Halos ipagtulakan ko si Onyx. Lalo at pilit talaga niya akong hinihiga sa kalye at balak na gawan ng masama. Ngunit ang pasaway na lalaki ay nakangisi lamang sa akin at tuloy-tuloy pa rin sa balak niya. Tila ba inaasar rin ako nito. “Binibini at Ginoo, huwag naman ninyong gawin dito sa kalye ang binabalak nitong kahalayan. May mga bata po sa paligid. Pasensya na po kung pinakialaman ko kayo. Ang sa akin lamang po ay baka bigla kayong puntahan ng mga kawal ng hari at ikulong dahil sa gagawin ninyong kabastuhan---” narinig kong anas ng isang matandang babae. Agad kong itinulak si Onyx. Medyo nakaramdam ako ng hiya sa inasta nito. Sinamaan ko rin ito ng tingin. Ngunit bigla namang itong ngumisi sa akin. Hanggang sa walang ano-ano ay hinawakan ako sa aking pulsuhan at humalo kami sa mga tao

