Matapos magpahinga ni alyssa sa kwarto nito ay tinignan niya ang orasan, Nang makitang alas nuwebe na ng gabi ay nagpaalam na ito sa kanyang mga magulang.
Bago pa man ito makasakay sa kanyang sasakyan ay napansin niya ang itim na sasakyan, Dahil magmula ng dumating siya rito ay nakaparada na iyon sa di kalayuan sa bahay nila.
Alam ng dalaga na hindi iyon taga roon sa kanila, Dahil alam niya ang pamumuhay ng mga tao sa baryo nila.
"Nay?" tawag ni alyssa sa kanyang ina.
"Bakit? may nakalimutan ka ba?" sagot ng kanyang ina sa kanya.
"Wala naman po, Tanong lang po sino ho ang may ari nung sasakyang itim roon?" kinakabahang tanong nito sa ina niya.
"Ha? sasakyang itim? Baka nakipark lang at may pinuntahan lang dyan." sagot ni aling Emily sa anak nito.
"Ganon ho ba? Sige po nay mauna na po ako madami pa akong gagawin." paalam nito sa kanyang ina.
"Osige basta mag iingat sa daan ha." paalala ng kanyang ina.
"Opo nay," sagot nito.
Alam niyang may mga tao sa loob ng malaking sasakyan na ito, Sapagkat nakabukas lamang ang makina ng sasakyan.
Agad siyang kinabahan sa kung kaya ay sumakay na ito at nagmaneho ng mabilis. Habang binabaybay niya ang madilim na paligid, Hindi niya maiwasan na hindi kabahan, Dahil sa sinusundan na siya ng sasakyan na kanina lang ay nakaparada lamang malapit sa kanila.
"Please wag ako iba nalang pakiusap," bulong nito sa sarili at binilisan pa ang pagmamaneho upang makalayo sa mga ito.
Sa kabilang banda ay tawa ng tawa si odie sa kanyang ginagawa, Habang ang kanyang kapatid naman ay nagtataka sa kanya.
"Yan ang bagay sayo, May sasakyan ka na pala ngayon ha, Okay narin naman pala at may magandang napapatunguhan ang pagiging bayaran mo. Yan ba ang bigay sayo ng mayaman mong boyfriend? That car is so cheap like you, Bakit kaya naman kitang bilhan nyan mas higit pa kung binigyan mo lang ako ng chance," Bulong nito sa sarili habang nakangisi sa kawalan.
"Kuya hanggang saan ba natin susundan si ate Alyssa? Baka natatakot na yung tao oh." sambit nito sa kanya.
"Ano ka ba sige lang sundan lang natin, Ang sarap nya kayang paglaruan," Nakangising sabi nito sa kapatid na nag aalala para sa dalaga. Napakamot na lamang ng ulo si kevin dahil sa hindi nito maawat ang kuya sa kaniyang ginagawa.
Nang mapansin ni Odie ang driver nito na kanina pa umiiling ay tinanong na niya ito.
"Hey, Anong problema mo at kanina ka pa iling ng iling dyan," inis na sabi nito sa driver nila.
Napatingin rin ito sa speedometer ng sasakyan kung kaya ay napaisip ito sa kanyang ginagawa.
Nang makita nito ulit ang bilis ng pagmamaneho ng dalaga ay nag alala na ito, Kaya ay pinahinto na lamang niya sa tabi ang driver upang palagpasin na ang dalaga.
"Teka, is she lost her mind? Bakit sobrang bilis na niya, Anong problema nun, Hindi naman siya ganun dati, Pag mag sumusunod pa nga sa kanya hinihintuan nito at kinokompronta iyon, Pero bakit ngayon parang kala mo multo ang humahabol sa kanya," takang tanong niya sa mga kasama.
"Sir, eh kanina pa nga nag gegewang-gewang yung sasakyan niya baka po maaksidente." sagot ng driver nila sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi agad," inis na sabi ni odie at napa kunot ang kanyang noo.
"Baka ho kasi magalit kayo pag nangealam ako," mahinahong sabi nito.
"Oh diba sabi ko naman sayo huwag kang magpadalos-dalos mapapahamak pa ang wife mo sa ginagawa mo," pangangaral ni kevin sa nakakatandang kapatid.
"Okay you win, Just slow down, Umuwi na tayo." sambit ng binata sa driver nito.
Sa kabilang banda ay hindi na napigilan ni alyssa ang mapa hagulgol ng iyak sa loob ng sasakyan, Dahil sa may sumusunod na kanyang hindi makilalang sasakyang itim.
"Tu-tulong,! Ano gagawin ko bakit naman sakin nangyayari to please wag nyo po ako papabayaan," sobrang lakas ng kanyang pag iyak na halos hindi na niya kayang huminga kakaiyak sa sobrang takot habang nasa loob siya ng kanyang sasakyan, Hanggang sa hindi nito namalayang nakalayo na siya sa mga taong humahabol sa kanya.
"Sa-sa-salamat po, Sal-lamat po." umiiyak si Alyssa sa sobrang takot hanggang sa makarating ito sa condo ay wala itong ibang ginawa kundi ang umiyak lamang ng umiyak.
"Kuya this is Detective Rowel Sandoval siya ang magbibigay sayo ng kasagutan sa lahat ng tanong mo," pakilala nito sa isang kilalang magaling na detective sa bansa.
"Okay, Kuya wag ka mabibigla sa ibabalita ko sayo, Nung gabi kasi na hinabol natin si Ate alyssa, Nag alala ako sa ikinikilos niya kaya pinahanapan ko ng explanation ang nangyayari sa kanya, Look what i found out," Giit nito sa kuya nito.
"Dapat pala hindi natin ginawa yun sa kanya, Damn! we're so bad in here," dagdag pa ni kevin.
"What is the meaning of this?" Takang tanong ni odie sa detective na kaharap.
"Ms, Reyes is Under depression stage, Magmula ng siya ay muntikan ng pagsamantalahan ng kanyang nobyo, At ikulong sa loob ng sasakyan nito ay nagkaroon na siya ng trauma sa maraming bagay, Tulad ng sa lugar na walang gaanong tao, Sa twing may bagong magpapakilala sa kanya at sa mga sumusunod sa kanya at marami pa. Her situation is very sensitive about this," Paliwanag ng detective sa kanya tungkol sa kalagayan ng dalaga.
Nang marinig ni odie ang tungkol sa nangyari sa dalaga ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kanyang ginawa. Hindi siya makapaniwalang nangyari iyon sa babaeng kanyang iniingatan kahit na hindi siya binigyan ng pagkakataong patunayan.
"Kaylan nangyari ito at sino ang gumawa sa kanya ng ganito," Galit na tanong ni odie sa kanyang kausap.
Natakot naman si kevin sa kayang gawin ng kanyang kapatid kung sakaling sabihin ng detective ang patungkol sa taong iyon.
"It's May 22, 2015 and the suspect is Mr, Jasper Dela Cruz," saad nito at tumayo na upang makapagpaalam na sa mga ito.
"Maraming salamat po Mr, Sandoval," Pagpapasalamat ng dalawa sa mgakapatid, ngunit bago pa man magpaalam ng tuluyan ay may inutos pa muli si odie rito.
"I need your help name the price, I need to know the biggest source of his family," nagngangalit na sabi ni odie kay mr, sandoval. Agad namang sumang ayon ito at umalis na.
"Kaya pala nung gabing nagkita kami dun sa bundok, Sobrang iwas at sungit niya, At ayaw niyang hawakan siya, Kuya anong plano mo?" giit nito sa kapatid na galit sa kanyang sarili dahil sa kanyang mga narinig.
"I want see that man suffering for the rest of his life," madiin at galit na sambit ni odie sa bawat salita nito.
Nagising na lamang si Alyssa dahil sa tawag ng di kilalang tawag.
"Hello, sino to?" tanong niya sa kabilang linya.
"Hello, Sa pinakapangit kong kapatid!" sagot nito sa dalaga.
"K-Kuya? Kuya ikaw ba yan? Kaylan ka makakauwi?" Sambit nito sa kuya niya na kabilang linya.
"Andito ako na ako sa pinas," Masayang sabi nito.
"Teka si hazel wala pa dito susunduin ba kita sa Airport?" tanong niyang muli sa kapatid.
"Nope, No need, And si hazel ba kamo? She's here beside me," malokong sabi ng kuya niya.
"Loko talaga yan si hazel akala ko may mahalagang aasikasuhin tungkol sa negosyo, Ikaw lang pala ang aasikasuhin." inis na sambit niya sa kanyang kapatid at inirapan pa ito kahit na nasa kabilang linya pa ito.
"Hayaan mo na, Angtagal namin di nagkita kaya kaylangan namin ng bonding magkasama," sagot ni mike sa kapatid.
"Kaylan ba kayo ikakasal kuya?" exited na tanong nito sa kanyang kapatid.
"Malapit na, pero bago pa mangyari yon dapat kasama na kita sa Sweden," sagot ni mike sa tanong ng kanyang kapatid.
"Wow naman, Buti ka pa kuya nakita mo na siya, Yung akin nakita ko na nga binitawan ko pa," Malungkot na sabi nito habang nagtitimpla ng kape.
"Sige na kuya mag enjoy kayo dyan, Wag nyo akong kalimutang dalhan ng pasalubong ha, Pakisabi na rin kay hazel na tawagan naman ako," masayang sabi nito sa kuya niya.
"Okay sige makakarating sa kanya, Bye bye," mahinang sagot ni mike sa kanya.
Naglinis ng condo si Alyssa para sa pagdating ng kanyang Kapatid ay malinis ang kanilang tinitirhan, Magmula sa kwarto nilang dalawa ni hazel, Hanggang sa mga bintana ng unit nila ay talagang pinakalinis linis niya ang lahat.
Sa kabilang banda ay nagawang, Magdiwang ng mga magkakapatid na De'Chavez, Dahil sa paglago ng kanilang mga negosyo.
Natapos ng maayos ang grand opening ng Negosyo ni Kevin, Ngunit hindi pa sila nagsisipag uwian, Naiwan ang apat na magkakapatid sa loob ng event place ng Hotel na kanilang nirentahan.
Magmula sa bunsong kapatid ni Odie na si Lizel na Bagamat nag aaral pa lamang ay meron na itong sariling kumpanya.
Hilig nito ang fashion kung kaya ay nag invest ito ng isang Factory ng mga branded clothes, Isa rin ang kanyang kumpanya sa may pinakamagaling gumawa ng mga gown sa buong asia.
Kung kaya ay maraming mga mayayaman ang ito ang pinipiling gumawa ng kanilang mga susuotin sa lahat ng event na kanilang pupuntahan.
Si kevin naman na pangatlo sa kanilang magkakapatid ang pinaka business minded sa kanilang lahat, Siya rin ang may pinakamalaking investments at may pinaka kilalang kumpanya sa buong bansa.
Si Oliver naman ang nag take over sa kumpanya ng kanilang mga magulang, Maraming beses na niyang tinakbuhan ang ganitong pamumuhay ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya nagawa.
Siya ang may pinakapusong mamon pagdating sa kanilang mga magulang, At siya rin ang may pinaka strikto pagdating sa ibang mga bagay.
Kung hindi ka niya kakilala ay hindi mo siya makakasundo, Ngunit pag nahuli mo ang kiliti nito ay siya ang pinaka sweet sa kanilang magkakapatid.
At ang huli ay Si odie, Sa kanilang magkakapatid siya ang pinaka pilyo sa lahat, Seryoso at tuso pa sa mas tuso pagdating sa negosyo.
Sa kanya ipinamana ang lahat ng kanyang mga magulang. Maliban na lamang sa mga negosyo ng kanyang mga kapatid.
Bagamat hindi pantay-Pantay ang mga ipinamana sa kanila ay pantay-pantay naman ang trato nila sa isa't isa.
"Kuya, Balita ko may babae ka daw na kinababaliwan ah." tukso ni oliver sa kanya.
"Yeah, Ngayon alam ko na wala sa itsura ang hanap ng ibang babae, Minsan nasa laman ng bulsa," Humagalpak ng tawa ang dalawa nilang kapatid dahil sa sinabi ni odie.
"Kaya ba tinanggap mo na ang negosyo na alok ni dad dahil sa babae?" Tanong nito kay oliver.
"It's a biggest part pero, May isa pang dahilan kuya." napatingin sa kanya si odie na naghihintay sa kanyang isasagot nito.
"I want to help her, Wala na kasi siyang pamilya, yung kapatid nya may cancer stage 1, Napamahal na sakin yung bata kaya tinanggap ko ito para matulungan ko siya," malungkot sa sabi nito.
"Niloko ka na tinutulungan mo pa? Anong sabi niya sa mga tulong mo?" Tanong ni odie kay oliver.
"Wala, Hindi niya alam na ako ang tumutulong sa kanya," nahihiyang nagkukuwento si Oliver sa kuya nito.
"Bakit hindi mo sabihin," Tanong muli niya.
"Ayokong isipin niya na binibili ko ang pagmamahal niya, and i respected her ayokong ibaba ang pagkatao ng taong mahal ko," giit nito at hinilamos ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay.
"So you like her that much?" tanong muli ni odie sa kapatid na sobra niyang hinangaan pagdating sa pagmamahal sa isang babae.
"Magkapatid nga tayo, Pati sa babae parehas tayo." at napailing na lamang si odie at Oliver.
"Tama na yan, Uwi na tayo inaantok na ako," Pagmamaktol ng kapatid nilang si lizel.
"Tara na yung baby ngumangawa na!" biro ni oliver sa kapatid nito. Nag kanya-kanya na sila ng daan pauwi.
Ngunit si odie ay pinuntahan ang bahay nila alyssa, Gusto niya itong yakapin at humingi ng tawad sa pag iwan nito sa dalaga nung gabing kaylangan siya nito.
Naghintay si odie sa lagi niyang pinag aabangan sa dalaga, Sa may di kalayuang gusali malapit sa bahay ng dalaga.
"s**t! I hate raining season, But i want to see my princess again kahit sa ganitong paraan lang," mariing sabi ng binata sa sarili.
Bumuhos na ang ulan ngunit hindi parin, Umuuwi si hazel kasama ang kuya nito, Para siyang bata na naghihintay na makauwi ang mga magulang.
Hindi na siya makapaghintay at tinawagan na niya ang dalawa, Agad namang sinagot ng kaybigan ang kanyang tawag.
"Alyssa, Nasa condo ka ba?" tanong nito sa kaybigan.
"Oo bakit anong problema,?" pag aalalang sagot nito.
"Hindi kami makakauwi diyan ng kuya mo, Pauwi kami sa bahay nyo, Doon muna kami hanggang bukas ng umaga, Inabutan kasi kami ng malakas na ulan." maliwanag na paliwanag nito upang maintindihan ng kaybigan.
"Ganun ba, Mas mabuti pa nga na diyan muna kayo baka mapano pa kayo pag dumeretso kayo dito." tugon ni alyssa sa mga ito.
At ibinaba na niya ang tawag upang hindi malobat ang cellphone ng kaybigan incase na mag brown out sa lugar.
"Babe, wala ka bang payong?" tanong ni mike kay hazel.
"Nako sorry, Hindi kasi ako mahilig magdala non," malambing na sagot nito sa nobyo.
"Sige itong jacket ko nalang italukbong mo sayo para di ka sobrang mabasa," utos ng binata kay hazel.
Nang makalabas ang dalawa ay nakita nila ang pagilaw ng isang sasakyan malapit sa kanila. Si mike lamang ang napatingin at hindi na nito pinatingin pa ang nobya dahil baka mabasa pa ito.
"Sige na pumasok ka na susunod na ako," utos ni mike kay hazel.
Nang lalapitan niya ang sasakyan ay mabilis itong umalis ng mabilis, Kung hindi nakaiwas si mike ay baka nakaladkad na siya nito.
"Ang landi mo alyssa, Kaya ka napagsasamantalahan dahil ang bilis mo lang din magpalit ng boyfriend, Dapat lang talaga sayo ang nangyari because your a b***h," Galit na umuwi si odie at sa tingin nito ay kaya nitong basaging ang buong pagkatao ng sino mang haharang sa kanyang daraanan.
"Kuya what's happened," tanong ni kevin sa kapatid.
"That girl is a b***h!" Pasigaw na sabi nito at inihagis pa ang basong may lamang alak.
"Who?" takang at mahinahong tanong nito sa kapatid.
Hindi sumagot si odie kung kaya ay kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.
Pagbalik nito ay inaya niya si odie kasama ang kuya nitong si oliver.
"Sumama kayo sakin, Alam ko ayaw niyo dito magopen ng mga kwento niyo." Hindi nakasagot ang dalawa at parang batang sumunid sa batang kapatid.
"Where are we going?" tanong ni oliver.
"Basta malapit na tayo," sakay ng isang Suv na kulay itim ang tatlong magkakapatid at mabilis na tinungo ang magandang lugar sa san pablo.
Binili ni Kevin ito ng siya ay naging CEO ng kumpanya. Dito siya pumupunta sa tuwing stress at bigo sa pag ibig. Wala rin siyang ni isang babaeng dinadala rito kung kaya ay talagang mag isa lamang siya,
Nang makarating ang tatlo ay Namangha sila sa ganda, Laki at tahimik ng lugar, Wala rin silang kapitbahay kung kaya ay walang sasaklolo sa iyo kapag may nangyaring masama sayo rito.
Malaki ang rest house na ito, Kompleto na ang lahat at wala ka ng haganapin pa sa lugar na ito. Marami ring mga tanim na mabababa lang ang bunga, Tulad nalang ng papaya, Saging, Rambutan, Avocado at lansones.
Bungalow type ang bahay na ito, may apat na kwarto at may tig iisang banyo, Lahat ay mayroong aircon para sa panahon ng taginit, Sa taglamig naman ay sobra naman sa lamig sa lugar. Mayroon ding malaking kusina at madaming prutas sa lamesa na halos kakapitas lang.
Maluwag na salas na may malalaking sofa at flat screen na T. V.
Nang makalibot ang dalawa ay dinala sila ni kevin sa bandang likuran ng bahay kung saan naroon ang swimming pool at may Jacuzzi pa.
Nagpaganda ito ng barbecue at alak para sa mga kapatid.
Nang makaupo ay nagulat ang dalawa dahil inabutan sila ni kevin ng maraming babasaging plato.
"Para saan to?" giit ni oliver sa kapatid na nakatitig lamang sa kanila.
"Ano to? madami ka bang bisita at kami ang dinala mo para mag hain sa kanila?" biro ni odie sa kapatid na hindi maintindihan ang nasa isip nito.
"Brothers relax, Dinala ko kayo dito para pakalmahin kayo," mahinahong sabi ni kevin sa dalawang kuya nito at napaiwan na ito ng tingin, Lumakad ito papunta sa isang gilid di kalayuan sa pool.
Sumunod naman ang dalawa, Muli nanamang nagtaka ang dalawa ng huminto ang kapatid sa sulok ng lugar kung saan ay may dalawang kwarto rito.
"Tig isa kayo ha. Iiwan ko kayo rito and pag tapos na kayo maglabas ng sama ng loob andoon lang ako sa pool side okay?" sambit nito sa dalawang kapatid.
Aalis na sana si kevin ngunit napansing nakatayo lang ang dalawa at hindi gumagalaw sa kinaroroonan nila.
" Sh*t mga kuya! Ano ba ginagawa niyo, " inis na sabi ni kevin dito sa mga ito.
"May mga babae ba sa loob ng kwarto na yan?" tanong ni oliver.
"Hindi naman ako natatae Bakit ako maglalabas ng sama ng loob dito?" tanong naman ni odie.
"Mga kuya alam niyo? Ngayon ko lang nalaman na sa negosyo lang pala kayo matalino? pero sa ganitong bagay, ANG BOBOBO NIYO! seriously? Hindi nyo alam to?" inis na sambit ni kevin sa dalawa at umiling ng sabay ang dalawa.
"Okay sige, Spoon-fed ko na kayo para mas maintindigan niyo. Dinala ko kayo rito para ilabas ang galit nyo sa mundo, Yung galit nyo sa mga prinsesa niyo dito niyo ibuhos lahat, Niloko kayo oo pero hindi niyo sila pwedeng saktan.
So itong plato na ito dito niyo ibuhos ang lahat ng galit nyo, Ihagin nyo basagin nyo wasakin niyo lahat ng gusto nyong wasakin sa loob ng kwarto na yan.
Magpakasawa kayo gawin nyo lahat ng gusto niyo na ayaw ninyong ipakita sa lahat ng tao. guwag kayong mag alala walang makakarinig sa inyo, maging ang isa't isa ay hindi ninyo maririnig pag nakapasok kayo sa loob ng kwarto na yan." mahabang paliwanag ni kevin sa dalawa.
Bago pa man niya lisanin ang kinaroroonan ng dalawa ay nagpaalala itong muli sa kanila.
"Meron lang akong dalawang kundisyon," seryosong sabi nito.
"Spill it," atat na sabi ni odie.
"Don't hurt your self intentionally and second Wag kayong lalabas ng hindi pa kayo okay," seryosong sabi nito na ikinatuwa ng dalawang magkapatid.
Pumasok ang dalawa na puno ng galit ang buong pagkatao nila, Dahil sa mga babaeng minahal nila sa sandaling panahong nakasama at nakabonding ang mga ito.
Sa di kalayuan ay pinapanood lamang ni Kevin ang dalawang kapatid na animo'y walang kapaguran na naglalaro lamang sa loob ng kaniliang silid.
"Sir kevin, Luto na po ang barbecue pwede na po kayong kumain." malambing na sabi ng katulong sa boss nito.
"Look at them, I miss the day na nagbabatuhan kami ng mga unan pag di kami makatulog sa gabi, Ngayon nagbabato na kami ng mga plato pag di kami makatulog dahil sa babae," Mahinang sabi ni kevin sa kanyang sarili habang kumakain ito ng inihaw.