibang diyablo kapag napabagsak o matanggal sa trono ang diyablong nagmamay-ari sa akin. Kung mamatay man si Beelzebub ay kailangan ding mamatay ng mga alipin n'ya pero duda akong isasama ako nina Astaroth dun dahil ako lang naman ang tanging pakay nila. Sa ngayon ay kailangan ko na lang munang magtiwala sa kakayahan ni Beelzebub. "Haist!" usal ko ng bigla na lang tumunog ang sikmura ko. Gusto ko pa sanang manatili sa bathtub pero salungat 'yon sa gusto ng tiyan ko. Muli kong isinuot ang damit ko at naglakad palabas ng kwarto para maghanap ng makakain. Hindi ko mapigilang mapanganga paglabas ko ng kwarto dahil sa mala-cabin feeling na design ng sala. May fireplace pa. Napansin kong wala sa loob si Levi kaya naman ginala ko na ang loob ng bahay hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa kusina. "S'ya ba ang nagluto nito?" tanong ko sa sarili ko nang makitang may nakahanda ng pagkain sa countertop. Agad ko 'yong nilantakan dahil kanina pa ako natatakam kumain. Hindi ko na mabilang kung ilang takal ng kanin ang kinuha ko hanggang sa maubos ko ang laman ng rice cooker. Naalala kong wala rin pala akong kain simula pa kagabi kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit gutom na gutom ako ngayon. Pagkatpos kung kumain ay lumabas ako't naupo sa dalampasigan pero bago ko gawin 'yon ay kinuha ko muna ang kumot ko na proteksyon ko sa malamig na ihip ng hangin. Gusto kong maligo ulit pero wala akong damit na pamalit. Nasaan nga pala si Levi? Don't tell me iniwan n'ya akong mag-isa sa islang 'to? Wala naman 'yong kaso sa akin pero hindi sapat ang mga nakita kong pagkain sa loob ng kusina para sa pagkain ko araw-araw at isa pa wala rin akong damit. Napasipa ako sa buhanginan dahil sa inis. Okay na sana ang ambiance sa lugar na 'to kaya lang hindi ko alam ang kahihinatnan ko rito. Buti sana kung mabubusog ako sa tanawing nakikita ko at mabibihisan ako nito. Ano? Mag-aala-Eva ako rito? Ibinagsak ko amg katawan ko sa buhangin at pinagmasdan ang malinaw na kalangitan. Ilang buwan na lang ay tutungtong na ako sa ika-18th kong kaarawan. Kapag iniisip ko 'yon ay doon na nagsisimula ang iba't ibang imagination ko sa mangyayari sa akin. Si Azazel. Ang ama ko, hindi ko s'ya sinisisi sa buhay ko ngayon. Nainlove s'ya ay 'yon na ata ang pinakamasarap na pakiramdam ayon sa mga nababasa kong libro. Pero ang pagtatagpo nila ni mama ay nasa maling panahon. Kung hindi lang sana s'ya isang demon king at naging normal na tao na lang s'ya sa panahong 'to ay baka isa kaming masayang pamilya ngayon. Alam n'ya kayang patay na si mama? Sigurado akong ikinalungkot o ikakalungot n'ya ang balitang 'yon. Nabaling ang tingin ko sa kaliwa ko ng makita ang pagbukas ng isang portal. Iniluwa nun si Levi na may ilang bitbit na plastic bag at duffle bag. "May damit ba ako d'yan?" tanong ko rito. Tumango s'ya bilang sagot saka naglakad papasok ng bahay. Sinundan ko s'ya sa loob at nakita ang dalawang pamilyar na bag para sa akin. "Si Magda ang nagayos ng lahat ng 'yan para sa'yo. Just tell me kung may ibang ka pang kailangan." walang emosyon n'yang pahayag bago tumungo papuntang kusina dala ang plastic bag na sa tingin ko ay naglalaman ng mga pagkain. Binuhat ko naman ang bag papasok ng kwarto saka 'yon hinalungkat. Isang picture frame ang agad na bumungad sa akin at nakita doon ang masayang litrato. Napakunot ang noo ko ng makita ang dalawang babae na hindi pamilyar sa akin ang mukha. Kaming dalawa ni tita Magda ang nakaupo sa upuan habang naka-peace sign ang isang kamay ng babae sa likuran ko at nakayakap sa balikat ko ang isa n'yang kamay. Samantalang walang emosyon naman ang isa pang babae habang nakatayo lang na parang sundalo sa likuran ni tita Magda. May nabanggit sa akin dati si tita Magda na pangalan, si Elisha at Emilia. Sila ba 'to? Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ang pagsakit nito. Huminga ako ng malalim bago alisin sa isipan ko ang pagpupumilit na alalahanin ang relasyon ko sa dalawang 'to. Ilang pursyento ba ng alaala ko ang nawala? Pagbalik ko sa mundong 'to ay alam ko ng may ilang alaala ang nawala sa akin dahil na rin sa naging reaksyon noon ni tita Magda at Melkor. Hindi ko alam kong bakit nangyaring nabura ang memorya ko pero ilang tao ba sa buhay ko ang nakalimutan ko? Epekto ba 'to nang unti-unti kong pagiging diyablo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD