De'Chavez 8

1983 Words
Magmula ng araw na nagkita si odie at alyssa sa school, Napagisipan ni odie na lumipat ng ibang school upang maiwasan lamang ang dalaga. Kahit pa malayo sa tinituluyan nito ang pinapasukan ay wala itong pakealam, Mas gugustuhin niya ito kesa naman masira niya ang pangarap ng dalaga. "Ang tanga mo kasi! ang usapan paibigin mo! Hindi yung paibigin ka! Iwas ka ngayon noh!" kausap nito sa sarili habang papauwi habang hawak ang isa pang bote ng alak na akala mo'y hindi nalalasing. Isang taon pa ang lumipas magmula ng siya ay lumipat ng paaralan. Gayun pa man ay madalas parin naman siyang bumibisita ng patago sa pinapasukan ng dalaga, Minsan pa nga ay may nakikita itong may pumoporma sa dalaga, Ngunit hindi rin nagtatagal dahil hinaharangan niya ang mga nagtatangkang manligaw rito. Madaling araw na ng makauwi sa mansyon si Odie, Bihira lamang itong umuwi sa mansyon, Minsan ay uuwi lamang ito kung may kukuning gamit niya at minsan naman ay pag pumupunta ang mga kapatid niya. Nakasanayan na ng mga tao sa bahay nila na sa twing darating ito ay lagi itong inuumaga ng uwi, At minsan pa ay lasing. Sa magkakapatid siya lamang ang bukod tanging tahimik, Kung magsalita man ito ay talagang sisiguraduhin niyang wala ka ng maibabato pabalik sa kanya. Dahan-dahan nitong isinara ang front door upang hindi marinig ang kanyang pagpasok. Ngunit dahil sa nakita siya ng kanyang aso na si Blake ay tinahulan siya nito at kumawag kawag ang buntot nitong may mahahabang balahibo, Agad niya itong kinarga upang tumahimik. Pagkabuhat niya rito, Ay tumakbo agad ito upang makapagtago dahil sa narinig niyang bumukas ang pintuan ng silid ng kanyang ama. "S**t it's too close" bulong nito sa sarili at huminga ng malalim. Sinilip muna nito ang paligid, Ng makita nitong wala ng tao ay tinungo na niya ang kanyang kwarto. Nang makapasok ito ay napahiga na siya sa kanyang kama, Dahil sa pagod ay hindi niya namalayang nakatulog na siya ng hindi pa nagpapalit. Nagising na lamang ito ng alas diyes ng umaga. "Damn! late nanaman ako!" agad na itong naligo at ng makapag ready na ay umalis na ito agad. Hindi na nito nagawa pang magpaalam sa kanyang ama at nagmaneho na ito na akala mo ay nakikipag karera sa mga kasabay niya sa kalsada. Nagulat siya dahil sa tunog ng kanyang cellphone, Napansin din niyang madami na ding message na hindi nito nababasa mula sa mga babaeng kinasama nito sa iba't ibang lugar. "who is this? and how did you get my num...." Agad napapreno si odie dahil sa bosses na tumawag sa kanya. Hindi na rin nito natuloy ang kanyang sasabihin, Dahil hindi ito makapaniwala sa boses na kanyang naririnig sa kabilang linya, Malambing at pautal-utal na bosses mula kay Alyssa. Hindi ito pwedeng magkamali dahil alam na alam niya ang pagsasalita ng dalaga. "Hello?" mahinang sagot ng binata sa tumawag rito. Hindi agad nakasagot si alyssa sa kanyang narinig ilang sigundo pa ang lumipas ay nagawa na nitong makapagsalita. "A-ahm O-odie?" pautal-utal na sagot ng dalaga sa kausap, Tila natuyuan ang lalamunan ni alyssa dahil sa boses na kanyang narinig sa kabilang linya. Inutusan lamang siya ng kanyang Professor kung kaya ay hindi ito maka hindi. Ngunit sa pag aakalang ibang studyante ang kanyang makakausap ay pumayag naman ito. Hindi akalain ng dalaga na ang numero na isinulat ng kanyang professor ay ang numero pala ng binata na kanyang matagal na niyang gustong makausap. "Yes? speaking?" sagot ng binata at pinaandar na ang sasakyan nito upang makapunta na agad sa school habang hinihintay ang isasagot ng dalaga sa kanya. "A-ahh e-eh kasi pinapatanong ng Professor mo kung makakapasok ka raw ba ngayon kasi ang dami mo na daw absents,?" malumanay na sagot ng dalaga sa kanya at hindi na ito makapaghintay ng sagot ng binata at pinatayan na niya ito ng telepono. Nanlaki ang mga mata ni odie dahil sa sinabi ng dalaga sa kanya, Nainis ito dahil sa biglang pagbaba ng telepono nito ng hindi manlang siya hinintay na sumagot manlang. Ngunit mas nangibabaw ang tuwa sa kanya dahil sa pagtawag muli ng dalaga sa pangalan niya. "I miss that you called my name again" Malalaking ngiti ang nangibabaw sa kanyang mukha. Dahil don, Mas lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho upang makapunta na agad sa school nito, At para maabutan ang dalaga. "Thanks God! gumawa ka pa ng way para makita ko siya ng malapitan!" Masayang sigaw ni odie sa loob ng sasakyan. Nakarating ng mabilis si odie sa school, Hingal na hingal ito dahil sa pagmamadali, Hindi naman siya nabigo, Dahil nakita niya si alyssa na nakaupo sa covered court malapit sa payphone. Ngunit ng lalapitan na niya ang dalaga ay napatigil ito sa kanyang kinatatayuan, Nang makita niya ang isang lalake na papalapit sa kinaroroonan ni alyssa. Sa tingin niya ay hindi ito studyante sa school na ito, At mukhang nasa bente tress na ang edad nito. "Yssa!" sigaw ng binatang papalapit kay alyssa, Agad namang nagtaas noo ang dalaga sa pinagmumulan ng baritoniong bosses na papalapit sa kanya. "Jas! Bakit andito ka?" masayang tanong na may halong pagtataka ng dalaga. "Sinusundo ka? masama bang sunduin ko ang girlfriend ko?" sagot ng binata sa kanya. Nagtaka naman si alyssa at hindi makapagsalita dahil iniisip nito ang dahilan ng pagpunta nito. "Look sorry okay? hindi ako nakapunta sa inyo nung 2nd monthsarry natin but this time babawi ako. At dahil birthday natin ngayon may surprise ako for you, Happy birthday babe!" nagulat si alyssa sa biglang paghalik ng binata sa noo nito. "Te-tek-a paano mo nalaman na andito ako?" pautal-utal na sabi ni alyssa sa binatang kaharap. "Pumunta ako sa inyo wala ka, Sabi ni nanay Emily andito ka daw sa school na ito isinama ka daw ng professor mo." giit ng binata kay alyssa at napanguso pa ito. "Wow naman! ang sweet! ang daming lugar para mag landian dito pa talaga sa school nyo napili?" sambit ni odie na madilim pa sa gabi ang kanyang mukha, Nakakuyom naman ang mga kamao nito sa galit sa binatang nakaakbay sa dalaga. Napalingon ang dalawa sa likuran nilang dalawa, Laking gulat ni alyssa sa binata na kanina pa pala sila pinapanood. "Babe, kilala mo ba tong lalake na ito?" Takang tanong ni jasper sa dalaga. "Ahh si Odie pala friend ko," mahinang sagot ng dalaga sa tanong ng nobyo nito. " A-amm o-odie mali ang naiisip mo hindi kami nag.." hindi na pinatapos ni odie sa pagsasalita si alyssa at nagsalita na itong muli. "Shhhh... Hindi mo na kaylangan magpaliwanag sakin, Im happy to seeng you happy, because im just your friend right?" mahinahong sambit ni odie sa dalaga at napatingin sa binatang kaharap. "Take care of her," habol na sabi pa ni odie sa binata. "Odie! wait, Don't go gusto sana kitang makausap," pagpigil ni alyssa sa binata, Napatango naman si alyssa kay japer senyales na mauna na muna siya. Pumayag naman si jasper at pumunta na muna sa sasakyan nito. Ilang sandali pang natahimik ang dalawa, At halos walang gustong maunang magsalita. Hindi na natiis ni alyssa at nauna na siyang nagsalita. "Odie, bakit ang tagal mong hindi nagpakita sakin? bakit kaylangan mo akong iwasan? bakit hindi mo muna ako kinausap bago ka lumayo? magdadalawang taon na magmula ng huli nating paguusap," mga tanong na sunod-sunod na pinakawalan nito sa binata na hindi manlang siya nililingon mula kanina. "I miss you so much odie," salitang hindi masabi ni alyssa sa binata sapagkat ayaw nitong umasa ulit ang binata sa salitang iyon. "Sino sya?" tanong ng binata kay alyssa at iniwasan lamang ang mga tanong niya. "Boyfriend mo na ba sya?" mahinang tanong nito habang nakayukom parin ang mga kamao nito. "Teka ang dami mo ring tanong di mo pa nga sinasagot ang tanong ko." at napayuko lamang ang dalaga. "Matagal na ba kayo?" pagpapatuloy ng tanong niya na parang hindi pinapakinggan si alyssa. "Kaylan pa?" pahina ng pahina ang boses ng binata sa bawat tanong niya ay ipinagdarasal niyang sana mali ang nasa isip nito. "Damn it! Alyssa answer me!" Nagulat si alyssa sa biglang paglakas ng boses ni odie sa kanya. Hindi na napigilan ni odie na malakasan ang bosses niya, Wala siyang pake alam kung may iba pang makarinig sa kanilang dalawa. "Yes!... Oo! Boyfriend ko sya! alam mo kung bakit? siya lang nagtiyaga na patunayan ang sarili niya sakin, Siya lang ang hindi bumitaw sa sinasabi niyang maghihintay, Ikaw ba hinintay mo ba ako? diba hindi? Iniwasan mo ako!" galit na sabi ni alyssa habang patuloy ang pag agos ng luha niya. "Alam mo ba kung bakit? Because i choose to respect every single thing about you,! Gusto kita! pero hindi mo ako binigyan ng chance na iparamdam sayo kung paano kita mahalin. Pero tiniis ko, Lumayo ako iniwasan kita sa paarang yon maiiwasan kong mahulog sayo. Alam mo ba kung bakit? Dahil ayokong masira ang mga pangarap mo. Tiniis ko lahat! ang makita ka sa malayo okay na sakin, Ang marinig ang bosses mo ng patago ayos na sakin, Maging ang pag tawa mo kahit alam kong hindi ako ang dahilan ng saya mo. Masakit pero kaylangan, Gusto ko lang makita kang masaya masaya na din ako." ibinuhos ni odie ang lahat ng gusto niyang sabihin sa pagkakataong ito. "Akala mo nawala ako? Alyssa im always by your side! hindi mo lang ako nakikita dahil hindi mo ako hinahanap! Iniwasan kita dahil ayokong maging sagabal ako sa pangarap mo, Dahil alam ko sa sarili ko hindi ko rin kaya iprovide ang pangngaylangan mo, Nag-aral ako at yun lang ang kaya ko sa ngayon na tuparin sa mga gusto mo para sakin. Hinayaan kita dahil ang alam ko hindi ka naman mag boboyfriend ng hindi ka pa nakakapagtapos diba? pero ano to alyssa?" Napabuntong hininga si odie at tumalikod sa kanya. "Sana sinabi mo sakin nung una palang! Gusto mo ng mayamang boyfriend hindi ko na sana pinahirapan pa ang sarili ko para sayo," habol na aabi ni odie sa dalaga na kanina pa umiiyak. "Bakit pati pagkakaybigan natin tinigil mo? Bakit hindi mo ako pinaglaban sa pangarap ko? Bakit hindi mo ako hinintay kung gusto mo ako?" dagdag na tanong ni alyssa na gustong-gusto niyang magkaroon ng kasagutan. "Dahil ayokong kaybigan lang ang tingin sakin ng taong minahal ko, Alam ko yung mga pangarap mo hindi kayang ibigay ng pagmamahal ko pero sana nagtiwala ka sa kakayanan ko na ibigay sayo ang kaya kong ibigay para sayo, Hindi naman kita papabayaan," giit ni odie na pinipigilan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. "But Im happy now to look at you my princess happy, masakit pero alam ko kaylangan." Walang tigil sa pag iyak si alyssa habang hawak ang panyo na inabot sa kanya ni odie bago ito iwanan mag isa. Hindi alam ni odie kung ano ang gagawin, Nagdrive lamang siya, Hanggang sa marating niya ang rest house na binili niya, "Damn you alyssa! You chose him over me! dahil mapera? may sasakyan? kung alam ko lang na pera lang makakapagpasaya sayo hindi na sana ako nagpakahirap pa ng ganito na parang asong nagbabantay lamang sayo!" sigaw ng binata at hinagis ang cellphone niya na may litrato nilang dalawa noong bumunta sila sa paradise. Nang makarami na sa kanyang naiinom at napagod na kakaiyak ay tuluyan na siyang nawalan ng ulirat. " Alyssa! where are you! Madaling araw na hindi parin kita mahanap! saan ka ba pumunta sabi mo gusto mo lang mapag isa," pag-aalalang sabi ni jasper habang nagdadrive paikot ikot sa lugar. "Hello detective Nicko look for alyssa marie reyes right now!" utos ni jasper at binabaan na ito ng tawag. "GATCHA! wait s**t who is that? and why you kiss her!" sabi ng binata at napangiti pa habang tanaw sa di kalayuan ang nobya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD