LEVIATHAN
"Kalahati sa mga alaala ni Teagan ang tuluyang nabura. Mas makakabuti ng ganito, Leviathan." pahayag ni Magdalene. Halata sa mukha n’ya ang matinding pag-aalala sa itinuturing n’yang anak-anakan.
She really needs to worry. Hindi lang alipin ni Satanathos ang darating kundi pati na rin ang mga alipin ni Astaroth. Hindi ako sigurado kong magagawa kong protektahan ng mag-isa ang babaing ‘yon kapag sabay-sabay na silang dumating at sumugod.
Halos anim na buwan din ang lumipas dito sa mundo ng mga mortal ng makabalik ako, samantalang ilang araw lang ang ginugol ko sa mundo ng mga diyablo. Talaga ngang totoo na mabilis lang lumipas ang panahon sa mundo kung saan mayroon buhay at kamatayan.
"Hindi pa rin ba sila titigil hangga't hindi nila nakukuha si Teagan?" Napatigil ako sa paghakbang palayo nang marinig ang tanong ni Magdalene.
"Mas malalakas pang mga alipin ang darating para kunin ang babaing 'yon." sagot ko sa kanya.
"At si Beelzebub? Anong plano n'ya kapag napasakamay n'ya na si Teagan?" muling tanong ng mangkukulam.
"Hindi ko masasagot ang tanong mo." pahayag ko bago tuluyang pumasok sa portal na ginawa ko. Kahit ako ay hindi ko rin alam ang plano ng diyablong iyon. Masyadong masekreto si Beelzebub. Walang nakakaalam sa takbo ng utak n’ya.
"Hoy!" sigaw ng isang bata sa likuran ko. Paano ako nasundan ng bubwit na 'to?
Kasalukuyan kaming nasa itaas ng building kung saan makikita at matatanaw ang bahay nina Magdalene.
"So ano ng desisyon mo? Isusuko mo na ba sa amin...I mean kay Astaroth ang anak ni Azazel?" tanong n’ya habang dinidilaan ang ice cream na hawak n’ya. "You have to try this, hmmm. Avocado flavor ang sarap." pahabol na side comment n’ya na hindi ko na lang pinansin.
"Hinahamon mo ba ako bubwit?" mahinahong tanong ko rito kahit ang totoo ay gusto ko s'yang tirisin na parang kuto.
"Nope. Nagtatanong lang ako. Alam mo kasi kung ipapaubaya mo na sa amin si mommy ay bati na tayo. Baka nga maging mag-bestfriend pa tayo."
Mommy? Si Teagan ba ang tinutukoy n’ya?
"Shut up kid."
"But to be honest, I know na kailangan ka ni Teagan...I mean my mommy. Anyway, bye for now, nararamdaman ko na ang presensya n'ya." paalam ng bubwit bago s’ya tuluyang maglaho sa tabi ko.
Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang kalahating diyablo na naglalakad pauwi galing sa eskwela. Muntik pa s’yang mapahalik sa kalsada dahil sa tipak ng semento sa kalsada na hindi n’ya nakita. "Stupid." bulong ko.
Anak ba talaga ng pinakamakapangyaring diyablo ang babaing 'to?
Katulad ng sinabi ng mangkukulam ay mas mabuti ng limitado lang ang alam ngayon ni Teagan dahil hindi pa namin matukoy kong anong katarantaduhang desisyon na naman ang bigla n’yang maisip. Katulad na lang ng ginawa n’yang pakikipagkasundo kay Beelzebub. Haist! Isa pa ‘yon sa problema ko ngayon. Hindi ko alam ang ipapagawa sa kanya ni Beelzebub ngayong naging alipin na n’ya ito ngayon.
Mas minabuti kong huwag na lang magpakilala sa kanya at bantayan na lang s’ya nang patago pero darating talaga sa punto kung saan hindi mo na mapipigilan ang nakatadhanag mangyari.
***
"Levi, isa ka ring diyablo?" Halata sa boses n’ya ang matinding pagkabigla. Ngayon lang siguro nagsink in sa utak n’ya ang kaninang sinabi ng Incubus na ‘yon. Hindi ako umimik at pinagpatuloy ang pagtulog ko. Literal na inaantok ako. "Alam kong gising ka." inis na dagdag pa n’ya pero hindi ko na lang s’ya pinansin.
Ngayong alam na n’yang diyablo ako ay ano kaya ang gagawin n’ya?
Kagabi lang ay nakalaban ko ang isa sa mga heneral ni Satanathos na nagngangalang Marcias, isang fallen angel. Ngayon naman ay isang Incubus. Anong uri naman kaya ng diyablo ang susunod na mama-magnet ng kalahating diyablo na ito.
"Levi, hindi ko alam kong mabuti o masama kang diyablo. Teka, lahat pala ng diyablo ay masasama at isa na ako dun pero mas makakabuting huwag ka na lang dumikit sa akin. Alam mo kasi lapitin ako ng kung ano-anong nilalang kaya ayokong madamay ka sa problema ko at konsensyahin ang sarili ko kapag may nangyari sa’yo dahil sa akin." halos pabulong na wika n’ya.
Napamulat ako at napaayos ng upo saka s’ya sandaling sinilip. Nakita ko ang nangingilid n’yang luha pero nang magtama ang mga mata namin ay mabilis s’yang ngumiti sa akin. Para s’yang tanga.
“So, bakit ka nandito sa mundo namin? Nandito ka rin ba para hulihin ako at ipakasal sa panginoon mo?” tanong n’ya. “Just to let you know, under ako kay Beelzebub kaya naman kapag ginalaw mo ako ay ipapatusta kita sa diyablong iyon.” pagbabanta n’ya.
“Bakit mo ‘yon ginawa? Para mo na ring ikinulong nang panghabang buhay ang sarili mo sa prisinto ng walang parol dahil sa ginawa mong pakikipagkasundo sa diyablo ‘yon. Hindi ka nagiisip.” kalmadong pahayag ko habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus na sinasakyan namin.
“I don’t have a choice. Para maprotektahan sila at ang sarili ko ay kailangan ko ng kapangyarihan.” aniya nito. “Ayokong umasa sa proteksyong ng kahit na sino. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa iba dahil sa akin.” dagdag pa n’ya.
“I didn’t wish for this. Kung kaya ko lang baguhin ang kapalaran ko ay gagawin ko para maibalik sa dati ang buhay ko.”
I know it’s hard for her. Kahit ako ay nahirapang makapag-adjust sa buhay ko ng maging alipin ako ni Beelzebub pero dahil sa tulong ng isang kaibigan ay nagawa kong malagpasan lahat ng ‘yon.
Nang makababa ng bus ay mabilis na tumakbo papalayo sa akin si Teagan. "Salamat!" Pahabol na sigaw n’ya sa akin bago tuluyang maglaho sa paningin ko.
Did she really think that she could escape from me?
***
"Oo nga pala, magkaklase nga pala tayo." saad n’ya nang makita akong nakaupo sa table na kalapit lang sa table n'ya.
"Hindi ba't transfree ka lang dito sa University?" tanong n’ya sa akin. "Ayaw mo ba ulit lumipat na lang sa iba? Pwede ka pa naman ata mag-withdraw since wala ka pang isang buwan dito sa school." dagdag pa n’ya.
"Do you hate me that much?" tanong ko rito.
"Hala hindi ah." mabilis na sagot n’ya. Ipinatong ko ang isa kong siko at ipinahinga ang baba ko sa kamay ko saka bahagyang lumapit sa kanya na nakaupo sa harapan ko. "Tell me, naiilang ka ba sa presensya ko?"
Ilang sandali s’yang napatitig sa mukha ko kaya naman hindi ko mapigilang titigan rin s’ya pabalik. "You look familiar." seryosong sambit n’ya. Mabilis kong pinitik ang noo n’ya kaya napadaing s’ya sa sakit at napahawak sa noo n’ya na ngayon ay namumula na dahil sa ginawa ko.
"Teagan! Ano sa tingin mong ginagawa mo?" sabat ng babaing ka-seatmate ko na kakarating lang.
"What? Ba't parang kasalanan ko pa?" iritang saad ng anak ni Azazel. Isang masamang tingin ang ipinukol n’ya sa akin bago n’ya ako tuluyang talikuran.
"Teagan," tawag ko rito. Dahan-dahan n’ya akong nilingon na puno ng pagtataka ang mukha.
"B-Bakit?" tanong n’ya.
"Wag mo na ulit babanggitin ang pangalan 'N'ya'. Kung kailangan kong tahiin ang bibig mo ay gagawin ko.”
"Sino ka ba talaga?" tanong ni Teagan.
"His name is Levi." sabat ulit ng babaing katabi ko. "Levi, gusto mo bang sumabay sa akin mag-lunch? My treat." Hindi ko s’ya pinansin at trinato na lang s’yang parang hangin.
"Teagan!" tawag ng singkit na lalaki na kakapasok lang ng room.
"Milady!" sigaw naman ng isa pang lalaki na kasunod na dumating ng naunang singkit.
"Haden, Xenon."
Kaagad na tumakbo si Teagan papalapit sa dalawa at hinila palabas ang dalawa.
Ang mga alagad ni Astaroth.
Dumating din sila. Katulad ng inilarawan ni Melkor, mukhang sila na nga ang tinutukoy n’yang mga kasamahan n'ya pero nasaan si Sebastian? Mukhang may niluluto na namang plano ang isang 'yon.
Sa lahat ng mga alagad ni Astaroth ay si Sebastian lang ang matagal ko ng kilala. Bago lang sa paningin ko ang dalawang alipin na 'to.
"A-Anong ginagawa n'yo rito?" Narinig kong tanong ni Teagan sa dalawa. Sinundan ko ang tatlo sa likod ng building nang hindi nila napapansin ang presensya ko.
"We don't have time milady. Nagwawala na si Astaroth sa palasyo. Kapag hindi ka namin dinala sa kanya ay siguradong babalik kami sa abo." Hysterical na pahayag ng singkit na lalaki.
"Kasama mo ba rito si Melkor? Nasaan s'ya? Nang maturuan namin ng leksyong ang kutong lupa na 'yon." pahayag naman ng isa pang lalaki.
"Xenon, Haden, huminahon kayo. Hindi kayo magiging abo. And first of all hindi na ko papayag na bumalik pa ng demon world."
"Xenon! Magiging abo na talaga tayo! Tutustahin tayo ni Astaroth pagbalik natin ng palasyo." Ngawa ng lalaki na sa tingin ko ay si Haden.
"No! Yan ang hindi ko papayagang mangyari. Lets go Milady." Hinawakan ng lalaking nagngangalang Xenon ang pulso ni Teagan saka s’ya nito hinila pero bago pa man sila makatungtong papasok sa ginawa n’yang portal ay mabilis ko ng nahila pabalik ang anak ni Azazel.
I can’t let them take her. "Dadaan muna kayo sa bangkay ko."
What the f*ck! Did I just say that?