Maagang umalis si Odie sa bahay bakasyunan ng kapatid nito.
Dala niya ang sasakyan ng kapatid pabalik ng manila, Dumeretcho ito sa Condong kanyang binili ng siya ay makabalik sa pinas.
Pagkarating nito ay masaya itong tinungo ang malawak na comfort room na may sariling jacuzzi sa loob nito.
Matapos niyang maligo ay naglakad na ito sa kanyang walking closet, Tumambad sa kanya ang mga mamahaling gamit niya na galing pa sa iba't-ibang bansa na kanyang napuntahan.
Paalis na dapat si odie ng biglang tumunog ang cellphone nito sa kanyang bulsa.
(Unknown Number)
"Hello?" sagot nito at humarap muli sa salamin upang tignan ang sarili kung maayos na ba ang kanyang soot.
"Yes? Mr.Tomas?" bati nito sa masayang bosses nito.
"Sir. Okay na lahat pwede mo ng bisitahin ang kumpanya lahat ng empleyado roon ay binigyan na rin ng chance mag file ng Resignation letter para malaman na din natin kung magdadagdag tayo ng mga tauhan," mahabang sagot nito kay odie na nakikinig lamang habang pasakay ng elevator.
"Okay good Mr. tomas see you on my new company." Masayang sabi nito.
"But sir...." Habol ni Mr. Tomas sa kanya ngunit hindi na nito natuloy dahil binabaan na siya agad ng tawag ni Odie.
Habang binabaybay ni odie ang kahabaan ng daan papunta sa opisina ay naabutan ito ng traffic, Ngunit hindi nito pinansin ang oras kahit na siya ay malate sa unang araw nito sa bago niyang company.
Habang nag hihintay na mag go sign ang stop light, Napansin niya si Alyssa kasama ang kuya nito na naglalakad sa gitna ng pedestrian lane.
"What The! Ano ginagawa niyan dito! ganyan ba ang top 1 employee? late? tapos nakikipaglandian dito sa gitna ng traffic?" Inis na sambit nito sa loob ng sasakyan.
Nakita niyang inakbayan ni mike si Alyssa habang patawid at humawak naman si Alyssa sa bewang ng kuya nito.
Lalong nagalit si odie sa kanyang nakita.
"May paakbay akbay ka pang nalalamang kupal ka! di hamak naman na mas gwapo ako sayo!" Sigaw ni odie sa inis nito. kung kaya ay suntok niya ang busina ng hindi sinasadya.
Napatingin sa kanya ang ang lahat ng tao dahil sa lakas ng busina nito.
Mabuti na lamang ay hindi siya kita sa loob, Dahil sa sobrang itim ng kulay ng windshield at mga bintana ng sinasakyan nito.
"Damn! Bakit kasi sobrang traffic dito! Mag Go! ka na!" anas na sabi nito, Kung kanina ay parang napakabilis ng oras para sa kanya dahil sa saya nito, Ngayon naman ay para na itong sinasapian sa sobrag inip nito sa loob ng sasakyan.
Nang makarating na siya sa companya ay agad nitong pinuntahan ang bago niyang opisina.
Ibinalibag nito ang kanyang hawak na document para sa ibang negosyo.
"F**k Alyssa talagang pinapakita mo pa talaga sakin na bigo akong maging akin ka, Hindi ka manlang nahiya pinapakita mo pa talaga sa mga tao kung gaano ka kasaya kasama yang lalake na yan!" sigaw nito at sinuntok pa ang pader dahilan upang magkasugat ito.
"Gusto mo ng laro ha, Sige pagbibigyan kita," sabi pa nito sabay ayos ng kanyang sarili.
"Mr.Tomas Come to my office and give to me all the names of our employees right now!" sambit nito sa kausap, Agad naman iyong sinunod ng kausap kung kaya ay ilang minuto lamang ay nasa harapan na niya ang lahat ng kanyang kaylangan.
Nagtaka si odie ng may mga papel na mga nakabukod, Nang unahin niyang tignan iyon ay nakita niya na kasama sa nakahiwalay ang papel ni alyssa.
"Mr.Tomas What is this for?" takang tanong niya habang nakatingin sa mga papel nito.
"Sir, Yan po yung dapat na sasabihin ko sa inyo kanina kaso pinatayan mo ako bigla ng phone so hindi ko na nasabi agad" Paliwanag nito kay odie na madilim ang pagkakatingin sa kanya.
"So para saan nga ang mga ito?" Nagulat si mr.Tomas dahil sa pagsigaw sa kanya ni odie.
Kaya nabitawan nito ang ilang mga papel na may mga pirma ng mga empleyado na nag file ng resignation form.
"Sir. Yang mga pangalan po na nakahiwalay, Sila po yung mga nagpasa ng resignation letter for money" paliwanag nito ng mabawasan ang galit ng boss niya.
"Give me all the details bakit nila kaylangan umalis at piliin ang pera kesa sa trabaho nila." mahinahong sagot ni odie, At naupo na sa swivel nito.
"Excuse po sir" Sagot ni mr. Tomas sa kanya.
Tango lamang ang nasagot ni odie sa kanya, Pagkalabas ni Mr.Tomas sa opisina nito, Ay niluwagan niya ang kanyang kurbata at itinupi hanggang siko ang sleeve ng kanyang soot na puting polo.
Umabot ng isang oras bago maibigay sa kanya ang Reason for resignation paper.
Matapos iabot kay odie ang kaylangan nito ay agad rin naman itong nagpaalam upang makalabas na.
Pagkalabas ni Mr.Tomas ay hinanap na nito agad ang papel ni alyssa.
"Gatcha!" sabi nito sa sarili.
Nang mabasa nito ang nilalaman ng papel ni alyssa ay biglang nanlaki ang mata nito sa nalaman.
"Sinong nasa hospital?..... Bakit kaylangan niya ng ganong kalaking pera?" magkasunod na pagtatakang tanong ni odie, Habang hawak ang sagot sa tanong niya kung bakit tinanggap ni alyssa ang bigay ng kumpanya.
"Hello Detective Sandoval may ipapatrabaho ako sayo puntahan mo ako dito sa office ko, Isesend ko sayo ang address, Ngayon na Salamat" agad na tinawagan niya ang private investigator nito.
Matapos maibaba ang tawag mula sa kabilang linya, Bigla namang may kumatok sa pinto nito.
"Come in" pag papatuloy nito.
"Sir, May bisita po kayo, Siya po yung dating may ari ng kumpanya gusto lang po kayong makilala." Sagot ng secretary nitong kulang nalang ay mag hubad na sa harapan nito, Dahil sa sobrang iksi ng palda at tila isang butones na lamang ang hindi pa pumipirma, Luluwa na ang hinaharap nito sa kanya.
"Okay papasukin mo... And what's your name again?" tanong ni odie habang nakasalubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kanyang bagong secretary.
"Sir, Stacy po, Bakit po?" mapang akit na sagot nito habang niyayakap ang kanyang sarili.
"Wala naman, Para lang alam ko ang mga pangalan ng dapat kong paalisin sa kumpanyang to." pagkasabi non ni odie ay mabilis na lumabas si stacy ng opisinang iyon.
Naupo muli si odie sa kanyang swivel at itinalikod iyon, Kasabay nito ay ang pagsandal nito.
Narinig niya ang ilang mga katok at pagbukas ng pinto.
"Hi. Mr.De'Chavez, Thank you for allowing me to meet you before I'm leav..." Hindi na natapos ni hazel ang kanyang sasabihin dahil sa gulat sa lalaking kaharap nito.
"Hazel?" gulat na tanong ni odie,
Kilala ni odie si Hazel dahil sa ito lamang ang nag iisang kaybigan ni alyssa mula noon hanggang ngayon.
"Holy Cow! ODIE? how have you been? Ibang iba ka na ngayon, Teka alam na ba ito ni yssa?" sunod sunod na sabi ni hazel.
"No! she didn't know that im back please," Sagot ni odie kay hazel.
"Okay sige, Pero yayamanin ka na ha! ang tagal mong nawala, Alam mo bang hinahanap ka ni alyssa?" sambit ni hazel sa binatang kaharap nito.
"Talaga? hinanap nya ako? Bakit naman ako hahanapin non may nagpapasaya na sa kanya," sagot ni odie na parang gusto nitong malaman ang ilang kasagutan sa mga tanong niya.
"Ano ka ba matagal na silang..." Hindi nanaman natapos ni hazel ang kanyang sasabihin dahil sa tumawag na ang kanyang magulang dahil sa mahuhuli na sila sa flight nila going to hawaii.
"Wait! hindi pa tayo tapos mag usap," pagpigil nito sa dalaga.
"Basta odie, Alagaan mo si Alyssa tulad ng pag aalaga at pag protekta ko sa kanya bilang isang tunay na kapatid. Madami kang kaylangan malaman na hindi dapat sakin manggaling. Hindi ko na sila macontak pero alam ko parin ang mga nangyayari sa kanila, Hindi ko sila matulungan hinold nila dad ang lahat ng meron ako, Pag nagkataon odie pakiusap gusto ko ulit makausap ang best friend ko please "
Nagmamadaling sabi ni hazel, At mukha namang naintindihan lahat iyon ni odie kung kaya ay sumang ayon nalamang ito.
" Mauna na ako odie thank you, Ngayon kampante na ako na nasa mabuting kamay ang kumpanya ko. " sabi pa nito.
" Sige hazel wag ka mag alala ako na bahala sa kanila, magkikita rin kayo ni alyssa promise," mabilis na sagot ni odie rito at kinamayan na ito bilang pagkakasundo.
Umalis si hazel ng walang ibang nakakaalam kila alyssa, Tanging si Odie lamang ang pinagsabihan nito, Kung saan siya pupunta at ilang mga dahilan kung bakit ito hindi makapagpaalam sa pamilya ng kaybigan.
Mag gagabi na ng makausap ni odie si Detective Rowel upang pag usapan ang mga bagay na gusto nitong ipagawa rito.
"Gusto kong malaman, Kung sino ang pinupuntahan ni Ms.Alyssa Marie Reyes sa Hospital and give me the details" utos nito at nagbigay na ng kalahati sa paunang bayad nito.
Alas dos na ng umaga ng matapos ni odie ang ilang mga kaylangan ayusin sa kumpanyang iyon.
Bago umuwi ay dumaan ito sa isang convenient store na di kalayuan sa tinutuluyan nito, Upang bimili ng inumin nito pampatulog.
Nang makabalik sa sasakyan nito, Nakita niyang naglalakad si Alyssa mag isa papunta sa pinuntahan nito.
"Teka Anong ginagawa niya rito, Alas dos na gising pa siya?" Sambit nito habang sinusundan ng tingin ang dalaga.
Napansin din nito na naka magkaiba ang suot na tsinelas nito at kita ang makikinis at mamulamulang legs ng dalaga.
"Fa*k Please ilayo nyo ako sa tukso ng babaeng to, Baka hindi ako makapagpigil bigla ko nalang siyang pakasalan!" gigil na sabi nito sa sarili habang kagat ang mapupulang labi nito.
"Bakit mag isa lang siya, Wag mong sabihin na pinapabayaan siya ng boyfriend niya na lumabas ng ganyan siya," antok na ngunit tiniis ni odie iyon hanggang sa makauwi ng ligtas ang dalaga.
Laking gulat na lamang ni odie na nasa tapat lamang ng pinasukang condo ni alyssa ang building ng condo niya, Kung kaya ay mas lalong ginanahan si odie na sundan pa lalo ang dalaga hanggang sa makapasok ito sa unit niya.
"Teka kung umalis na siya sa trabaho, Saan niya kukunin ang ipangbabayad niya rito. Mukhang mayaman naman ang boyfriend niya bakit hindi siya tulungan sa hospital kung sino man andun, Bakit kaylangan siya pa ang mag sacrifice." muling sabi ni odie sa sarili habang nag mala Detective na siya kakasunod sa dalaga.
Hindi na makapag hintay si odie sa sasabihin sa kanya ng detective, Kung kaya ay hinintay na nitong magumaga at sundan na lamang si Alyssa hanggang sa hospital na kanyang binibisita.
Makalipas pa ang dalawang oras na paghihintay ay nakatulog na si odie sa sasakyan nito, Hindi na niya nakita kung nakaalis na ba ang dalaga.
Sa sobrang inis nito dahil bigo siyang sundan si Alyssa ay minabuti na lamang nitong pumasok na lamang sa kwarto nito at magpahinga ng maayos.
Ngunit bago pa man siya makahiga, Biglang tumawag ang si Mr.Sandoval.
"Sir.Ipinadala ko na po dyan sa unit nyo yung mga detalye na gusto ninyong malaman, Hindi ko na po sasabihin dito sa tawag baka may makaalam pa." Sambit nito sa binata.
Hindi na nahintay ni odie na patayin ang tawag mula rito, At natulog na siyang muli dahil sa matinding antok at pagod.
Mainit at mausok sa kalsadang nilalakad ni Alyssa papunta sa hospital, Upang bisitahin ang kanyang inang kakagising lamang mula sa mahabang pagkakawalang malay nito.
"Ma! Anong nararamdaman mo? okay ka lang ba wala bang masakit sayo? pwede ka na daw bang bumangon? Teka kakausapin ko lang ang Doctor," tarantang sabi ni alyssa sa kanyang ina kasabay ang pagpatak ng mga luha niya, Dahil sa sobrang pag aalala nito.
"Anak wag na okay lang ako, Malakas na ako pwede na nga tayong umuwi, Tara na uwi na tayo, Gusto ko ng magpahinga ng maayos." Sunod sunod na sabi ng ina ni alyssa sa kanya upang hindi na mag alala pa ang anak nito.
"Ma, Hindi mo na kaylangan magsinungaling pa, Hindi yan makakatulong satin, Alam na namin ang lahat, Nakausap na namin ni kuya ang Doctor," Mahinahong sabi ni alysa dito,At pinipilit na pakalmahin ang sarili para sa kanyang mga magulang.
"Anak sorry, Sorry kung naglihim ako, Gusto ko lang naman na maging maayos ang buhay ninyo ng kuya mo, Ayoko lang din naman na maging dahilan upang masira ko ang mga pangarap nyo." Mangiyak ngiyak na sabi ng ina ni alyssa sa kanya. Agad namang pinatahan iyon ng dalaga kasabay ang mahigpit na yakap nito sa kanyang ina.
" Uwi na tayo nak, Mahal na ang babayaran natin dito sa hospital. " pakiusap ng ina ni alyssa sa kanya.
" Okay lang ma kami na gagawa ng paraan ni kuya wag ka na mag aalala, Kami namag ang mag aalaga sa inyo ni tatay, Sa ngayon magpalakas kayo para naman pag naoperahan na kayo makaya nyo.
"Salamat anak, Pangako gagawin ko ang lahat para hindi mauwi sa wala ang mga pinaghirapan ninyo." Sagot ng ina nito at pinunasan na ang mga luha ng anak.
Alas tress na ng hapon ng magising si odie sa kanyang pagkakatulog. Agad itong bumangon ng maalala ang sinabi ng Detective sa kanya.
Pagbukas niya ng kwarto ay nakita niya agad ang sobre sa sahig malapit sa main door nito.
Agad niya iyong binuksan, At tumambad sa kanya ang mga litrato ng dalaga kasama ang kilalang matandang babae na nakahiga sa isang kama ng hospital.
"Nanay to ni Alyssa ah. Bakit siya nasa hospital, Kaya ba kinailangan ni alyssa na ipagpalit ang mahal niyang trabaho para sa ganito?" Pinilit niyang isipin ang kabutihan na ipinakita ng ina ng dalaga sa kaniya ng sila ay nag aaral pa lamang.
Kahit na sila ay bata pa hindi siya tinutulan ng mga magulang nito na bumisita sa dalaga sa halip pa nga ay itinuring pa itong parte ng pamilya.
Isa sa dahilan kung bakit lalong nagustuhan ni odie si Alyssa.
Nang bukas ni odie ang dahilan kung bakit ito nasa hospital ay nanlaki ang mga mata nito, At naawa sa sinapit ng ina ni alyssa.
Gustuhin man niyang bumisita ngunit ayaw niyang magpakita sa dalaga.
Saglit na natahimik si odie upang mag isip ng paraan upang makatulong sa dalaga kasabay ng kanyang paghihiganti rito.
Nang makapag isip ay agad niyang tinawagan ang kapatid nito na si oliver.
"Bro! if ever na mag apply sa company mo si Alyssa, Send her to my other company. Sabi ng Detective sakin ay isa ang company mo sa pag aapplyan niya." pakikisuyo ni odie sa kapatid nito.
"Ahmmm wait bro, Its actually happened right now. She's applying for secretary on my company, Don't worry ako na bahala dito." pagsang ayon ni oliver sa plano ng kuya nito.
"Salamat oliver, Just call me if your done, Papirmahin no na din siya ng contract dyan at babaguhin ko nalang pag nagharap na kami." siguristang sabi nito at nagpaalam na sa kausap upang bumalik na sa pagtulog nito.
"Kuya, May magandang balita ako sa inyo, Bukas pinapatawag ako sa ODC company for interview ito na yun. Mabilis na tayong makakaipon, Balita ko malaki daw magpasahod ang kompanyang iyon, Mas mapapabilis pa ang pag papaopera kay nanay." masayang ibinalita ni alyssa sa buong pamilya ang magandang balita natanggap nito.
"Ako din may magandang balita," Sambit ng binata.
"Ano yun anak?" hindi makapaghintay na tinanong ng tatay nila.
"Pwede na akong bumalik sa canada. Makakapagtrabaho na ulit ako" Masayang sabi nito, Ngunit imbis na matuwa, Lalo lamang nalungkot ang lahat.
"Ano ba kayo, Wag na kayong malungkot, Ayaw nyo ba yun, Mas mapapabilis ang pag iipon natin para sa iperasyon ni nanay," paliwanag nito sa mga iyon.
"Wag na kayong malungkot isang taon lang naman ako doon, Tapos babalik na ako ulit, Mas mabilis lang tayong makakaipon." pangungumbinsi pa nito.
"Nak wag ka nalang kayang umalis, Hindi na ako magpapaopera, Darating din naman tayo dun, Mas gusto ko ngayon magkakasama tayong lahat, Ganito lang masaya," Malumanay na sambit ng kanilang ina.
"Ma, wag ka mag salita ng ganyan, Kaya nga kami magtatrabaho para humaba ang buhay mo, At para matagal tayong magkakasama ng ganito, Ayaw namin ng maiksing kaligayahan lang." inis na paliwanag ni mike sa ina nito.
"Sorry mga anak kung, Dahil sakin mahihirapan pa kayo." sambit muli nito.
"Basta ma, Ang gusto namin ngayon makita kang lumalaban, Gusto namin pagtapis ng lahat ng ito, Wala ng secreto okay ba?" tumango ang ina nito at nagpunas ng luha.
"Mas malala kasi ang nangyayari pag lagi nalang tayong naglilihim sa isa't isa tulad nito, wala kaming kaalam alam na malala na ang sakit mo, Kung nagsabi ka lang agad, Mas maaga sana nating naagapan yan. Hindi ka pa sana lalong nahihirapan dyan sa sakit mong yan. " pangangaral ni mike sa ina niya.
"Wag kayong mag alala kami ng bahala ni alyssa sa mga gagastusin, Pera lang yan, Mas mahalaga ang buhay ng isang ina," malungkot na sabi ni mike at hindi na napigilang maiyak sa harap ng pamilya nito.
"Basta, Walang iwanan ha, Walang susuko, Pagtapos nito magsasama - sama tayo mag pipicnik tulad ng dati ha" masayang sabi ni alyssa habang humihikbi sa pag iyak.
"Miss Reyes, We need to talk to you about the condition of your mother." Pagsingit ng doctor sa usapan nila.
"Okay doc, Susunod na kami," sagot ni alyssa dito.
Nang lalabas na sana si Alyssa nakita nito ang kuya niyang, Kakain pa sana, Ngunit natigilan ito sa kanyang ginagawa ng bigla siyang tawaging ni alyssa upang sumama sa kanya.
"Ano kuya dyan ka nalang ba?" seryosong tanong ni alyssa dito.
"Sabi ko nga sasamahan kita, Sige nay, tay, Bababa lang ho kami baka mawala itong bata kaylangan ko samahan" pabirong sabi ng kuya nito, Narinig iyon ni alyssa kung kaya ay inikutan lamang siya ng mata nito, Dahilan upang matawa ang mga magulang ng mga ito.
"Yssa sandali lang!" Pagtawag ni mike sa kapatid nito, Bigla siyang napahinto sa paghabol sa kapatid nito dahil nakita niya ang kapatid na may kaharap na binatang halos kasing idad lamang nito.
"Anong ginagawa mo dito!" Sabi ni alyssa sa binatang kaharap.
"Yssa please let's talk," pakiusap nito kay alyssa sabay hawak nito sa mga kamay ng dalaga.
"Yssa anong problema dito," tanong ni mike sa kapatid.
Nagulat ang kausap ni alyssa ng magsalita ang kuya nito, Bakas sa mukha ng binata ang takot sa kapatid ng dalaga.
"Ku-kuyyaaaa!...." Utal at gulat na sigaw ni alyssa sa kapatid nito.