TEAGAN
"Dadaan muna kayo sa bangkay ko." seryosong pahayag ni Levi nang mailayo n’ya ako sa dalawa. Nakita ko ang pagsalubong ng dalawang kilay nina Xenon at Haden. Para bang handa na ang mga ito na sugurin si Levi at kunin ako nang sapilitan sa kamay n’ya.
“W-Wag.” Pagpigil ko kay Levi ng ilabas n’ya ang nagyeyelo n’yang kawit. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may inilabas na rin na armas ang dalawang kaharap namin. Mayroong napakahaba at napakalaking blade si Xenon at sa laki nun ay nakakapagtakang nakaya n’ya ‘yong buhatin. Samantalang may gold na baril si Haden sa magkabila n’yang kamay, kahit parang ordinaryong baril lang ito ay sigurado akong may espesyal na kapangyarihan ‘yon.
“Don’t do this. Hindi n’yo ba alam kong ilang mga estudyante ang maaring makakita sa in―”
Agad akong napatigil ako sa pagsasalita ng bigla na lang nagbago ang kulay ng kapaligiran. Nangyari ito nang malakas na ipadyak ni Xenon ang paa n’ya sa lupa. Para kaming nasa loob ng vintage filter. Napansin ko ang unti-unting pagiging abo ng ilang mga estudyante habang umiihip ang mahinang hangin sa paligid namin. Makikita rin ang dahan-dahang pagkamatay ng mga halaman dahil sa ginawa n’ya.
“Don’t worry Milady, isang ilusyon lang lahat ng ‘to.” paliwanag ni Xenon habang nakangiti ng tipid sa akin.
“Xenon, stop this.” pakiusap ko.
“Matatapos lang ‘to kapag patay na ang lalaking ‘yan. We can’t let him take you.” pahayag n’ya habang masama ang titig kay Levi.
“Kilala mo ba s’ya Milady?” tanong ni Haden kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya.
Bukod sa kaklase ko s’ya at pagiging diyablo n’ya na ngayong araw ko lang din nalaman ay ‘yon lang ang alam ko patungkol kay Levi. Pero bakit mas panatag ang loob ko sa kanya?
“Alipin s’ya ni Beelzebub. You can’t trust that guy!” dagdag pa ni Haden.
Alipin si Levi ni Beelzebub? Katulad ko?
“Bakit parang gulat na gulat ka?” kunot noong tanong sa akin ni Levi nang mapaharap ako sa kanya.
“Nandito ka ba para kaladkarin ako pabalik kay Beelzebub?” tanong ko rito.
Inaasahan ko nang darating ang araw na ‘to. Nakipagkasundo ako kay Beelzebub kaya naman kailangan kong panindigan ang naging kondisyon n’ya na maging isang alipin n’ya.
Muli kong hinarap sina Xenon at Haden saka malalim na napabuntong hininga. “Hindi ako maaaring sumama sa inyo sa palasyo ni Astaroth.”
“Kapag napatay na namin s’ya ay hindi ka na magdadal’wang isip pa.” wika ni Xenon. Akmang susugod na sana s’ya nang pumagitna ako sa kanilang dalawa ni Levi.
“Isa rin akong alipin ni Beelzebub.” anunsyo ko. Nakita ko naguguluhang ekspresyon ng dalawa dahil sa sinabi ko.
“I know it’s hard to believe pero ‘yon talaga ang totoo. Nakipagkasundo ako kay Beelzebub bago pa ako makabalik sa mundong ‘to.”
“We’re toasted.” narinig kong bulong ni Haden.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” asik ni Xenon. Napahakbang ako paatras dahil sa pagsigaw n’ya. Ngayon ko lang s’ya nakitang gan’to kagalit sa akin.
“I-I have too.” usal ko.
Agad na naglaho sa kamay ni Xenon ang sandata n’ya bago s’ya napasabunot sa sarili dahil sa inis.
“Pinilit ka ba ng lalaking ‘yan?” tanong ni Xenon.
“N-No. I have my own reasons.” mabilis na sagot ko rito.
“Gustuhin man naming sapilitan kang kunin ay hindi na namin ‘yon pweding gawin. Pagmamay-ari ka na ni Beelzebub at kapag kinuha ka namin sa posesyon n’ya ay maaring magsimula ang digmaan sa pagitan ni Astaroth at ng panginoon mo.” paliwanag ni Xenon. “Pero kapag binigyan kami ng go signal ni Astaroth na dalhin ka pabalik sa palasyo n’ya ay ihanda mo na ang sarili mo Milady.” dagdag pa ni Haden bago sila higupin ng portal na nasa kinatatayuan nila.
Nang mawala ang dalawa ay doon na tuluyang bumalik sa dati ang ayos ng kapaligiran. Isang digmaan? May mangyayaring digmaan nang dahil sa akin?
“We have to warn Beelzebub.” wala sa sariling sambit ko.
Kinakailangan ko ring bumalik sa Demon World dahil kapag nanatili ako sa mundong ‘to ay siguradong may mga inosenting buhay ang madadamay at ayokong mangyari ‘yon.
“Stay out of the demon world.”
Mabilis akong napaangat ng tingin dahil sa sinabi ni Levi. Anong karapatan n’yang pangunahan ang desisyon ko?
“Babalik ako sa mundong ‘yon kung kelan ko gusto. Huwag mo akong utusan.” inis na saad ko rito bago s’ya tuluyang talikuran pero agad din akong napaharap sa kanya nang marahas n’yang hilahin ang braso ko.
“Siguradong hindi lang si Astaroth ang susugod sa palasyo ni Beelzebub kundi pati na rin si Satanathos. Sa ngayon ay magiging priority ng mga ‘yon ang pagpatay kay Beelzebub dahil tanging ‘yon lang ang magpapalaya sa’yo.”
“Anong gusto mong gawin ko? Maupo lang rito at maghintay? I need to do something!”
“You’re nothing but a burden. ‘Wag mo nang pahirapan ang mga taong nakapaligid sa’yo. Kung kailangan mong ikulong ang sarili mo sa kwarto ay gawin mo para hindi ka na makaabala pa.”
Mabilis na lumapat sa pisngi ni Levi ang kamay ko. Hindi ko mapigilang manggigil sa inis dahil sa mga sinabi n’ya. Ilang sandali pa lang kami nagkakilala pero akala mo’y ang matagal na akong naging pabigat sa kanya.
Hindi ko hiniling na maging gan’to ang usad ng buhay ko. Hindi n’ya alam ang pinagdadaanan ko kaya wala s’yang karapatang utusan ako sa kailangan kong gawin.
***
“Teagan,” tawag sa akin ni tita Magda. Kaagad akong lumapit ako sa kanya at mahigpit s’yang yinakap. Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko nang maramdaman ang paghagod ng kamay ni tita sa likuran ko habang pinapatahan ako.
“Ssshhh. Magiging ayos din ang lahat.” malambing na saad n’ya.
“No. Hindi ‘yon mangyayari hangga’t nabubuhay ako.” humahagulgol na sagot ko.
It’s always been me. Sinisira ko ang daloy ng kapayapaan sa mundong ‘to. Isang sumpa ang pagiging isang kalahating diyablo ko. Bakit kailangang ako pa ang makatanggap sa sumpang ‘to? May nagawa ba akong masama sa nakaraan kong buhay para parusahan ako ng gan’to?
“Wag mo yan sabihin Teagan. Kahit kelan ay hindi solusyon ang kamatayan sa problema.” humiwalay sa akin si tita sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi. “Kung pwede ko lang kunin ang mga hinanakit mo ay gagawin ko pero sa ngayon ay gusto kong tatagan mo ang loob mo para sa akin anak. Malalagpasan mo rin ang lahat ng ‘to. Gagawa ako ng paraan para maibalik ka sa dati kahit kapalit pa nun ang buhay ko.” Hinalikan ni tita ang noo ko saka ako muling yinakap.
She’s hurting because of me. Tama si Levi, pabigat lang ako.
Nagising akong mabibigat ang talukap ng mga mata ko. Dahil siguro ‘yon sa pag-iyak ko ng ilang oras kahapon. Tumagilid ako sa pagkakahiga at sinilip ang alarm clock sa bedside table ko. It’s already 10am in the morning. Wala akong ganang pumasok ngayon sa school. Siguro ay nahulaan na rin ‘yon ni tita Magda dahil hindi n’ya na ako ginising kanina.
“You’re awake!” narinig kong sigaw ni Melkor ng buksan n’ya ang pinto ng kwarto ko. Kaagad s’yang lumapit sa akin at umakyat sa kama ko. “Magbihis ka. May pupuntahan tayong dalawa. It will make you feel better.” pahayag n’ya.
“May bed makes me feel better already.” pahayag ko saka itinalukbong sa ulo ko ang kumot ko. Wala ako sa mood para lumabas o bumangon sa kamang kinahihigaan ko. Papakinggan ko na lang siguro ang sinabi ni Levi na ikulong ang sarili ko sa kwarto. Baka nga effective ‘yon.
“Get up.”
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na ‘yon ni Levi. Imbis na alisin ang kumot sa katawan ko ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak dito. Ayoko s’yang makita ngayon. Oo nga’t galit ako sa kanya pero mas pinapangunahan ako ngayon nang matinding hiya dahil sa itsura ko. Bagong gising ako at tanging manipis na t-shirt lang ang suot ko and undies. Wala akong bra at sabog pa ang buhok ko. Mugto rin ang mga mata ko.
I can’t face him like this!
“Bumangon ka na d’yan mommy. Levi is scaring me.” saad ni Melkor habang niyuyugyog ang katawan ko.
Hindi ako nagpatinag at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kumot pero agad din akong napasigaw ng bigla na lang umangat ang katawan ko mula sa kama.
“Ano sa tingin mong ginagawa mo? Bitawan mo ko.” sigaw ko habang inaalis ang kumot sa mukha ko pero dahil hawak ni Levi ang katawan ko at ang kumot ay hindi ko magawang tanggalin iyon. Hindi ko tuloy alam kung saan n’ya ako dadalhin.
Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa malambot na kama. Mabilis kong inalis ang kumot sa katawan ko at nakita ang lugar na pinagdalhan n’ya sa akin.
“Nasaan tayo?” kunot noong tanong ko nang ilibot ko ang tingin sa kwartong kinaroroonan namin. Mula sa malaking sliding door na nakaharap ng kamang kinauupuan ko ay makikita ang magandang karagatan at puting buhangin na kumikinang dahil sa magandang sikat ng araw.
Hindi ko mapigilang mapamangha. Kaagad akong tumayo at lumabas saka tinakbo ang dalampasigan. Hindi maalis sa mukha ko ang tuwa habang pinapakiramdaman ng mga paa ko ang pinung-pinong buhangin pero mas lumawak ang ngiti ko ng dumapi ang malamig na tubig sa paa ko.
This is amazing. Ngayon na lang ulit ako nakapunta sa beach dahil malayo ‘yon sa lugar namin. Naramdaman kong may pumatong sa balikat ko at nakitang isa iyong kumot na galing kay Levi. Doon ko lang napagtanto ang itsura ko ngayon. Gusto ko na lang sumabog sa kahihiyan.