"Teagan," tawag ni Emilia sa dalaga pagpasok nito sa kwartong kinaroroonan nito. Kaagad namang nilingon ni Teagan ang pamilyar na boses na tumawag sa kanya at laking gulat ng dalaga nang makita ang demoness na hindi n'ya dapat na kinakausap. Kapag nalaman ni Terra iyon ay siguradong babawasan na naman nito ang kanyang oras o worst baka hindi na s'ya nito tuluyang palabasin pa. Mabilis na napaatras si Teagan palayo kay Emilia. Umiling ito at sumenyas sa diyablo na huwag lumapit at gumawa ng ingay na magpapagising sa diyablong nasa loob n'ya. Naintindihan naman s'ya ni Emilia kaya kaagad na ginawang espada ng demoness ang kanyang natitirang braso. Mangiyak-ngiyak na napaluhod si Teagan sa kanyang kinaroroonan at hinayaan si Emilia na gawin ang ipinunta nito. "Para ito sa ikabubuti mo at

