Tumingin ako kay Onyx. Kitang-kita ko ang galit na ngayon ay nakapaskil sa mukha ng lalaki. “Kamahalan, ano pang hinihintay mo? Bakit hindi mo pa iputok ang baril na ‘yan. Mukhang may kakaibang nangyayari nga sa inyo ng babaeng ‘yan. Kaya hindi mo siya magawang saktan—-” muling anas ni Haring Juan. Malakas din itong tumawa at tila tuwang-tuwa pa sa nangyayari kay Onyx. Tumingin ako kay Onyx. Marahan akong tumango sa lalaki. Kung ano ang plano nito ay susuportahan ko si Onyx. Kitang-kita ko namang nag-igting ang panga ng lalaki. Hanggang sa bigla nga nitong kalabitin ang gatilyo ng baril na hawak nito. Ramdam na ramdam ko ang pagtama sa aking braso ng bala. Nakita ko ring umiwas ng tingin sa akin ang lalaki nang dumugo na ang aking bra. Pero alam kong daplis lamang ang ginawa nito. “M

