Nagising ako ng nakayakap sa akin si odie. Sinusubukan kong kumawala upang makapag linis na ng katawan. Ngunit sa tuwing susubukan kong kumalas, Mas lalo naman nitong hinihigpitan ang kanyang pagkakayapos sa aking katawan. "Please Love, Don't go." Sambit nito sa akin habang nakapikit ito. "Pwede bang maligo bago matulog ulit? Nanlalagkit na kasi ako," Pakiusap ko sa kanya. Niluwagan naman nito ang pagkakayapos sa akin, Kung kaya ay mabilis naman akong nakawala dito. Agad kong tinungo ang banyo at nagbabad sa tubig na umaagos sa aking katawan. Natigilan lamang ako ng makarinig ako ng ilang katok. Nagtaka ako kung kaya ay agad ko iyong binuksan, Dahil sa pag aakalang kaylangan din nitong gumamit ng banyo. Pagbukas ko ng pintuan, Tumambad sa aking harapan ang hubad na katawa

