De'Chavez 9

3600 Words
Agad na bumaba si jasper upang lapitan ang dalaga, Nakita niya itong nakaupo sa gilid ng kalsada habang may hawak na cute na aso at dila ng dila sa mukha ng dalaga. "Tama na nakikiliti ako!" at humagalpak pa ito ng tawa. Tumigil lamang ang aso sa kanyang ginagawa dahil sa binatang papalapit sa kanila. "Stop it! why you kiss my girlfriend!" at natawa naman lalo si Alyssa sa kanyang narinig dahil para itong batang kung magselos. "Ano ka ba, It's just a puppy! tignan mo, Ang cute nya diba?" pag ngiti muli ng dalaga sa kanyang hawak. "Iniwan mo ako dahil sa puppy na yan?" at natawa lalo si Alyssa kung kaya ay ginulo ng binata ang buhok ni alyssa. "Ano ba! bakit mo laging ginugulo ang buhok ko?" para same na kayo at natawa rin ito sa ginawa niya rito. "Akin na nga yang dog na yan, Ako naman ang magbubuhat pasok tayo sa loob baka sipunin ka na dito ang lamig-lamig." agad namang sumunod si Alyssa sa binata. Pagsakay nila ay kinausap naman ni jasper ang asong hawak at pinanggigilan nya pa ito dahil sa kapal ng balahibo nito mukhang alagang-alaga. "Your cute! Bakit ka lumayas sa amo mo? Parehas kayo ng girlfriend ko lagi nalang akong tinatakasan, Hindi manlang ba ninyo naiisip na may mga taong mag aalala sa inyo?" Kausap ng binata sa asong hawak nito. Napatingin naman si Alyssa sa kanya at ngumiti lamang dahil sa sinabi nito. "Sorry na, Kasi kanina habang bumibili ako, Nakita ko siya na papatawid kaya nilapitan ko na baka masagasaan konsensya ko pa diba,? Pagpapaliwanag nito sa nobyo nito na kanina pa nakasimangot sa kanya. "Uuwi na kita, Kanina ka pa hinahanap sakin nila Tatay red," sambit ng binata sa dalaga. "Jasper! Sa bahay ka ba mag didiner?" sabay ngiti nito sa nobyo. "Sorry Babe, But i need to go, May mga kaylangan kasi akong dapat tapusin agad sa office. Maybe next time nalang, Okay?" sambit ng binata at napalingon kay alyssa na kanina pa nakatingin sa kanya mula ng magdrive ito. "Where here, Okay baby you may go inside, Para makapagpahinga ka na rin." Nakita nitong tumulo ang luha ng dalaga at agad naman niya iyong pinunasan. Mag tatatlong bwan palang sila ni Jasper, Ngunit magmula ng maging sila, Hindi sila ni minsan nagsicelebrate ng kahit na anong occasions na magkasama. Dahil sa bihira lamang bumibisita ang nobyo nito kila alyssa, At minsan pa ay saglit lamang ito bumisita at aalis na ulit. "Bakit lagi nalang tayo ganito? Lagi kang wala, Nagmamadali, at lagi ka nalang walang oras. Jas, May iba na ba? kasi mag tithree Months palang tayo pinaparamdam mo ng walang tayo, Mas masaya pa nung araw na mag kaybigan lang tayo." Niyakap siya ni jasper at hinalikan ito ng mariin. Unti-unting ginapang ng binata ang kanyang kamay papaloob sa damit ni alyssa, Nang mahawakan ni jasper ang dibdib ng dalaga ay agad namang napa singhap si Alyssa at Naitulak niya si jasper sa pagkagulat nito sa ginawa ng kanyang nobyo. Nang maitulak ni alyssa si jasper, Ay nakita ni alyssa na napayuko at napangisi ang binata sa kanya. Mas lalong nandilim ang mukha ng binatang kaharap dahil sa pagkakatulak sa kanya ng dalaga. "Oh! Bakit mo ako tinulak diba ito naman ang gusto mo? Ayaw mo ba? come on alyssa wag ka na magpakipot, gagawin din naman natin to wag na nating patagal... Ahhh!" Napasigaw ito dahil sa pagkakasampal ng dalaga sa kanya Hindi niya halos makilala ang binatang kaharap niya ngayon, Na para bang hindi ito ang lalakeng nakilala niya nang unang araw na makita. "Sino ka? Hindi na ikaw ang Jasper na nagustuhan ko! dahil alam ko hindi ito kayang gawin sakin ng taong nakilala ko, since day one." napahagulgol sa iyak si Alyssa dahil sa ginawa sa kanya ng binata. Halos hindi natitinag ang binata sa mga sinasabi ni alyssa sa kanya, Pinaandar ni jasper ang sasakyan habang sakay parin nito si Alyssa. "San mo ako dadalhin! Ibaba mo ako! Ayoko na sayo!" Sigaw ng dalaga at dinala siya sa isang madilim na lugar na walang katao-tao ngunit di ito kalayuan sa bahay nila alyssa. Pagkatabi ni Jasper ng kanyang sasakyan sa isang madilim na eskinita, Bubuksan sana ng dalaga ang pintuan ngunit nilock ito ni jasper gamit ang auto lock sa side ng pintuan nito. "Sabi mo sakin kulang ako sa oras para sayo, tapos ayaw mo akong pagbigyan sa gusto kong gawin? diba sabi mo pa nga lagi akong umaalis agad pag nakikipagkita sayo? tapos ngayon tinataboy mo ako? Alyssa ano ba talaga ang gusto mo sakin? pera?" tila natatakot na si Alyssa sa ipinapakita ng binata sa kanyang ugali para itong isang demonyo kung ngumisi at magsalita sa kanya. "Bitawan mo ako baliw ka! Baliw!" Napatawa ng malakas si jasper sa pagsigaw ni alyssa sa kanya. "Look alyssa, Marami akong pera babayaran kita just make me satisfied now!" agad naman nitong sinunggaban ng halik ang dalaga na nakapagpahagulgol ng iyak sa dalaga. Nairita ang binata sa pag iyak nito kaya dumukot ito sa bulsa niya, Kinuha nito ang pera at inabot ito sa mga kamay ng dalaga. "Here! kaylangan mo ng pera diba? Gusto mong makatapos? ito na ang chance mo, Pumayag ka lang sa gusto ko, Pakasalan mo ako and be my s*x slave alyssa." Agad naman siyang sinampal ng dalaga at pinigilan niya iyon at hinatak ang damit ng dalaga dahilan para magkalasan ang mga buttones ng damit ni alyssa. "Tulong! Tulong! Ple-please Ja-jasper wag mo gawin sakin to!" Pangmamakaawa ni alyssa sa lalakeng pinagtatangkaang gahasain siya. "Sige lang sigaw ka lang, Bibigyan kita ng limang minutong sumigaw, Pagtapos mo ako naman ang pagbibigyan mo! time start Now!" Agad namang sumigaw ng sumigaw si Alyssa hanggang sa mawalan na ito ng malay kakaiyak at kakasigaw. Sa kabilang banda ay may isang lalake na nakapansin sa sasakyan na itim na tila kanina pa nakapark sa isang eskinita, Kinabahan ito kung kaya ay palihim siyang lumapit rito. Nang makalapit ito ay nakita niya ang isang babaeng tantsa nito ay umiiyak dahil sa punas ito ng punas sa kanyang mata, Dag-dag pa noon ay nakikita niyang nagmamakaawa ito sa binatang kaharap. May sinasabi ang binata sa dalaga ngunit hindi niya maintindihan. Nalaman na lamang niyang nag aaway ang dalawa base sa pagkakasampal ng dalaga sa kanya, At nakita rin nitong pilit na hinuhubaran ang dalaga. Minumukaan niya ang binatang sakay ng sasakyang iyon dahil parang nakita na niya ito sa kung saan o balita o letrato. Agad siyang kinabahan nang maalala nito ang kanyang kapatid na babae, Sapagkat kamukha ng lalakeng nasa loob ang nobyo ng kanyang kapatid. Mabilis na nandilim ang paningin nito sa binata at gusto na niyang bugbugin, Dahil sa panloloko nito sa kapatid at doon pa talaga malapit sa kanila naghanap ng ibang lalandiin. Gusto nitong makilala kung sino ang babaeng kanyang kasama, Nang kokomprontahin na sana niya ito. Agad siyang natigilan sa isang tabi, Dahil nanlambot siya sa nakita ng mawalan ng malay ang dalaga at mapaharap sa kanya ang mukha ng dalaga. "A-aalyssa!" mahinang sabi nito sa sarili at nagtago upang makatawag ng pulis. Pinigilan nitong mapaiyak dahil sa nakitang huhubaran na sana ng binatang kasama nito ang walang malay na kapatid. Agad siyang kumuha ng bato at inihagis iyon sa bintana sa side ng driver seat. Nang mabasag niya ang bintana ay agad niya inabot ang lock door nito upang buksan. Nang mabuksan niya ang pinto ay agad siyang sinaksak sa tagiliran ng lalake, Hindi niya iyon pinansin bagkus ay hinila pa niya ito at pinagsusuntok ang mukha nito, Hindi niya tinigilang gulpihin ito hanggang sa mawalan na ito ng ulirat. Nakarating ang mga pulis ng nakahandusay na si jasper at walang malay, Habang ang kuya ni alyssa ay ginagamot na ang sugat sa loob ng ambulansya, Mabuti na lamang daw at daplis lamang ang kanyang natamo, Kung kaya ay hindi na niya kaylangang magpahospital pa. Okay lang naman daw si Alyssa at hinihintay na lamang siyang magising. "Kaylangan munang wag umuwi rito ang biktima, Kung nobyo niya ang suspect, Sa pagkakaalam namin ay maemplowensya ito at hindi malabong balikan kayo nito," sabi sa kanya ng nagimbistiga ng kaso ng kanyang kapatid. "Ano po ang dapat naming gawin para mabulok sa kulungan yang bumaboy sa kapatid ko?" tanong niya sa police na kanyang kausap. "Sa ngayon po sir, Mas maigi po munang magpahinga po muna kayo, Pag okay na po kayo ay pumunta po kayo sa opisina upang makapag file na po kayo ng kaso laban kay Mr Jasper. Sa ngayon po ilayo nyo po muna si Miss Alyssa dito sa lugar na ito." pag papaliwanag ng police sa kanya. "Maraming salamat po sana po makuha po namin ang hustisya," sambit nito at nagpaalam na sa police na kausap. Binuhat niya ang dalaga at isinakay sa sasakyan niya na matagal na niyang pinag ipunan. Uuwi lamang sana siya upang ipakita ang sasakyang kanyang nabili ngunit ito ang kanyang nadatnan. Nakarating sila sa hotel na kanyang tinutuluyan pansamantala, Habang hinihintay ang kanyang requirements papunta sa bansang kanyang pagtatrabahuhan. Bubuhatin na sana niya ang kanyang kapatid, Ngunit Nakita niya ang cellphone ng kapatid na may tumatawag. Nabasa niya ang pangalan ni Hazel na kaybigan ng kanyang kapatid, Agad niya itong sinagot. "Puntahan mo siya rito sa Hotel ibibigay ko sayo ang address," Pagkababa ng tawag ay napatingin ito sa kapatid niya at napangiti. "Hanggang ngayon pala magkaybigan parin pala kayo ng baby ko," Napangiti ito at binuhat na ang kanyang kapatid. Nakapasok na sila sa loob ng kwarto nito at ibinagsak ang kapatid sa sofa, Dahilan upang magising ang kanyang kapatid. "Langya ka naman Yssa! kung alam ko lang na magigising ka kapag binagsak kita sana kanina ko pa ginawa! Hindi na sana ako napagod buhatin ka, Ang bigat mo! Mag diet ka na nga." Sigaw ng kuya niya habang nakatingin sa kanya. "Ku-kuya? Bakit ka andito diba nasa probinsya ka? Teka asan ba tayo? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ni alyssa sa kuya niya sapagkat naguguluhan siya. "Easy kapatid kong panget! Sa pangit mong yan akalain mo yun may nababaliw pala sa tulad mo?" tumawa ito ng malakas. Naiyak na lamang ng malakas si alyssa dahil sa sinabi ng kuya nito, Bigla kasi niyang naalala ang ginawa sa kanya kanina ng nobyo niya. "Tahan na, Sorry hindi ako papayag na mangyari ulit sayo yun, Babantayan ka na ni kuya kahit nasaan man ako," Pagpapatahan nito sa kapatid na hindi tumitigil sa pag iyak. "Kuya sorry din, Hindi ko muna kinilala ng husto yung tao bago ko sinagot, Sana nakinig ako sa payo mo," giit nito sa kuya niya, Napangiti naman ang kuya nito dahil sa mga sinabi niya. "Kaya sa susunod wag ka na titingin sa pogi ahh, Alam mo namang bihira na lang ang katulad ng kuya mong full package," pagbibiro nito upang mapatawa ang kapatid, Hindi naman siya nabigo dahil sa kaninang iyak ng iyak ay ngayon ay tawa na ng tawa ang dalaga. Natigilan ang dalawa dahil may nag doorbell sa pintuan nito. "Open the door," utos ng kuya ni alyssa sa kanya. Nang mabuksan ni alyssa ang pintuan ay laking gulat nito dahil iniluwa nito ang best friend niyang si Hazel. "Alyssa!" sigaw ng kaybigan niya habang akap-akap siya. "Pano mo nalamang andito ako?" narinig niyang ngumiti ang kuya niya kung kaya ay hindi na niya inalam pa ang isasagot nito. "Halika pumasok ka dun tayo sa loob." at hinila na niya si hazel papasok. "Nabalitaan ko ang nangyari sayo kamusta ka?" pagaalala ni hazel sa kanyang kaybigan. Habang nakatitig lamang ang kuya ni alyssa sa kaybigan nito. "Kuya baka matunaw si hazel," nakita niyang napa yuko si hazel matapos nitong sabihin iyon. "Sige lang mag usap lang kayo, Wala naman akong ginagawa sa inyo ahh, Para nakikinig lang naman." nakangusong sabi nito sa kapatid at kumuha ito ng tubig. Napansin ni alyssa ang kaybigan at nakita niyang namumula ito. "Hazel, Okay ka lang ba? mukhang ikaw dapat ang ipacheck up?" Tanong ni alyssa sa kaybigan nito. "Sus! walang sakit yan! kinikilig lang yan kasi nakita nya na ulit ako diba baby ko?" pang aasar ng kuya ni alyssa kay hazel. "Magtigil ka nga Mike! baby mo mukha mo! alam mo alyssa wag ka tutulad dyan sa kuya mo ahh lalayuan talaga kita." inis na sabi ni hazel kay alyssa. "Teka! May something ba sa inyo?" tanong ni alyssa sa dalawang kanina pa nag aasaran. "WALA!" hazel said. "Meron!" mike said. Sabay nilang sabi at hindi alam ni alyssa kung sino ang paniniwalaan. "Tara alyssa ikukuha nalang kita ng ibang room kahit sagot ko pa nakapag usap lang tayo ng tayo lang!" inis na savi nito sa kaybigan. "Wag ka sumama dyan, Tuturuan ka lang nyan manloko," sabi ng kapatid ni Alyssa. "Matagal ko syang kasama, Tinuruan ko ba ng kalokohan?" giit ni hazel. "Malay mo this time turuan mo na tulad ng ginawa mo noon." mariing sambit ni mike. "Para sabihin ko sayo hindi ako nagloko, Sadyang makitid lang ang utak mo at pinagisipan mo ako ng masama." pagkikipag debate ni hazel sa kuya ni alyssa. Habang si Alyssa naman ay nagawa ng magbukas ng popcorn na nasa lamesa at pinapanood lamang ang dalawa na parang batang nagtatalo. "Talaga? pagtapos ng lahat hindi mo na nga ako tinawagan diba? kase kasama mo iba." inis na sabi ni mike kay hazel. "Talaga ba? ayon ba talaga ang pagkakaalam mo? asan ebidensya mo?" sagot ni hazel binata. "Merong binigay ang kapatid mo sakin na kay kasama kang ibang lalake sa unit mo!" inis na sabi ni mike sa kanya gustuhin man nitong magalit ngunit hindi nito magawa dahil kaharap ang kapatid nito. "Kayo nalang kaya mag usap!" Sabay sabi ni alyssa. Natahimik naman ang dalawa dahil sa sinabi ni alyssa. "Naging kayo pala? Galing nyo magtago ah." pabirong sabi ni alyssa sa dalawang taong kaharap nito. "A-ahh Sa-sabihin naman sana namin sayo pero madaldal kasi tong kuya mo eh," pautal na sabi ni hazel sa kaybigan niya. "Kaylan pa kuya?" nagulat ito sa tanong ng kanyang kapatid kung kaya ay nabitawan nito ang cellphone na hawak. "Ha? Bakit?" patay malisya na sagot ng kuya nito, Napansin ng lahat na namamawis ang mukha nito kasabay ang pamumula ng magkabilang pisngi nito. "Kuya alam ko maputi ka, Pero wag ka namang magpatay malisya, So kaylan nga naging kayo ng hindi ko alam?" pag ulit ni alyssa sa tanong. "Nung third year high school palang kayo?" sagot nito na kala mo ay hindi sigurado sa sagot niya. Habang si hazel naman ay halos lamunin na ng kinauupuan sa hiya kung paano ipapaliwanag sa kaybigan. Para silang nasa hot seat kung tanungin ni alyssa ng sunod-sunod. Hindi nila alam kung paano maiiba ang topic kung kaya ay napaisip ito ng mga bagay na gustong gawin ni alyssa na hiding-hindi niya kayang tanggihan. "Alyssa, Gusto mo kumain? alam ko hindi ka pa nag didiner, Tara order tayo." napasimangot si Alyssa sa sinabi ng kaybigan nito. Kalaunan ay napapayag rin naman niya ang kanyang kaybigan. Napahinga nalamang ang dalawa ng malalim ng nagpaalam si Alyssa na maliligo na muna. Matapos maligo ng dalaga ay lumabas ito ng suot ang damit ng kuya nito na nagmukhang daster sa haba. May katangkaran din ang kuya nito at mistiso, Namana kasi nila sa nanay nila ang kulay nito, Ang hight naman ay namana ni alyssa sa nanay at si mike ay nagmana sa father side na puro matatangkad. Hindi mapagkakamalang mahirap lamang ang pamilya nila alyssa dahil sa mga itsura ng mga ito. Kung hindi lamang magtatagalog ang mga ito, Ay pwede ng mapagkamalan si Alyssa na haponesa at ang kuya nito ay mukhang amerikanong mukhang indyano. Hindi rin maikakailang may kagwapuhan rin na taglay ang kuya ni alyssa, Kung kaya ay nagging crush ng campus sa dating school nito kung saan nakilala ni alyssa si hazel. Omorder ng tatlong klase ng pizza si hazel at fried chicken at drinks, Tahimik ang tatlo habang kumakain. "Kung matagal na silang hiwalay, paano nalaman ni kuya kung saan ang condo ni hazel? At paano nya nalamang may kasamang lalake si hazel sa unit nito? dapat kong alamin yun." Bulong ni hazel sa kanyang sarili hanbang kumakain. "Kuya paano mo nalamang may kasamang ibang lalake si hazel sa unit nya?" Napaubo ang kuya nito sa tanong niya. "Napadaan kasi ako doon, Nagkataon na nakita ko syang papasok sa isang kwarto kaya sinundan ko." mabilis na nakapag isip ng palusot si mike kung kaya ay nakahinga siya ng maluwag. "Sino ba kasi ang kasama mo hazel?" Tanong niya sa kaybigan na kanina pa walang imik sa tabi. "Ha? ano yun?" Tanong nito na halatang hindi nakikinig sa usapan. "Sabi ko sino ba kasi yung lalakeng kasama mo nung pumunta si kuya sa unit mo" pag uulit muli ni alyssa sa tanong niya. "Si Vince," deretchong sagot ni hazel kung kaya ay agad niyang pinaniwalaan iyon.. "Putcha! si vince? bakit? magpapamake up ka?" asar ni alyssa sa kaybigan nito. "You know that man?" napakunot noo si Alyssa sa tanong ng kuya nito. "Yeah? kasi sya yung laging nag memake up samin ni hazel evrytime na may event kami sa school." Nakita niya ang reaksyon ng mukha ng kuya niya. Kung kanina ay angdilim ng mga ngiti nito ngayon naman ay kabaligtaran, Sapagkat masaya na ito at parang kala mo ay kahit anong iutos mo ay susundin niya agad. "Kuya ang pangit mo ngumiti," pang aasar niya sa kuya niya, Agad naman siyang binatukan ng mahina ng kuya niya. "Arrrraaayyyy! kase wag kasi agad-agad mang hihinala. Yan mahirap sa mga patagong relasyon ehh, Wala kang mapagtatanungan." pangangaral at pangungunsensya nito sa dalawa. "Sorry Beefriend," sambit nito at napangiti nalamang ito sa kaybigan. "So kuya yung totoo ahh, Ilang beses kang bumalik dito sa maynila?" seryosong tanong nito upang mahuli ang dalawa. "Madaming beses na," sagot nito ngunit napasimangot si Alyssa sa sagot nito. "Oh, Bakit ang lungkot mo?" tanong niya sa kapatid. "Kasi ang daming beses mong pumunta rito, Pero ni minsan hindi mo kami binisita nila nanay," At nag unahan na ang mga luha nito sa kanyang magkabilang mata. "Tahan na pangako! Hindi na mangyayari ulit yon." sabay ngiti nito sa kapatid. "Talaga? promise yan?" paninigurado ni alyssa sa kanyang kapatid. "Yes. promise, hindi na ako uuwi dito sa maynila ng hindi kayo binibisita, Kasi hindi naman mura pamasahe pauwi ng pilipinas," nakatikim ito ng magkabilaang hampas sa braso nito mula kay alyssa. "KUYA! naman eh, Kaylan ka babalik paano ako?" inis na sabi ni alyssa na may halong lungkot. "Pag-aaralin na kita, gusto ko mag aral ka ng mabuti, pagkanakapagtapos ka na kukunin kita okay?" sagot nito sa kapatid naiyak naman si hazel. Gustuhin man niyang umalis upang makaiyak dahil sa nabalitaan ngunit kaylangan niyang magpakatatag dahil kaylangan siya ng kanyang kaybigan sa tabi nito. Kung kaya ay kumain na lamang siya at inabala ang sarili rito. Napansin naman ni alyssa ang kaybigan na biglang nalungkot kung kaya ay tinanong niyang muli ang kuya niya. "Kuya kaylang yung last na binisita mo sia hazel?" tanong muli ni alyssa. "Last 2 years? i think it's November?" napaisip ang kuya ni alyssa kung kaylan ngunit hindi nito naisip ang nangyari sa kanila ni hazel mag tutwo years ago na. "Ahh, I smell something, Alam nyo? Makakapagtago kayo ng love story nyo, Pero yung nakita ko 2 years ago lamang pa sa secreto nyo." pilyang sagot ni alyssa sa dalawa. Biglang napatingin si hazel sa cellphone niya dahil sa biglang pagtunog nito. "Yes hello? Talaga? Kaylan pa? Can you Give me the details? Thank you." Gulat na sabi nito sa kausap. "Aalis ka na?" tanong ni alyssa dito. "Nope, Aalis tayo." sagot nito, at nagtaka naman ang dalawang magkapatid. "Sasama ako?" takang tanong ng kuya ni alyssa. "Syempre wala akong car ngayon, Nagmadali akong pumunta dito kaya nag taxi lang ako." paliwanag nito sa binatang kausap. " Teka bakit kaylangan akong kasama?" tanong rin ni alyssa kay hazel. "Tara na para maabutan natin si Odie! Aalis na ang protektor mo, wag na madaming tanong, Hindi mo na sya makikita pa kung hindi natin siya maaabutan." mga salitang binitawan ni hazel kay alyssa. Habang nasa sasakyan sila ay ipinaliwanag na ang lahat ni hazel sa kanya Mula sa totoong dahilan kung bakit siya gustong maging girlfriend nito, Hanggang sa totoong dahilan kung bakit siya iniiwasan ng binata. "I think this man is the right man for you alyssa, I feel him," sambit ng kuya nito habang umiiyak siya sa entrance ng Airport. "Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat? Bakit ang daming sikreto na hindi ko manlang nalaman ng mas maaga, Bakit hindi ko sya inintindi, Ni hindi ko manlang sya pinahalagahan." bulong nito sa kanyang sarili habang umiiyak. "Kaya ba nya sinabi na wag ako magtitiwala ng basta-basta sa mga bago ko palang nakikilala? dahil sa alam na niya?" tanong niya sa kaybigan nito. "Sorry alyssa, Ayaw niyang ipasabi dahil ayaw ka nyang masaktan pero sa tingin ko may karapatan kang malaman ang lahat, Kaso alam ko huli na baka hindi na sya bumalik pa," mahinahong sabi ni hazel upang mapakalma si Alyssa. Nakabalik si Alyssa sa hotel kasama sina hazel at ang kuya nito, Binayaran ni hazel ang isang taong renta sa hotel na tinutuluyan nito upang mabantayan ang safety ng kanyang kaybigan. Wala lang para kay hazel ang maglabas ng pera para sa kaybigan niya, Dahil sa barya lamang ang bagay na ito para sa tulad nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD