21 - Incubus

1615 Words
"Hindi ba tayo magiinsayo ngayon?" tanong sa akin ni Melkor. "Bukas na lang siguro." sagot ko sa kanya. Kaagad kong isinukbit sa balikat ang backpack ko at dali-daling umalis ng bahay. Wala pang alas syete ng umaga at ngayon nga ay plano kong pumunta sa bahay ni Isabella. Paano ko nalaman ang address n’ya? Nakalagay kasi iyon sa hawak kong ID na pagmamay-ari n’ya. Halos kalahating oras din ang ginugol ko sa pag-commute. Ilang paliko-likong iskinita at ilang tao pa ang pinagtanungan ko bago marating ang hinahanap ko. Isang lumang apartment type na building ang tumambad sa akin. Pumasok ako sa loob at inakyat ang hagdan papuntang 5th Floor. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa ginawa kong pagakyat sa hagdan simula ground floor hanggang 5th. Mas pinili ko kasing hindi gamitin ang elevator dahil sa itsura nun ay parang bibigay na kapag umapak pa ako sa loob. "Ito na siguro iyon." bulong ko sa sarili ko nang makita ang apartment number na hinahanap ko. Sa wakas!   Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako kumatok sa kalawanging pinto na kaharap ko. Wala bang kasamang pamilya si Isabelle sa apartment na ‘to o kahit ka roommate man lang? "Miss, may tao po ba rito?" tanong ko sa matandang babae na kakalabas lang sa katabing apartment ng kaharap kong kwarto. "Sa pagkakaalam ko ay namatay na kahapon lang ang estudyanting nakatira jan." Pahayag ng matanda. "Pwede mong kausapin ang caretaker kong may kailangan ka sa loob." dagdag pa n’ya bago ako tuluyang talikuran.   Kaagad kong tinungo ang opisina ng caretaker ng apartment building para hiramin ang susi ng kwarto ni Issabelle. Malakas ang pakiramdam ko na may mahahanap akong sagot sa loob sa kung sino ba talaga ang pumatay sa kanya. "Ikaw ba ang pamilya ni Isabella na kukuha ng mga gamit n’ya?" bungad na tanong nang matandang lalaki na sa tingin ko ay ang caretaker ng apartment. "O-Opo." pagsisinungaling ko. Wala na akong ibang choice, kailangan kong magsinungaling para makuha ang pakay ko. Mula sa hilera ng mga susi na nasa likuran n’ya ay kinuha ng matandang lalaki mula doon ang isang susi. "Heto." abot sa akin ng matanda. Agad ko iyon kinuha at nagpasalamat bago dali-daling lumabas ng opisina n’ya.   Ako 'yong taong impulsive kung makapagdesisyon at kapag malapit na ako sa sitwasyong alam kong walang kasiguraduhan ang magiging resulta ay doon na ako magsisisi. Takte! Nasa huli talaga ang pagsisisi. Nanginginig ang mga kamay ko na pinihit ang susi at doorknob ng apartment. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang madilim na kwartong tinutuluyan ni Isabella. Kaagad kong inayos ang kurtina sa malaking bintana at nang sakupin na nang liwanag ang buong kwarto ay doon ko na linibot ng tingin ang lugar. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kabuoan ng kwartiong kinatatayuan ko. Halos mapuno ng kulay dilaw na talisma ang dingding ng kwarto ni Isabelle. May ilan ding nagkalat na krus na gawa sa kahoy at mga maliliit na istatwa ni buhhda sa sahig. Tama nga ang hinala ko, may kung anong nilalang ang gumagambala sa kanya. Tinungo ko ang study table ni Isabella para makahanap ng sagot. Umaasang baka may diary s’ya o kahit anong bagay na magbibigay sa akin ng sagot patungkol sa nilalang na kinatatakutan n’ya pero sa huli ay puro paper works lang ang nandoon.  Nang buksan ko ang pinto ng banyo ay isang bagay ang umagaw ng atensyon ko. Pregnancy kit. Pinulot ko iyon at nakitang may dalawang guhit na pula sa gitna. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang ibigsabihin nun. Buntis si Isabella? Hindi ko mapigilang manlambot. Hindi lang si Isabella ang namatay kundi pati na rin ang batang nasa sinapupunan n’ya. Palabas na ako ng banyo ng may malakas na kamay ang bigla na lang sumakmal sa leeg ko. Nabitawan ko ang hawak kong pregnancy test nang unti-unting akong mapaangat palayo sa sahig saka mahigpit na napakapit sa braso ng lalaking kaharap ko. "Di ka na dapat pa nakialam." pahayag ng lalaking nakapula. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko, isa s’yang diyablo. Ang mukha n’yang mala-Venom ang dating, matutulis na ngipin, mahabang dila at mga matang hindi mo gugustuhing makipag- eye to eye. Punyeta! "I-Ikaw ba ang p-pumatay kay I-Isa-bella?" nahihirapang tanong ko sa kanya. "Paano kung sabihin kong ako nga? Anong gagawin mo?" nakangising tanong n’ya. Malakas ang ginawa kong paghampas sa braso ng lalaki pero hindi natinag ang kamay n’ya para bitawan ang leeg ko. Kahit ganun ay naramdaman ko ang pagluwag ng kamay n’ya kaya naman hindi ko na sinayang ang pagkakataon at inilabas ang mala-diyablo kong kamay saka ibinaon ang matulis kong kuko sa laman ng braso n’ya. Malakas ang ginawa n’yang pagbalibag sa akin sa pader kaya naman napadaing na lang ako sa sakit ng katawan dahil sa ginawa n’ya. "Katulad ng ina mo ay isa ka ring palaban na babae." pahayag n’ya na ikinakunot ng noo ko habang pilit na itinutuwid ang pagtayo ko. "Kilala mo ang nanay ko?" hindi makapaniwalang saad ko. "Oo naman. Bago pa makilala ng diyablong iyon ang ina mo ay may nakaraan na kami ng babaing 'yon." aniya nito. Hinubad n’ya sa harap ko ang suot n’yang pulang jacket dahilan para tumambad sa akin ang malaki n’yang hiwa dibdib. "Halos dalawang dekada na ang nakalipas ng gawin ito sa akin ng ama mo pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat na iniwan n’ya sa akin." may bahid ng galit na pahayag n’ya. "Hmm. Nakalimutan ko palang magpakilala. Ako nga pala si Brock, isang Incubus na matagal na panahon ng naninirahan dito sa mundo ng mga mortal." Incubus? Parang na nabasa ko na ang ganitong uri ng diyablo. (Incubus, isang lalaking diyablo na naghahalay at nanggagahasa ng mga natutulog na babae. Samantalang, Succubus naman ang tawag sa babaing diyablo na nangaakit at nanghahalay sa lalaking biktima nito.) "Ikaw ba ang ama ng batang dinadala ni Isabella?" tanong ko rito. "Ako nga pero dahil hindi matanggap ng babaing 'yon ang pagdadalang-tao n'ya ay nagawa n’yang kitilin ang sarili n'yang buhay." Nakita ko na ang itsura ng sanggol ng isang Incubus sa Demon World. Kung hindi ako nagkakamali ay Cambion ang tawag sa nasa sinapupunan ni Isabella. "Alam mo bang nung una kitang nakita ay alam ko na kaagad na anak ka ng diyablo iyon? Nasaksihan ko ang pag-iibigan ng dalawang 'yon. Nakakasuka!" pahayag n’ya habang dahan-dahan naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko. "Nang malaman ko ang habang-buhay na pagpaparusa sa mayabang na diyablong iyon ay pakiramdam ko'y nakaganti na ako sa kanya pero nagkamali ako. Nang makita kita ay napagtanto kong kulang pa pala ang parusang iyong sa kanya." "Inagaw n'ya sa akin si Trisha, binigyan n'ya akong ng pilat na habang-buhay magpapaalala sa akin ng ginawa n'ya at ngayon, papatayin kita para mas doble ang maramdamang parusa ng diyablong iyon." dagdag pa n’ya. Bago ko pa man masambit ang pangalan ni Azazel ay tumilapon ulit ang katawan ko. Tumama sa malaking bintana ang katawan ko na dahilan para mabasag ang salamin at unti-unti akong mahulog mula sa 5th floor ng apartment. Nakita ko ang pagtalon ng Incubus sa bintana. Isinalag ko ang dalawa kong braso nang atakihin n’ya ako ng isang suntok. Mas bumilis ang pagbagsak ko pero bago pa man tumama ang katawan ko sa lupa ay naramdaman ako ang mga brasong sumalo sa katawan ko. "Kahit kelan talaga ay sakit ng ulo ang dala mo." Bakas sa boses ng lalaking sumalo sa akin ang matinding inis. Levi? S'ya nga! A-Anong ginagawa n'ya rito? Nang maibaba n’ya ako ay agad kong hinawakan ang pulso n’ya saka s’ya hinila papatakbo. "Taga rito ka ba? Tumakbo ka na kung gusto mo pang humaba ang buhay mo." sigaw ko rito habang hinihila s’ya palayo sa apartment. Masama 'to! Baka madamay si Levi. Ayoko ng may mamamatay pa sa harap ko. Natigil ako sa pagtakbo dahil sa bigla ring pagtigil ni Levi. Hinarap n’ya ang Incubus na nakasunod pala sa amin. "At dinala mo pa talaga rito ang kasintahan mo? Hahahaha!" halakhak ng Incubus. "Kung ganun ay sabay ko na lang kayong papatayin ng hindi ka malungkot sa impyerno." dagdag n’ya pa. Hindi ko alam ko mata-touch ako sa naging pahayag n’ya dahil ayaw n’yang mag-isa ako sa impyerno. Tang*na n'ya! Mabilis akong humarang sa harap ni Levi at hinarap ang pagsugod ng Incubus. Akmang sasambitin ko na sana ako pangalan ni Azazel nang biglang takpan ni Levi ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sa ginawa n'ya kundi dahil sa nagyeyelong kawit na lumabas sa isa n’yang kamay. S'ya rin ang lalaki kagabi sa clinic. Katulad na katulad ang kawit n'ya sa gamit ng lalaki kagabi. "Ohhh. Isa ring mortal na may kapangyarihan ng diyablo. Mukhang na corner n'yo akong dalawa." saad ng Incubus bago tuluyan tumalon sa ilang kabahayan palayo sa amin. Mukhang natakot s’ya sa hawak ni Levi. Akmang hahabulin ko na sana ang Incubus ng hawakan ni Levi ang pulso ko at hilahin ako papalapit sa kanya. "Makakatakas s'ya!" inis na saad ko. "Kunti na lang at susuko na talaga ako sayo." seryosong pahayag n’ya na ikinakunot ng noo ko. Nagpadala na lang ako sa paghila ni Levi sa akin. Ngayon lang kami nagkausap pero akala mo naman ay matagal na n'ya akong kilala.   "Levi, isa ka ring diyablo?" Halos 15 minutes na kaming magkasama pero ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang sinabing iyon kanina ng Incubus. Hindi s’ya kumibo sa tanong ko. Nakapikit lang s’ya habang bumibyahe ang bus na sinasakyan namin. "Alam kong gising ka." inis na dagdag ko pa. Napahilot na lang ako ng sentido bago isandal ang likuran ko sa backrest. Bwisit na lalaking 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD