De'Chavez 7

1629 Words
Present Time 1 month after mag usap ni odie at alyssa. "Alyssa bakit hindi ka pa nagbibihis? Diba sabi ko naman sayo pupunta tayo sa school para kumuha ng schoo uniform, Magbihis ka na para naman hindi puro pinagpiliang size ang makukuha natin." giit ng kaybigan nitong si hazel. "Hazel saglit lang inaantok pa ako" pakikiusap ni alyssa at nagtalukbong ito ng kumot. "Hulaan ko, Nagpuyat ka nanaman kagabi noh!," pang huhuli ni hazel sa kaybigan. "H-hindi kasi ako makatulog" dipensa nito sa tanong ng kaybigan upang tigilan na sya. "I know you alyssa, hindi ka nagpupuyat ng walang dahilan, I remember the last time you sleep late was because of Dave." Napabangon na si alyssa at dumeretcho sa kusina upang kumain muna. "Don't speak bad words hazel! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo," Nakita ni alyssa ang mainit-init na pandisal sa lamesa kung kaya ay nagtimpla ito ng kape. "Nako! Ikaw ha, May hindi ka nanaman sinasabi sakin. Wala ka talagang kadala-dala." Nakaramdam ng gutom si hazel kung kaya ay inagaw nito ang tinapay na hawak ni alyssa at isinawsaw sa kape. "Wala akong tinatago sayo, Hindi lang talaga ako makatulog kagabi, Hindi ko alam kung bakit," giit nito kay hazel at napanguso na lamang. "Nabalitaan kong bumalik na ng pinas si Dave, At sinabi na rin sakin ni tita na galing daw dito last month si dave. So kamusta naman, Tinanggap mo ba ulit?" tuloy tuloy na sabi ni hazel sa dalaga at napa buntong hininga lamang ang naging tugon niya rito. "Hindi noh! Yung nanay ko talaga na yan ang daldal, Pinaramdam ko lang naman sa kanya na hindi siya welcome dito." sabi ni alyssa. "Talaga? So totoo nga? ang kapal talaga ng mukha non! ano? aalis lang ng bansa tapos ano? limot na ang kasalanan pagbalik? feeling close na ulit?" sunod sunod na sabi ni hazel habang kumakain ng tuloy-tuloy. Napansin na lamang ni alyssa na onti-onti ng nauubos ng kaybigan ang pagkain nito. "Teka, Akin ata yan?" sabi ni alyssa habang nakataas ang kilay nito. "Ikaw ata may tinatago sakin eh! Kasi sa liit mong yan ang takaw mo! Wala ka paring pinagbago," sabay tawa nito sa kaybigan. "Hmmm, ang sarap kasi talaga nito!" tili ni hazel habang kumakain. "Inaagawan mo na ako ng favourite food nakiki favourite ka na rin ahh." pagbibiro ni alyssa sa kaybigan nito na sarap na sarap sa kinakain. "Since day 1 i met you this was my favourite too! Bili pa tayo nito alyssa!" At sabay silang nagtawanan. Natigilan lamang sila dahil sa isang tawag mula sa school na pinag enrollan nila ng sabay noong nakaraang buwan. "Hello po? Yes I'm Alyssa, Who's this?,." 10 seconds of silence habang nakikinig si alyssa sa kausap. "Talaga po? Sige po salamat po pupunta na po kami dyan for our requirements, Thank you po!" Masayang sabi ni alyssa sa kausap nito. "Sino yun bakit ang saya mo." Mahinang tanong ni hazel habang puno ang bunganga nito. "Whaaaaaa! Hazel!" Nabuga ni hazel ang laman ng bunganga dahil sa pagtili ni alyssa at binuhat pa ito. "Alyssa! Bakit ba! Ginugulat mo naman ako, sayang yung kinakain ko nabuga ko lang!" inis at takang tanong ni hazel kay alyssa habang hinayang na hinayang sa natapon nito. Pagbaba sa kanya ni alyssa ay uminom ito gayun din ang kaybigan nito. Nang maunang matapos ni alyssa ang kanyang iniinom, Hindi na nito nahintay pa ang kaybigang matapos din sa kanyang iniinom at nagsalita na siyang muli. "Passado tayo for our final exam! welcome to College life!" Pasigaw ni alyssa sa isang magandang balita sa kanyang kaybigan. "Talaga?! Totoo ba to? College na tayo! waaaa!" at muling nagtilian ang dalawa, Wala silang pakealam kung marinig man sila ng mga kapit bahay basta nagsaya lang ang dalawa. Nagawa ng mag-ayos ni alyssa upang makapunta na sa school. Exited ang dalawang magkaibigan habang binabaybay ang daan papunta sa school hawak na nila ang mga requirements na kakaylanganin upang maging ganap na mag-aaral sa isang sikat na college school. Sa kabilang banda ay nag hihintay si Odie sa school na kanyang paglilipatan, Masaya ito dahil dito rin sa school nito mag-aaral ang kanyang mga kaybigan. Mabilis na nakarating sila alyssa sa school, Sa sobrang excitement ay halos madapa dapa na sila sa sobrang bilis ng mga ito maglakad. Nang makarating na ang mga ito sa registral office ay nagulat si Alyssa sa lalakeng nakita gayun din ang itsura ng binata na akala mo ay nakakita ng multo sa kanyang nakita. Hindi inaasahan ni odie na andito si Alyssa, Gayun din ang nasa isip ng dalaga. Mag iisang buwan na kasi nitong hindi nagpapakita sa dalaga, Magmula ng ito ay mabasted ng dalaga ay minabuti na muna niyang lumayo at huwag muna magpakit. Pumayag naman ang kaybigan nito na hindi muna niya gagawin ang plano nila. Nagkatitigan ng ilang segundo ang dalawa, Nabali lamang iyong ng biglang siniko ng mahina ni hazel si alyssa. "Od-die?" mahinang sabi ng dalaga habang nakatitig parin dito. "Huh? Kilala mo ba sya alyssa?" at bigla itong napatingin sa kaybigan na naghihintay ng sagot "Ha? a-ah e-eh O.." pautal utal na sambit ni alyssa ngunit hindi na nito natuloy ang kanyang sasabihin ng bigla na lang siyang nilagpasan ng binata papalayo. Hindi makapaniwala si alyssa na hindi siya pinansin ng binata. Habang si odie naman ay nagmamadaling makalayo sa kinaroroonan ni alyssa. Hindi siya makapaniwala na sa tagal ng panahon na tiniis niya na hindi makita ang dalaga ay sa ganitong pagkakataon pa sila magkikita muli. Pinilit niya ang kanyang sarili na huwag mahalin ang dalaga kung kaya ay lumayo siya at hindi na nagpakita pa. Ngunit sa pagkakataong ito na tadhana na ang syang gumagawa ng paraan, Upang magkalapit silang dalawa ng dalaga, Hindi na niya alam kung maiiwasan pa niyang hindi mahalin ang dalaga, Kung araw-araw niya itong makikita. Nang makita ni odie na wala na ang dalaga at ang kasama nito, Agad na itong umalis sa lugar. Hindi nito alam kung hanggang kaylan niya kayang tiisin ang dalaga, Sapagkat sa tuwing makikita niya ito ay nagiinit ang kanyang katawan. Naaalala niya ang gabing muntik na may mangyari sa kanilang dalawa ng dalaga, Kung hindi lang kumatok ang nanay nito ay baka kung ano na ang nagawa nito sa dalaga dahil sa tindi ng init na kanyang nararamdaman. "Dam! Alyssa why your here! alam mo ba na gustong gusto na kitang angkinin." Mariing sambit nito na halos mabaliw sa ganda ng dalaga, Gusto na niya itong siilin ng halik kung wala lang itong kasama at kung wala lang ito sa loob ng school. "Bakit ganito,! You seem's like drugs for me, Kahit na tiisin kita ng matagal, Bumabalik ang pagkabaliw ko sayo sa isang minuto lang na makita kita." Malungkot na sabi ni odie habang kausap ang kanyang sarili. Itinabi ni odie ang kanyang sasakyan dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. "Tiniis ko ang isang bwan, Isang bwan alyssa! Pa-para lang mapigilan ang nararamdaman para sayo, Pero bakit ganito, Para kong niloloko ang sarili ko, Na paniwalaing hindi ako magkakagusto sayo at hindi kita mamimiss, Pero sa totoo lang, Sobrang miss na miss na kita at sa una palang na pagkakataong makilala kita gustong-gusto ko na maging akin ka," Mga salitang nararamdaman ng binata subalit na duduwag itong ipagtapat sa dalaga. Dahil sa eighteen palamang siya ay hindi pa niya alam kung paano lalabanan ang kanyang mga magulang kung sakaling malaman nila ang tungkol sa dalaga. Isa sa dahilan kung bakit niya ito nilayuan. Nang makapagpakalma na ito ay pumunta na siya sa pagkikitaan nila ng kanyang mga kaybigan. Sa kabilang banda. Natapos na nila alyssa ang lahat ng dapat gawin ng maaga, kung kaya ay maaga silang nakauwi. Naisukat na rin ni alyssa ang kanyang bagong uniform, At sa susunod na linggo na ang kanilang pasukan. Napatigil na lamang siya sa kanyang ginagawa ng muling maalala ang gulat na titig ni odie sa kanya. "Kamusta na kaya sya,? Galit parin ba sya? Totoo kaya yung sinabi niya sakin na gusto nya ako? Pero bakit sabi nya sakin huwag ko siyang pagkatiwalaan? Naguguluhan na ako sa kanya." Naguguluhang tanong nito habang kausap nito ang sarili. "Ano kaya ang ginagawa niya sa school na yun? May nililigawan na kaya siya,? kaya naghihintay siya roon?" mga katanungan sa isip ni alyssa na hindi niya kayang sagutin dahil sa hindi makausap ang binata tulad noon. "Alam ko kung gaano kasakit ang ituring na kaybigan lang ng taong binigyan mo ng oras at effort, Kaya hindi ko sya masisisi kung hindi niya ako kayang kausapin." giit nito ng may pangungunsensya sa sarili. "Sana maintindihan niya ako, Kung totoong gusto nya ako mauunawaan niya ang kalagayan namin," giit ni alyssa at pinilit na makatulog. Habang si odie naman ay nagsasaya kasama ang kanyang mga kaybigan, Nagpapakalunod ito sa alak hanggang sa mabaon sa limot ang kanyang nararamdaman para sa dalaga. Halos gabi-gabi siyang umuuwi ng lupay-pay sa sobrang kalasingan, Minsan pa ay bigla na lamang ito manghihila ng iba't-ibang babae, Upang maka table minsan pa ay dinadala niya pa ang mga ito sa hotel Upang maging parausan. Wala namang babaeng tumatanggi sa binata, Dahil sa itsura nito, Halos nag aagawan pa ang mga babae, Para lang makasama nito sa buong gabi. Parang isang panaginip ng mga kababaihan ang makakasama ang binata, Sapagkat pag gising ng mga ito ay wala na sa tabi nila ang kagabi lamang ay kasama nila sa saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD