De'Chavez 10

3426 Words
Madaling araw na ng makauwi si Alyssa sa condo kasama ng kanyang kaybigan. Magmula kasi ng umalis ang kuya ni alyssa ay sa condo na ng kaybigan nito siya umuuwi. Kampante naman ang dalawa na magkasama sapagkat kilala naman na nila ang bawat isa. Malaki ang condo na nilipatan ni hazel para sa kanilang dalawa, Tig-isa sila ng kwarto at may malaking salas at kusina. Pag sumilip ka sa bintana nito ay tanaw na tanaw mo ang naglalakihang mga gusali, At mga nagkikislapang mga bitwin sa langit. Ito ang pinili ni hazel para sa kanilang dalawa bukod sa tahimik, Mas mahigpit rin ang security dito. "Hazel?" Tawag nito sa kaybigan at kinapa ang paligid upang makapunta sa switch ng ilaw. Nakapatay ang lahat ng ilaw at tanging liwanag mula sa labas lamang ang kanyang naaaninag. Nang mahawakan na niya ang switch ng ilaw ay binuksan na niya ito agad. "Happy birthday Yssa!" Nagulat ang dalaga ng makita ang kaybigan nitong may hawak na cake at mga magulang nitong may hawak na lobo. "Wahhh... Bessy, Nay, Tay! Salamat at may pa surprise pa kayo," Niyakap ni alyssa ang tatlo ng matapos ay hinawi nito ang kanyang mahabang buhok upang ihipan ang kandila. "Plano lahat ito ni hazel anak, Napaka bait na bata talaga nitong kaybigan mo. Sabi ko nga sa kanya pag dumating ang kuya mo ipapakilala ko siya, Kaya huwag muna siyang mag aasawa." Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay nagtawanan. Nagtungo ang lahat sa kusina at masayang nagkwentuhan at nagtawanan, Hindi rin nawala sa usapan ang mga past memories ng magulang ni Alyssa. Matapos nilang kumain ay pinatulog na ni alyssa ang magulang sa kwarto nito at siya naman ay nakitulog katabi ni hazel sa kabilang kwarto. Bagamat pagod ang lahat at mabilis silang nakatulog. Kinabukasan maaga nagising si Alyssa ngunit wala na sa tabi nito ang kaybigan. Paglabas nito sa kwarto ay nakita niyang nagkukwentuhan ang mga ito. "Anak, nakakahiya kay hazel hanggang ngayon tanghali ka nagigising, Halika na at kumain na nagluto ako ng dinuguan at merong puto rito." masayang sabi ng nanay ni alyssa sa kanya. Bigla namang naalala ni alyssa ang binatang dati lang ay kinukulit siya upang maging nobya nito. Napatingin siya sa pagkaing hinain sa kanya ng kanyang ina, At muling naalala si odie nung panahong sarap na sarap sa pagkain nito. Hindi namalayan ni alyssa na may tumulo na luha mula sa kanyang mga mata, Agad naman niya iyong pinunasan gamit ang mga kamay nito. Nakita ni hazel ang kanyang ginawa kung kaya ay hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Are you okay alyssa? May masakit ba sayo? Gusto mo patawag ako ng doctor?" sunod - sunod na pag aalalang tanong ni hazel sa kaybigan. Nang tatayo na sana ito ay hinawakan ni alyssa ang kamay ng kaybigan kung kaya ay napaupo ito at napatingin sa kanya. "Okay lang ako ano ka ba, Kumain ka na dyan at ako na maghahatid kila nanay sa bahay para makapunta ka na sa office," Nakangiting sabi ni alyssa habang sinasawsaw ang puto sa dinuguang nasa plato nito. Matapos kumain ng lahat ay naligo na si Alyssa upang maihatid ang mga magulang nito sa kanila. "Alyssa, Are you sure na ikaw na maghahatid sa kanila? Gusto mo ako nalang? Baka kasi mapano ka." Pag aalala ng kaybigan nito sa kanya. "Oo naman kaya ko tsaka ang tagal na nun baka napagod na ang taong yun kakahanap sakin." Masayang sabi ni alyssa sa kaybigan nitong parang bulateng lakad ng lakad sa tabi nito. "Sige basta tawagan mo ako pag papunta ka na sa office ah, Hihintayin kita doon." Paninigurado ni hazel sa kaybigan nito. "Yes boss!" agad naman siyang binatukan ng kaybigan dahil sa sinigaw nito, Natawa naman si Alyssa at napahawak sa parte kung saan siya nito binatukan. "Awww! Masakit yun ahh." giit ng dalaga at inirapan ang kaybigan. "Sige na mauuna na ako, Basta yung sabi ko sayo ah hihintayin kita sa office pag di ka dumating doble pa dyan gagawin ko sayo." Biro ni hazel sa kanya bago ito umalis, Tinanguan lamang ito ni alyssa at muling inayos ang sarili. Gamit ang iniwang sasakyan ng kanyang kapatid sa kanya, Ay maayos naman nitong naihatid ang kanyang mga magulang. Nakita nito ang malaking pagbabago sa bahay na dati ay tagpi-tagpi ngayon ay nakasemento na. Magmula ng makapagtrabaho ang kuya nito sa ibang bansa ay unti-unting binuo nito ang bahay ng kanilang mga magulang. Kasabay noon ay ang pagpapaaral sa kanya nito, Ngunit ngayon na nakapagtapos na siya ng pag-aaral at maayos na ang kanyang trabaho, Siya naman ang tumutulong sa mga magulang nito upang makapag ipon naman ang kanyang kapatid. Nang nakapunta na siya sa opisina ni hazel ay nakita nito ang naglalakihang mga ngiti ng kaybigan. "Hayyyy, Salamat naman at maayos ka, Kamusta ang pagbalik mo roon," Tanong ni hazel sa kanya at tumayo pa ito upang lapitan si Alyssa. "Okay naman, Ang bilis ng panahon noh? Parang kaylan lang nag aaral pa tayo ngayon busy na sa trabaho," giit nito sa kaybigan at lumakad papunta sa malaking glass wall ng opisina ng kaybigan nito. "Kaya nga dapat habang bata pa tayo ginagawa natin ang mga bagay na makakapagpasaya satin, So don't let anyone to ruin your happiness," sambit nito at sabay lingon sa kaybigan nitong malayo pa sa mindanaw ang tingin. "Namimiss mo ba si kuya?" pambasag nito sa katahimikan. "Ha?" takang sagot nito sa tanong ni alyssa. "Miss mo na ba si kuya? may time ba na gusto mo siyang puntahan pero di mo alam kung saan sya pupuntahan ng di nya nalalaman?" tuloy tuloy na tanong ni alyssa dito. "Ha? Hindi naman, minsan lang pag di ko sya nakakausap, Pero masipag ang kuya mong iupdate ako sa mga bagay na ginawa niya sa maghapon kaya hindi ko sya masyadong namimiss," sagot nito sa kaybigang kanina pa siya tinitignan. "Mabuti ka pa nakita mo na yung taong para sayo, Samantalang ako kasama ko na sya pinagtabuyan ko pa." malungkot na sabi nito at naupo sa swivel ng kaybigan nito. "Hulaan ko si odie yan noh," tanong nito sa malungkot na kaybigan. "Bakit kaya siya biglaang umalis," tanong ni alyssa kay hazel. "Alam mo? Lagi mo nalang tinatanong sakin yan tatlong taon na halos yan ang lagi mong tanong sakin," sagot nito. "Nagtataka lang kasi ako bessy, Hindi naman kasi magagawa ni odie na umalis ng bansa lalo na at wala naman yung kamag anak sa ibang bansa sabi niya sakin," takang sabi niya at halatang naguguluhan parin hanggang ngayon sa nangyari. "Baka naman matagal na syang nakapag ayos ng papers niya going abroad," Paliwanag nito upang makampante lamang ay isip ni alyssa. "Hindi eh, Ang bilis naman ata nun, Ano yon ang laki naman ata ng sinasahod niya sa pagtatalyer niya para mapag aral ang sarili tapos makapunta sa ibang bansa," sagot nito sa sinabi ng kaybigan niya. "Teka bakit ba natin pinoproblema yan, Baka yun talaga ang gusto niya mangyari sa buhay niya. Alam mo kung mahal ka ng isang tao babalik at babalikan ka nyan, tignan mo kami ng kuya mo nagkalayo pero pinagtatagpo." Nakangising sabi ng kaybigan nito sa kanya. Napanguso na lamang si Alyssa sa kanyang narinig mula rito. "Teka may gusto ka ba dun sa tao? laging siya ang bukambibig mo sakin eh." tanong nito ng maisip ang dahilan ng mga tanong ni alyssa sa kanya. Hindi sumagot si Alyssa at napayuko pa ito sa lamesa. "Sabi ko na nga ba eh, Gusto mo siya bakit hindi mo sinabi sakin noon edi sana pinabalik natin yung eroplano pabalik ng pinas." Biro nito sa kaybigan, Napatingala sa kanya si Alyssa ng nakasimangot. "Puro ka biro, Akala ko puro trabaho yang nasa isip mo, Puro pala kalokohan! Magtrabaho na nga lang tayo," giit nito at muling nagtawanan ang magkaibigan hinawi naman ni alyssa ang buhok nito papunta sa harap. "Mabuti pa nga at makapagpahinga ng maaga," pagsangayon ni hazel sa kaybigan. Natahimik ang dalawa ng may kumatok sa pintuan ng kaybigan nito. Pagbukas nito ay iniluwa nito ang gwapong binata, Na sa tindig nito ay para siyang isa sa mga share holders ng kumpanya. "Ohh my Prince," mahinang sambit ni alyssa. "Tanga! Hindi siya si Prince Kuya ko yan!" sagot ni hazel sa nasabi ni alyssa. "Ha? may sinabi ba ako?" sambit ni alyssa sa kaybigan nito. "Anong ginagawa mo rito?" Masungit na sagot ni hazel sa kapatid nito. "Ang sungit mo! bukas birthday ni dad pumunta ka para naman hindi ka mabulok dito," sambit nito at ginulo ang buhok ng kapatid. "Kuya ano baaa! Ginulo mo nanaman ang buhok ko.!" inis na sabi nito sa kuya ng dalaga. "Namiss lang kita ang tagal nating di nagkita." nakangising sabi nito at inabot sa kanya ang isang invitation letter. "Sige na umalis ka na, Nananahimik ako rito." inis na sabi ng dalaga sa kuya nito. "Kakarating ko lang papaalisin mo na agad ako? basta sa birthday ni dad pumunta ka ha or else guguluhin kita araw araw dito sa office mo." masayang sambit nito sa kapatid at lumabas na sa opisina nito. Hindi na sumagot si hazel at napakamot na lamang ng kanyang ulo. "Bakit parang ayaw mo pumunta?" tanong ni alyssa sa kanya. "Wala lang, nakita mo naman kung gaano kadaldal ng kuya ko diba? Sampung ganyan ang makikita mo roon pag nagpunta ka." paliwanag nito at bumuntong hininga na lamang ito at inayos ang buhok niya. Naunang lumabas ng kumpanya si Alyssa, Uuwi na sana ito ngunit naisipan niyang pumunta sa isang lugar kung saan siya mapayapang makakapag isip. Pumunta siya sa isang mataas na lugar kung saan tanaw niya ang buong kamaynilaan. "Dati nakakapunta ako dito pag kasama ko si dave, Ngayon kaya ko ng pumunta kahit na wala akong kasama." bulong niya sa kanayang sarili. "Miss? May kasama ka ba?" tanong ng isang binatang may baritonong bosses mula sa kanyang likuran. Agad itong tumayo upang harapin ang taong pinagmulan ng bosses na narinig niya. Nang makaharap ang dalaga ay agad niya naman itong tinugunan. "Wala," maiksing sabi ni alyssa at tumalikod na muli ang dalaga. "Pwede bang makiupo?" tanong muli nito sa kanya. Tumango ang dalaga bilang pagsang ayon. Tinignan niya ito ng hindi lumilingon at nakita nito ang kanyang ginawa. Pinagpag nito ang uupuan bago ito umupo. "Ang arte naman, pinagpag pa." bulong niya sa kanyang sarili at napayakap na lamang ito sa kanyang sarili. "Bakit ka mag isa." tanong ng binata sa kanya. "Bawal ba? kaya ako nandito para makapag isip at para makapag isa tapos tatanungin mo ako ng tatanungin?" masungit na sagot ni alyssa sa binatang kausap nito. Kinuha na ni alyssa ang kanyang mga gamit, At kahit na kakarating niya lamang sa lugar ay nag desisyon na siyang umuwi na lamang. Hindi niya maaninang ng malinaw ang binatang kaharap dahil sa kadiliman ng paligid, Ngunit nakikita niya ang kwintas nitong may letrang K na nakalagay. "Wait saan ka pupunta," takang tanong nito sa dalaga, Hinawakan nito ang braso nito at agad naman iyong hinawi ng dalaga. "Bitawan mo ako! Huwag mo akong hahawakan." mangiyak ngiyak na sabi ni alyssa sa binata. "Okay, Sorry wala naman akong intensyon na saktan ka tinatanong lang naman kita. Dapat nga magpasalamat ka pa kasi sinasamahan kita, Delekado rito lalo na sa kagaya mong walang kasama." paliwanag nito sa dalaga. "I'm fine thank you gusto ko ng unuwi." sagot nito sa binatang kausap. "By the way i'm Kevin," pagpapakilala nito sa dalaga. "Alyssa," maiksing sagot nito. "Okay sige mag ingat ka bumalik ka lang dito pag mag nangyari." Pagpapahinahon nito sa dalaga. Nakauwi ng maayos si Alyssa ng wala ang kaybigan nito sa kwarto nito. "Hindi pa rin siya nakakauwi?" tinawagan nito ang numero ng kanyang kaybigan ngunit hindi iyon sinagot ng dalaga. Nagpunta ang dalaga sa banyo at naglinis ng katawan. Nang matapos ay sinubukan muli nitong tawagan ang kaybigan, Sa pangalawang pagkakataon ay sinagot na siya nito. "Hazel asan ka? bakit di ka pa nakakauwi?" magkasunod na tanong ni alyssa sa kaybigan. "Alyssa hindi ako makakauwi dito muna ako sa bahay matutulog basta kumain ka nalang pag nagutom ka. Bukas nga pala wala kang pasok, So gawin mo lahat ng gusto mong gawin, Basta mag iingat ka lang okay?" paliwanag ng kaybigan nito na parang nanay niya kung mag paalala sa kanya. " Okay sige ikaw din mag iingat ka palagi." at ibinaba na niya ang tawag mula sa kaybigan nito. "Bro. Hindi ka maniniwala sa ibabalita ko sayo," sambit ng binata sa kanyang kausap. "What is it?" sagot nito sa nasa kabilang linya. "Babe can you turn off your phone and continue to.. " hindi natuloy ng dalaga ang kanyang sasabihin ng biglang patahimikin siya ng binata. "Wait bro ill call you again." sagot nito sa kausap. "You may go home," Sabi nito sa katabi at dinampot ang mga nagkalat na damit nilang dalawa. "But we're not done yet," sagot nito sa binata. "Then go find someone else to willing to fu*k you," malokong sabi nito sa dalaga, mabilis na nagdamit ito at lumabas ng silid ng binata. Paglabas ng babae ay tinawagan muli nito ang kaninang kausap niya. "Hello, Kevin ano yung sinasabi mo?" Tanong nito sa kausap at inip na inip sa gusto nitong sabihin. "Siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa ibabalita mo binitin mo ako sa ginagawa ko." muling sabi nito sa kausap niya. "Kuya, masyado kang mainit relax lang." sagot nito sa kuya niya. "Damn, Kevin you want me to relax? pagtapos mo akong istorbohin? Ano ba kasi yon." asar na sagot nito sa kapatid. "Wala lang gusto lang kitang kamustahin, Ang tagal mo na kasing hindi umuuwi. Hinahanap ka nila dad sakin nagulat nalang sila na wala ka sa bansa." pang aasar nito at huminga pa ng malalim. "F*ck kevin, Mangangamusta ka lang pala kala mo naman emergency ang sasabihin mo. Sige na matutulog pa ako." sambit niya at bababaan na sana niya ng tawag ngunit may ipinarinig na pamilyar na bosses ang kanyang kapatid. "Bawal ba? kaya ako nandito para makapag isip at para makapag isa tapos tatanungin mo ako ng tatanungin?" "Okay, By the way i'm Kevin" "Alyssa" "Gusto ko ng umuwi" "Kuya kilala mo ba ang bosses na ito? Nirecord ko ito kagabi, Nakilala ko siya sa lugar na pinuntahan ko kagabi, kaso ang sungit tapos laging kala mo may gagawing masama sa kanya nagalit ba naman nung hinawakan ko yung braso niya," takang sambit ng binata sa kuya niya. "Is it alyssa?" hindi makapaniwalang tanong ni odie sa kanyang kausap. "Yes Bro, diba siya yung first love mo? I know her nakita ko sa phone mo nung natutulog ka. Kaya nung nakita ko siya nilapitan ko agad, Kaso." bitin nito sa kanyang sasabihin. "What?" tanong ni odie sa kanyang kapatid. "Para siyang traumatised pag nakita mo, Nakakaawa naman." mahinang sagot nito. "Hayaan mo siya, Just don't let anyone to take her," Sagot nito sa kapatid niya. "Kaylan ka ba babalik," tanong nito jay Odie. "Sa Grand opening ng bagong business mo," sagot nito. "Talaga? promise yan ah," masayang sambit nito. "Don't worry ako bahala sa wife mo," pilyong sagot nito at pinatay na ang tawag nito. "Damn Alyssa, this time i will make sure na ikaw ang lalapit sakin, Ipaparamdam ko sayo ang sakit na ipinaramdam mo sakin nung gabing mas pinili mong sumama sa hotel kasama ng ibang lalake. Ayaw mo sakin na halos luhuran ka mapasagot ka lang, Yun pala gusto mo ng binabayaran ka, Sana pala binayaran nalang kita nung una palang hindi na sana ako nahirapan pa! " Bulong niya sa kanyang sarili at tinungga ang isang bote ng alak at inihagis iyon sa kung saan. "Damn! Kuya Odie Asan ka na ba, Ang tagal mo sobra! Ohh miss can i ask if what time darating yung flight galing sa UK?" tanong nito sa costumer service counter. "10:30 PM pa po sir," Sagot sa kanya ng babaeng kanina pa kilig na kilig sa kanya habang nakatayo sa waiting area. "Finally your here! How's the flight," tanong nito sa kapatid. "Okay lang, Putcha! 3 years lang akong nawala biglang tangkad mo ah, Nasobrahan ka ata sa kakapanood mo ng porn." birong sabi nito sa kapatid. "Loko! Hindi na ako nanunuod non dati lang, Dahil actual action ko na siya ginagawa ngayon." nakatikim ng malakas na batok si kevin mula sa kuya nito. "Arraayyy! Masakit yun ah!" Napahawak ito sa ulo niya at napangiwi sa sakit. Habang ang kuya niya ay napahawak sa tiyan nito habang tinatawanan ang kapatid. "Let's go, Pagod na ako gusto ko matulog," Sambit nito at inakbayan ang kapatid nito. Sinundo si odie ng sasakyan ni kevin na may mga body guard pang kasama. Habang binabaybay nila ang kahabaan ng edsa, Nakatanaw lamang si odie sa labas ng sasakyan at wala itong imik. "kuya anong plano mo sa wife mo?" mahinang sagot nito. "Just leave that thing to me, Ako na bahala sasabihan nalang kita kung may ipapagawa ako sayo." Sagot nito sa kapatid. "Kuya odie, Basta wag kang magpadalos dalos baka imbis na mapasayo sya, Baka mas lalong mapunta pa siya sa iba." pagpapaalala nito sa nakakatandang kapatid na hindi malaman kung ano ang nasa isip. "Kamusta si Lizel at si Oliver?" Tanong nito kay kevin. "Si Lizel Nag aaral parin, Si Kuya Oliver naman Busy sa Company niya, Yes pumayag na rin siya na hawakan ang kumpanya ni dad magmula nung nagkasakit si dad." Napatingin si odie sa kapatid dahil sa narinig, Dahil sa kilala nito ang kanyang kapatid na si Oliver na ayaw ng malaking responsibility. "Teka may problema ba si Oliver?" tanong nito. "Yan din yung tanong ko sa kanya pero di niya ako kinakausap sa bagay na yan. I think he will listen to you, Try to talk to him about that," malungkot na sagot nito. "Mukhang marami akong dapat asikasuhin sa pamilya ko bago ang sarili ko, Maswerte ka alyssa dahil hindi pa kita mahaharap ngayon, Just enjoy your life my wife." Bulong nito sa sarili. Phone message from Hazel: Alyssa, 1 week Akong wala so enjoy your week basta laging mag iingat, I love you best friend." "One week? seryoso? wala akong kausap ng one week, Ano kaya dapat gawin?" Tanong nito sa sarili habang kagat kagat ang ibabang labi nito. Naisipan ni alyssa na pumunta sa grocery store upang mag imbak ng mga kaylangan sa bahay at mga pagkain. Inabot siya ng hapon sa pamimili, Dahil sa dami ng kanyang mga pinamili, Binilhan na rin niya ng groceries ang kanyang mga magulang kung kaya ay ihahatid nya pa ito sa kanila. Kung dati ay hindi nito kayang mabili ang mga kaylangan niya at mga gusto niyang pagkain ngayon ay kabaligtaran na ang lahat, Hindi man sobrang laki ng kanyang sinasahod, Ngunit sapat na ito upang makapag ipon para sa future ng kanilang pamilya. Hindi naman kinakabahan si Alyssa na hindi pumasok sa trabaho, Sapagkat bayad naman ang araw nito pumasok man siya o hindi. Mag gagabi na ng makarating si Alyssa sa bahay nila, Agad niyang inabot ang lahat ng kanyang mga pinamili para sa mga ito, Aalis na sana siya ng hilahin siya ng kanyang ina upang sumabay sa kanila mag hapunan. Wala namang nagawa ang dalaga at kumain na rin ito, Namiss niya ang ganitong buhay ngunit ng dahil sa nangyari sa kanya ay lahat ng iyon ay nagbago na. Pinuntahan nito ang dati niyang kwarto at walang nagbago rito bukod sa ito ay simentado na, Ang mga gamit niya nung siya ay nag aaral pa lamang ay naroon parin. Pumukaw sa kanyang paningin ang damit ni odie nung unang araw na siya ay bumisita rito. Kinuha niya iyon at umupo sa kama niya. Naaalala niya ang masasayang nangyari sa loob ng bahay nila, Kaya hindi na niya napigilan ang sarili na hindi maiyak, Dahil sa lubos na pangungulila nito sa binata. Odie sorry, Ngayon alam ko na ang gusto mong sabihin sakin, Na wag ako magtitiwala sa mga taong hindi ko pa gaano kakilala. Pero hindi ako nakinig sayo, Naloko ulit ako at muntik pa akong pagsamantalahan. Naiintindihan ko na kung bakit mo ginawa sakin yun, Wag ka mag alala hindi naman ako nagagalit sayo, Mahirap lang dahil akala ko hindi na mauulit sakin na pagkapustahan ng ibang tao, Masakit sakin kasi akala ko gusto mo talaga ako, Pero tinanggap ko lahat yun. Ang hindi ko lang matanggap ang pag alis mo ng hindi ako nakakapagpaliwanag ng totoong dahilan kung bakit ko ginawa ang lahat ng pagkakamali ko. Mahal kita odie at yan nalang ang totoong alam kong tama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD