Nang matapos ang dalawa sa kanilang ginawa, Tinungo nila ang kinaroroonan ni kevin, Kung saan nagbabasa ito ng isang libro habang umiinom ng wine at kumakain ng barbecue.
"How are you GUYS!? Kala ko nakatulog na kayo sa loob eh," pabirong tanong nito sa dalawa at inabutan ng tig isang wine glass at sinalinan ang mga ito ng wine.
"This is awesome dude! how do you know this thing?" hangang sabi ni oliver sa kapatid na si kevin.
Napangiti naman si kevin at napatingin sa kawalan.
Bago pa man siya mag kwento isang malalim na hinga ang hanyang pinakawalan at nagsimula ng mag kwento sa mga ito.
"Someone thought me that this is working, Then she ask me to try it. Tapos nung narealise ko na effective siya, Nagpagawa ako ng rest house ko sabi ko, Magpapalagay din ako ng isang kwarto na para lang sa ganyan, Para kapag puno na ng galit ang puso ko dito ko lahat ibubuhos ang galit ko, Atlist hindi ako nakakasakit ng ibang tao." seryosong sagot ni kevin sa kapatid nito.
Kita sa mga mata ng dalawa nitong kapatid ang pagkahanga sa kapatid nito, Bagamat nabuhay man ito ng magisa sa ibang bansa, Di hamak na mas malawak ang pang unawa nito pagdating sa ganitong bagay sa kanilang apatu89 sabay tawa nito kay odie na naging seryoso sa usapan.
"Kala ko dahil sa anesthesia kaya ka naging ganyan, Sayang papasaksakan ko na din sana ito si kuya odie," Patawang sabi ni oliver habang nagpupunas ito ng kanyang mukha.
"Bakit ako, diba dapat ikaw,?" Sagot ni odie at nagawa pa nitong ihampas kay oliver ang towel na hawak nito.
"Ah ganyan pala ang gusto mo ha, Tara dito!" giit ni oliver sa ginawa ng kuya nito at hinabol din ito ng tawel upang maihampas rito.
Nag habulan ang mga ito sa malawak na bakuran ng bahay ni kevin,
Nang maabutan ni oliver si odie ay pinagtulungan nila ito ni Kevin para buhatin papunta sa pool.
Hindi nila alintana ang lakas ng ulan. Basta ang alam nila, Masaya sila na parang mga bata na naghahabulan sa gitna ng lakas ng ulan.
Nang makarating sila roon ay inihagis nilang dalawa si odie, Dahilan upang makainom ito ng kaunting tubig galing sa pinaghulugan rito.
"F*ck! Trip niyo ba ako? Hindi niyo manlang ako binigyan ng chance mag hubad ng soot ko?" inis na sabi nito. At pinagtawanan naman siya ng dalawang kapatid.
Pinaka ayaw kasi ni odie ay ang nababasa ang kanyang damit na nakasoot pa sa kanya. Naiirita siya sa tuwing dumidikit ng mahigpit ang tela ng damit nito sa katawan niya, Para daw siyang niyayakap ng mahigpit na parang hindi siya makahinga.
Dagdag pa noon ay pakiramdam din niya ay basang basa siya ng pawis sa ganoong sitwasyon.
Pagkasabi niya noon ay bigla niyang,
Narinig ang mga hagikgikan sa di kalayuan malapit sa kinaroroonan nilang magkakapatid.
Napansin rin niyang natawa sa kaniya ang mga babaeng kasambahay roon, Na kanina pa nanonood sa kanila at kinikilig-kilig pa sa tuwing nahahapyawan ng tingin ng mga nagagwapuhang mga binata.
Nang mapunta ang paningin ni odie sa likod ni kevin ay hindi nito maiwasang mapangisi rito.
Napansin naman iyon ni kevin kung kaya ay napalingon si kevin sa kanyang likuran.
Ngunit bago pa man ito makaharap, Napatalon siya sa lakas ng pagkakatulak sa kanya ni oliver.
"DAMN!" Sigaw nito kay oliver na tawa ng tawa.
Humagalpak ng tawa ang dalawa nitong kapatid dahil sa itsura ng kanilang kapatid na si kevin.
Sa haba ng buhok nito na hanggang balikat na bumagay naman sa kanya. Ngunit nagmukha siyang si sadako ng umahon ang kanyang mukha na natatabunan ng makapal at maiitim na buhok nito.
"Kuyaaaaa! Akala ko ba kakampi kita! Kainis ka!" sigaw ni kevin at lumangoy paahon upang habulin ang kuya nito,
Sumunod rin si odie na hindi magpapatalo sa paghuli sa kapatid nito.
"Hindi patas, Ikaw nalang ang kulang oliver!" pananakot ni odie kay oliver.
Masayang nagtatanggal ng problema si odie kasama ang kanyang mga kapatid sa rest house na binili ng kapatid sa buong magdamag.
Ngunit sa kabilang banda.
Habang si Alyssa naman ay hindi mapigilan ang sarili sa pagiyak habang naghihintay sa labas ng emergency room.
"Yssa, Magbantay ka nalang muna dito ha, Uuwi muna ako para kumuha ng ibang mga gamit ni nanay.
Tutulungan ko lang si tatay na maghanap ng paraan para may maipangbayad sa hospital. Tawagan mo agad ako pag may resulta na." Paalam ni mike sa kapatid nito na walang tigil sa pag iyak, Tango lamang ang isinagot ng dalaga sa kanya.
Lumabas ng hospital si mike ng hindi alam kung saan mag sisimulang makahanap ng paraan.
Dahil sa biglaang pagdala sa hospital ng kanilang ina, Ay wala ng natira sa savings ni mike.
Dahil ang lahat ng kanyang naipon ay iyon ang ginawa niyang pambayad upang maipasok agad sa hospital ang kanyang ina, At upang masimulan na ang ilang mga test na kakailanganin ng kanyang ina.
Lumipas ang apat at kalahating oras ay nagawa ng makatulog ni alyssa sa tagal ng paghihintay, Nagising lamang ito ng gisingin siya ni mike.
"Ku-ya mike" malungkot at paos na tawag ni alyssa sa kuya nito.
Kasabay ng pagdating ng kuya niya ay ang paglabas ng Doctor dala ang impormasyon patungkol sa kanilang ina.
"Doc, Kamusta po si nanay?" Namamaos na tanong ni alyssa habang nakatitig lamang na naghihintay sa sasabihin ng doctor.
"Sorry to say, Pero kaylangan ng operahan ng pasyente sa lalong madaling panahon, She's suffering brain cancer stage 3 at iyon na lamang ang nakikita kong tanging paraan upang maisalba ang buhay ng inyong ina." Mahinang sabi ng doctor na kumunsulta kay aling Emily.
Isang masamang balita ang nagpaguho sa mundo ng dalawang magkapatid.
Napasabunot si mike dahil sa narinig patungkol sa kalagayang ng kanilang ina.
Si Alyssa naman ay hindi na napigilang umiyak sa tabi ng kuya niyang nakaupo sa sahig habang nakayuko.
Matagal itinago iyon ni aling emily sa kanyang mga anak, Dahil sa kagustuhan nitong makatapos ng pag aaral ang dalawa nitong mga anak tiniis na lamang niya ang sakit.
Dahil sa walang trabaho ang asawa nito nung mga panahong nakakaramdam na siya ng mga sintomas ng sakit, Kinailangan niyang maglako ng kanyang mga paninda upang may maipadala sa anak nitong nag aaral sa malayo.
Nang dahil sa sitwasyon nilang iyon, Minabuti na lamang niyang ilihim at magpanggap na maayos, Upang hindi mag alala ang pamilya nito at para narin hindi huminto sa pag aaral ang dalawa nitong mga anak.
"Naglihim si nanay satin kuya," malungkot sa sabi ni alyssa ngunit niyakap lamang siya ng kanyang kapatid sa halip na sagutin ang sinabi ng kanyang kapatid.
Dahil sa hindi rin niya alam kung ano ang dahilan ng kanilang ina kung bakit niya inilihim ang malalang sakit niya.
"Doc, Nasa magkano po ang kakaylanganin para masimulan ang operasyon?" mangiyak-ngiyak na tanong ni alyssa sa doctor.
"Limang milyon, Ang estimated bill para sa lahat ng kakaylanganin ng iyong ina, Dahil sa nasa stage 3 cancer na ang inyong ina ay mas lalo tayong mahihirapan kung patatagalin pa natin ang kalagayan niya, At pag umabot iyon ng stage 4.... Hindi ko na masasabi kung maisasalba pa namin ang pasyente. Dahil sa ganitong stage ay maswerte na lamang ang makakalagpas sa traydor na sakit na ito."
"Maiwan ko na muna kayo, Pasensya na," sabi muli ng doctor at lumakad na ito papalayo.
Nanlambot si Alyssa sa kanyang narinig dahil sa laki ng perang kakaylanganin ng kanyang ina.
Pilit pinapakalma ni mike ang kapatid ngunit hindi nito magawa, Sapagkat maging siya ay hindi mapigilan ang sariling hindi maiyak sa nangyayaring iyon.
"Kuya, Saan tayo kukuha ng ganoon kalaking halaga," tanong ni alyssa sa kuya nitong wala ring maisip kung sino ang lalapitan.
Magmula kasi ng gabing dinala nito si Hazel sa bahay nila, Bigla nalang iyong nagmadaling umuwi ng makatanggap ng tawag mula sa mga magulang nito. Kaya kahit na malakas pa ang buhos ng ulan ay pinilit nitong umuwi sa kanila.
Nagpaiwan na lamang si mike sa bahay ng kanyang mga magulang pagkaalis ng nobya nito ay naghintay siya na tumila-tila ang ulan upang magpasundo na lamang kay alyssa sa bahay nila.
Nang mapansing humihina na ang ulan ay tinawagan na niya si Alyssa upang sunduin siya rito.
Matapos makausap si Alyssa ay tinawagan naman nito si hazel upang makasiguradong nakauwi ito ng maayos, Ngunit ng subukan niyang tawagan ay nakapatay ang cellphone nito.
Hindi niya matawagan ang nobya sa hindi malamang dahilan.
Hindi naman pwedeng magmula ng ipakilala niya ang kanyang magulang rito ay nagbago na ang pagmamahal nito sa kanya.
Dahil alam naman niyang kapatid nito si Alyssa at matagal na siyang malayang nakakapunta sa bahay ng mga ito.
"Anong dahilan? bakit naka off nanaman ang phone mo hazel?" kinakabahang tanong ni mike habang papalabas ng hospital.
Sinusubukan din tawagan ni alyssa si hazel ngunit maging sa kanya ay hindi rin niya matawagan ang kaybigan.
"Ang weird hindi naman nagpapatay ng phone tong si hazel." Sambit niya sa kanyang sarili na hindi na alam kung ano pa ang gagawin.
Dumating ang kanyang ama sa hospital at pinauwi na muna siya upang makapagpalit ng damit at makapagpahinga.
Pumayag naman si Alyssa upang makatulong naman siya sa paghahanap ng pambayad sa hospital upang mabuhay ang kanilang ina.
Nang makarating ito sa condo ay naligo na agad siya at nag ayos upang makapasok sa pinagtatrabahuhan nito.
Nakarating siya sa opisina ngunit nagkakagulo ang mga tao sa loob ng building. Nilapitan niya si Divina upang malaman kung ano ang dagilan.
"Baks anong nangyayari rito?" tanong ni alyssa habang inaayos ang kanyang buhok.
"Nasaan ka ba alyssa one week kang hindi pumapasok." sabi nito sa dalaga.
"Off ko baks, Diba one week din wala si hazel? kaya off ko." Sabi nito kay divina na nakalimutan ang schedule ni alyssa sa opisina nito.
"Ay oo nga pala." sambit nito at napangiti na lamang.
"So ano nga nangyari dito beks? paulit-ulit na ako dito," tanong muli ni alyssa at ibinagsak ang isang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa bewang nito habang ang itsura naman nito ay nakataas ang mga kilay. Habang naghihintay ng sagot ng kausap.
"Grabe ikaw lang ang kaybigan na hindi alam ang nangyayari sa kaybigan." Sagot nito at bumuntong hiniga pa na nakapagpabitin kay alyssa.
"Sasabihin mo ba o isisigaw ko dito ang nangyari ning cristmas part..." Hindi na natuloy ni alyssa ang kanyang sasabihin dahil agad tinakpan ni divina ang kanyang bibig.
"Oo na sasabihin na nga ikaw madaldal ka talaga, Yan nanaman yang blackmail effect mo eh." Biglang sabi nito na pinandidilatan pa ng mata ang dalaga.
"Yung father kasi ni mam hazel nalaman na may boyfriend, Hindi daw gusto ng mga magulang ni mam hazel kaya ngayon naibenta na ang kumpanya," Tuloy-tuloyna savi ni divina kay alyssa.
"Ang bilis nga kahapon lang ibinenta may bumili agad kahit na ang laki ng utang ng kumpanyang ito binili padin. Sobrang yaman naman nun, Pero balita ko rin Gwapo raw yung bagong may ari ng kumpanya." dagdag pa nito at sobrang mas naging interesado sa bagong boss nito.
" Pero pano tayo? ibigsabihin ba nito lahat tayo papalitan rin? " kinakabahang tanong ni alyssa rito sabay hawi ng kanyang takas na buhok sa kanyang mukha.
" Nako hindi dai! Ang bait din kasi walang ni isang tinanggal dito satin. Pero balita ko strikto daw, " dagdag pa ni divina sabay kuha ng mga documents sa kanyang lamesa at pumunta na sa kanyang table.
"Sige pasok na ako, Madami pa akong aasikasuhin ayokong mapagalitan," paalam nito kay alyssa.
Matapos ang usapan nila ay agad niyang tinawagan ang kanyang kuya upang ibalita ang nangyari sa kumpanya ng nobya nito.
"Kuya? Alam mo na ba yung nangyari?" bungad na tanong ni alyssa sa kuya nito. Ngunit hindi na nito tinuloy pa ang sasabihin dahil naririnig niya sa kabilang linya ang mahinang paghikbi ng kanyang kapatid.
"Kuya? okay ka lang ba?" Tanong ni alyssa sa kapatid nito.
"Okay lang ako yssa! Alam ko na lahat, Mag focus nalang siguro muna tayo kay nanay bago ko ayusin yung samin ni hazel." garalgal na bosses ang naririnig ni alyssa mula sa kanyang kausap sa kabilang linya.
Agad namang nag alala si Alyssa para sa kapatid nito. Ibinaba na ng kuya nito ang tawag kung kaya ay nagpatuloy na pumasok sa kanyang opisina si Alyssa.
Gustuhin man niyang damayan ang kanyang kuya ngunit hindi niya magawa, Sapagkat nangingibabaw ang pagkadesperado nilang makaipon para sa pagpapagamot sa magulang nila.
"Sorry kuya," bulong nito habang hawak ang cellphone palakad at nagpipigil na maiyak.
"Hello? Mr.Tomas kamusta yung kumpanya nabili mo na ba?" Seryosong tanong ni odie sa kausap nito na pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng kanyang negosyo.
"Sir odie! Goodnews hindi tayo nahirapang mabili ang kumpanyang gusto mo, Okay na ang lahat kaylangan lang po ninyong pirmahan ang ilang mga documents upang mapasayo na ang kumpanya." paliwanag ng kanang kamay nito sa kanya.
"Okay Good! wala ka talagang kupas Mr.Tomas! Pakipadala mo nalang sa opisina ko ang mga kaylangan kong pirmahan at bukas na bukas din bibisitahin ko na ang bago kong opisina." masayang sabi ni odie rito at napahigop ng mainit na kape na parang hindi napapaso sa init nito dahil sa galak.
" Oh kuya odie mukhang masaya tayo ah. " Pagbiro ni oliver kay odie.
" May pinaplano tong masama, " Sabi ni kevin sa kuya nito at pinagpulupot ang mga braso at seryosong nakatingin sa kuya nito.
Sa kanilang magkakapatid tanging si kevin lamang ang kayang bumasa sa kilos ng isang tao kung ito ay may binabalak na masama o mabuti.
Kung kaya ay bago pa niya malaman kay odie ang kanyang pinaplano ay alam na nito.
"Bakit mo naman nasabi yan! hindi ba pwedeng masya lang?" Sagot ni odie sa kapatid nito at sinuklay pataas ang kanyang buhok gamit ang kanyang isang kamay.
"Paanong wala! ikaw ba naman bumili ng kumpanyang naghihingalo na sa dami ng utang hindi ka ba manghihinala don?" Sagot nito na kinagulat ng dalawa nitong kapatid.
"Paano mo nalaman? Anyway kaya kong buhayin ang kumpanyang iyon tiwala lang." sagot nito sa kapatid.
"Talaga kuya odie? bumili ka ng ganong kumpanya?" hindi makapaniwalang sagot ni oliver kay odie.
"mhhmmm? Wala namang problema doon, Dyan ko mapapatunayang magaling din ako sa negosyo.." At tumawa ito ng malakas sa sobrang saya.
"Teka may negosyante bang paluge ang gusto? ikaw lang ata yun kuya unless, You want to own the whole company even the Worker?..... sssss?" Matapos sabihin iyon ni kevin ay natawa si Oliver at kevin pabiro naman siyang binato ni odie ng apple ngunit nasalo naman iyon ni oliver at deretchong kinain iyon.
" Ang sweet kuya ahh" biro pa ni oliver dito.
Natawa ang lahat sa sinabi ni oliver habang si odie naman ay exited ng mag umaga ulit upang bumalik sa realidad.
"Paki kuha ang alak at magsasaya tayo magdamag sagot ko!" kasabay noon ay nagtayuan ang lahat upang pagdikit dikitin ang kanilang mga tasang may lamang mga kape.
Inabutan na ng gabi ang mga magkakapatid ngunit hindi parin sila tapos sa kanilang iniinom pareparehas silang parang hindi tinatamaan ng kalasingan.
Kaya ang celebration na dapat ay masaya ay nauwi sa seryosohang usapan.
Alam ng mga ito ang kwento ni alyssa at ni odie, Ngunit ang hindi lang nila alam ay ang sinasabing bagong karelasyon ng dalaga,
Na nakita ni odie na kasama ni alyssa sa bahay nito.
Napag usapan rin nila ang buhay ni oliver at ng babaeng nangiwan rito at nanloko pagkatapos siyang pasayahin at paasahin ng ilang taon.
Bigla naman itong nag iwan ng mapait na alala sa kanya na kahit kaylan ay hindi niya makakalimutan sa kanilang nakaraan.
Ang bukod tangi na tipid na nagkwento ay si kevin kakaunti lamang ang kanyang nakwento ngunit lahat ng iyon ay talagang nakakainggit para sa mga makakarinig ng kanyang kwento.
Isang kwentong walang lamangang pagmamahal ngunit sa huli nagkahiwalay rin.
"Mga kuya, Bukas nga pala" Sabay lagok ng alak na nasa baso nito "I need to go to California for some business meeting," dugtong nito sabay salin muli ng chivaz regal sa kanyang baso.
"Business meeting o love meet... iiiinnnnggg?" biro ni odie at nag apiran ang dalawa...
"Nahanap mo na ba ang mami ng buhay mo?" pangungulit ni oliver na mukhang tinatamaan na sa kanilang iniinom
"Basta mga kuya, Pag nahanap ko na sya iuuwi ko na siya dito at pangako pakakasalan ko na siya agad." disididong sagot ni kevin sa tanong ng mga ito.
"Buti pa siya nagtataguan lang, Tayo kuya odie nagbubulagbulagan lang... Hahaha" Hagalpak na tawa ni oliver sa kanyang sinabi at inakbayan ang kuya nito.
"Matulog na tayo pareparehas tayong may dapat ayusin bukas, Ikaw oliver lasing ka na ipapahatid na kita sa room mo." Sambit ni odie na malalim pa sa gabi ang iniisip.
"Basta kuya pagkaylangan mo ng tulong ko sabihan mo lang ako," Sabi ni kevin sa kanya sabay tapik nito sa balikat ng kanyang kuya sabay talikod nito.
Hindi pa man nakakalayo si kevin ay nagsalita si odie rito.
"Salamat, Pero alam ko pag akin ang isang bagay kahit iwan ko pa ito ng matagal akin parin ito at walang makakaagaw, Di ko siya susukuan tulad ng ginagawa mo sa babaeng mahal mo." seryosong sabi ni odie at tumayo na din sa kanyang kinauupuan at lumapit sa kapatid nito na nakatayo lamang.
Nang magkatabi sila ay hinawakan ni odie si kevin sa balikat nito.
" Good luck satin bro, " sabay ngiti nito habang papalayo.
"This house is always open if you want" pagkasibi ni kevin ay nakita na lamang nito ang pagtaas ng kamay ng kuya nito papasok sa kwarto nito, Bilang pagsangayon sa sinabi ng kanyang kapatid.
Pagpasok ni odie sa kwartong ibinigay sa kanya ng kapatid ay nilagok muna ang laman ng kanyang baso at binuksan ang kanyang cellphone at tinignan ang letrato ni alyssa na ipinadala sa kanya ng panahong pinapahanap niya ang dalaga.
Naka office attire at mala anghel ang awra ng mukha ng dalaga habang ito ay nagsusukat ng sapatos sa isang department store.
"Your still looking good alyssa malapit na kitang makita muli, Tapos na ang pagpapahiram ko sayo sa ibang tao, Oras na para ako naman ang makinabang sa taong dapat ay akin lang. Mahal kita pero sorry dahil kaylangan muna kitang parusahan dahil sa sakit na pinaramdam mo... "