TEAGAN
"I'm sorry, ayos ka lang ba?" tanong ko sa babaing nakabangga ko. Napaupo kaming pareho sa corridor dahil sa impact ng banggan naming dalawa. Naglalakad ako habang may hinahanap sa backpack ng mangyari ‘yon.
"Y-Yeah, I-I'm fine." nanginginig na saad n’ya. Mabilis s’yang tumayo saka muling tumakbo habang yakap-yakap ang bag n’ya. Lumingon pa s’ya sa direksyon ko bago nawala sa paningin ko. Napasilip ako sa buong corridor at tiningnan kong sino ang iniiwasan n’ya pero wala akong nakitang ibang tao bukod sa akin.
Nagkibit-balikat na lang ako saka muling naglakad paalis pero agad din akong napatigil nang mapansin ang isang ID sa sahig. ID ito ng babaing nakabangga ko kanina. Maria Isabella Torres. Isang sophomore, mas bata pala s’ya kesa sa akin. Bukas ko na lang ibabalik ang ID n'ya.
Paglabas ko ng building ay malamig at malakas na hangin ang agad na sumalubong sa akin. Narinig ko ang ilang sigaw ng mga babae dahil sa pagangat ng skirt ng mga ito. Kahit ako ay napakapit sa palda ko para hindi iyon tuluyang hanginin. Napalingon ako sa biglang pagsara ng glass swing door sa likuran ko. Para bang may bumukas at pumasok rito. "Hangin lang siguro." usal ko bago maglakad papalayo.
"Mommy!" Bungad sa akin ni Melkor nang makauwi ako ng bahay. Katulad ng lagi n’yang ginagawa ay agad s’yang yumakap sa binti ko. Para s’yang cute version ng isang tuko na nakakapit sa akin.
"Hi Melkor.” bati ko sa kanya. “Nasaan si tita Magda?" tanong ko sa bubwit nang mapansing wala si tita sa loob. Sa tuwing umuuwi kasi ako ay s’ya kaagad ang sumasalubong sa akin ng yakap at halik sa pisngi.
"Nagpaalam s'ya kanina na may bibilhin lang." sagot ni Melkor. "Pwede na ba akong sumama bukas sa iyo sa school?" tanong n’ya na mahina kong ikinatawa. Paulit-ulit na lang kasi ‘yan ang tanong n’ya sa akin, hindi yon nakakainis kundi nakakagigil dahil sa ka-cute-an n’ya.
"Hindi, Melkor. Mapapagalitan ako." sagot ko sa kanya saka ko mahinang kinurot ang pisngi n’ya.
Habang naghahanda ng para sa hapunan ay nabaling ang tingin ko kay Melkor na parang aninong sunod ng sunod sa akin. "Melkor, kung hindi mo mamasamain paano ka na pala naging alipin ni Astaroth?" tanong ko sa kanya. Matagal ko na kasi ‘yon gustong itanong sa kanya pero nagaalangan ako.
Nakita ko ang biglang paglungkot ng mga mata ni Melkor. Kaya agad kong binawi ang tanong ko. "S-Sorry. Hindi mo kailangang sagutin ‘yon." usal ko.
"It's o-okay..." saad n’ya. "Nang umapak ulit ako sa mundong ‘to ay bumalik sa alaala ko ang mga sinapit ko rito. S-Sa ngayon, ayoko muna 'yong pag-usapan." malungkot na pahayag n’ya.
“Gusto mo ba ng ice cream?” masiglang tanong ko kay Melkor para lang maiba ang usapan.
“Hindi pa tayo kumakain. Tsaka sabi sa akin kanina ni Magda na masama daw kumain ng malamig na pagkain kapag wala pang laman ang tiyan mo.” pahayag ni Melkor kaya naman napakamot na lang ako ng batok saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
“Tama ka.” usal ko na lang. “Mag-ice cream tayo pakakain natin.”
Teka, makakasama rin ba ‘yon sa isang diyablong tulad n’ya? Anyway, iisipin ko na lang na isa s’yang normal na bata dahil nandito s’ya sa mundo namin.
***
Hindi ko pa rin mapigilang makonsensya sa nangyari kagabi. Bakit ko ba kasi itinanong pa iyon kay Melkor? Masigla n’ya akong binati kaninang umaga pero ramdam ko na may bumabagabag sa kanya. Dahil ba ‘yon sa tanong ko sa kanya kagabi?
"Hey! Watch where your going!" inis na saad nang nabangga ko. Agad akong humingi ng tawad dito at ipinagpatuloy ang paglalakad ko patungong eskwelahan.
Hindi pa ko nakakapasok sa building ng isang katawan ang bigla na lang bumagsak sa harap ko. Naramdaman ko ang malagkit na likidong dumikit sa ilang parte ng mukha ko. Nanginginig ang binti kong napaatras bago mapaupo sa lupa dahil sa sobrang pagkabigla. Narinig ko ang sigaw ng ilang estudyante sa paligid ko pero para lang iyong mahinang alingawngaw sa pandinig ko.
"I-Isa-bella?"
S'ya ang babaing nakabangga ko kahapon. Mabilis akong napaangat ng tingin kung saan nahulog ang katawan ni Isabella at doon ay nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng pulang jacket. Hindi ko gaanong maaninag ang mukha n’ya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad akong tumayo at pumasok sa building. Tinungo ko ang elevator para puntahan ang rooftop at ang lalaking nakita ko kanina na maaaring pumatay ka Isabella. Mabilis kong pinunasan gamit ang nanginginig kong mga kamay ang mga dugo sa mukha ko ng makita ang repleksyon ko sa loob ng elevator.
Ito ang unang beses na may namatay sa harap ko. Pinaghalong gulat, takot at iba pang emosyon ang sumasakot ngayon sa sistema ko at parang ano mang oras ay hihimatayin ata ako.
Nakita ko ang gulat na ekspresyon ng ilang mga estudyante paglabas ko ng elevator pati na rin ang iba pang nakakasalubong ko dahil sa duguan kung mukha at damit pero hindi ko sila pinansin at inakyat ang hagdan papuntang rooftop. Kailangan kong mahuli kung sino man ang may gawa nun kay Isabelle. Pagdating ko ay agad kong nilibot ng tingin ang buong rooftop pero wala akong naabutang tao roon.
Nasaan na s’ya?
NAGPASYA akong pumunta na lang ng clinic kesa pumasok ng klase. Pinayagan ako ng doktor na manatili doon dahil sa sinabi n’yang traumatic nga ang nangyari sa akin kanina pero kahit anong pilit kong makatulog ay hindi ko magawa. Gusto kong hulihin ang lalaking 'yon. Gusto kong parasuhan s'ya dahil sa krimeng ginawa n'ya.
Naalala ko na parang may tinatakbuhan si Isabella kahapon at maaaring iyon ang lalaking nakita ko kanina.
"Ms. Daita, heto inumin mo. Makakatulong 'to sayo para mapakalma ang sarili mo." Nakangiting saad ng babaing doktor.
Agad ko namang tinanggap ang gamot na ibinigay n’ya sa akin saka iyon ininom. Hindi nagtagal ay unti-unti akong nakaramdam nang matinding antok.
"Pakialamero ka!" sigaw ng isang babae.
Naalimpungatan ako ng marinig ang ilang kalabog sa paligid ko.
"Hindi pa rin ba kayo nadadala?" tanong naman ng isang lalaki.
Isang malakas na pagsabog ang tuluyang nagpagising sa akin. Isang babaing parang anghel sa ganda ang nasa ere habang may hawak s’yang staff sa magkabilang kamay. Samantalang isang lalaki naman ang nakatayo sa harap n’ya hawak ang isang nagyeyelong kawit.
T-Teka, anong na miss ko?
Pasekreto akong bumama sa kamang kinaroroonan ko saka gumapang palabas nang wasak na wasak ng clinic. Madilim na ang buong paligid kaya sigurado akong lagpas na ako sa curfew ni tita Magda. Mabilis akong tumakbo palayo sa kinaroroonan ng dalawa. Hindi ko kailangang sumali sa away nila. Bahala sila kung anong problema nila sa isa’t isa.
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa gate ng eskwelahan nang matanaw ko hindi kalayuan ang isang lalaking nakasuot ng pulang jacket. Nakalagay ang dalawa n’yang kamay sa loob ng bulsa na suot n’yang jacket at dahil sa hood n’ya sa ulo ay hindi ko gaaanong maaninag ang mukha nito. Bwisit din ang pagpatay-sindi ng ilaw sa posting katabi n’ya.
Ito na ba 'yong moment kung saan kailangan ko ng tumakbo dahil serial killer ang lalaking 'yon?
Mabilis na naagaw ang atensyon ko nang marinig ang boses ni Melkor. Nang ibalik ko ang tingin sa pwesto ng kaninang lalaki ay wala na s’ya. Katulad na katulad sa mga palabas na napapanood ko. Hindi ko alam kong horror ba ang genre ng kwento ng buhay ko o ano.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Melkor ng makalapit s’ya sa akin.
"Nag-aalala sayo Magdalene kaya sinundo na kita." sagot n’ya sa akin. "Teka, bakit may mga dugo ka?"
"Hindi ito sa akin. Isa sa mga ka-schoolmate ko ang namatay sa harap ko mismo."
Parang bigla na namang bumalik sa sistema ko ang mga nangyari. "Melkor, malakas ang pakiramdam ko na isang diyablo at hindi tao ang pumatay kay Isabella."
Gusto kong malaman kung anong uri ng diyablo ang nakita kong pumatay kay Isabelle kaya ‘yon ang aalamin ko.