2 WEEKS LATER Hindi makapaniwala si Leviathan sa kanyang nakikita. Wala nang bakas ng palasyo ni Beelzebub sa lugar na dating kinatatayuan nito noon. Wasak ang buong kapaligiran na para bang pinasabugan ng sunod-sunod na nuclear bomb. Wala rin makikitang ibang nagkalat na diyablo sa lugar. Hindi n'ya alam kung patay na ang mga ito dahil wala namang mga bangkay sa paligid, maaari ring nagtatago lang sa kung saang sulok ang mga diyablo para mailigtas ang kanilang mga sarili laban sa panganib. Kung alin man sa dalawa ay hindi n'ya alam. "What the hell! Si milady ba ang may gawa nito?" tanong sa kanya ni Haden. "Mukhang wala nang iba." halos pabulong na tugon ni Leviathan habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa buong lugar. He missed her so much. Hindi n'ya maipaliwanag ang pangungulila

