"Kuya!" Sigaw ni alyssa, Ng bigla nalang bumulagta sa sahig ang kausap nito.
"Hayop ka! Ang kapal mong magpakita dito! Akala mo ba hindi kita mamumukhaan?" sigaw ni mike sa binata.
" Una si Patricia ngayon KAPATID KO NAMAN!?" galit na sigaw ni mike sa binata.
" Kuya magkakilala kayo?" tanong ni alyssa habang akap akap ang kapatid nito.
" DAVE GOMEZ! Kilalang kilala ko siya yssa, Dahil yang hinayupak na yan ang naging dahilan kung bakit namatay ang girlfriend ko noon" galit na sabi ni mike sa kapatid nito.
"Bakit ako? Kasalanan ko ba na mas piniling sumama ni Patricia sakin kesa sayo.. Ahhh! ?" Sigaw ng binata ng bigla nalang lumapat ang kamao ni mike sa mukha nito.
"Lumayas ka na dito, Baka hindi ako makapagpigil at kung ano pa magawa ko sayo," Mabilis na tumayo si dave at nag iwan pa ito ng salita kay alyssa.
" Alyssa, hindi ako titigil hanggat hindi mo ako pinapakinggan sa paliwanag ko," sabi nito at pinunasan ang dugo sa labi nito.
Nang makalayo na si Dave sa dalawa, Agad naman hinila ni alyssa ang kuya nito papunta na sa office ng doctor ng nanay nila.
"Good afternoon po Doc." bati ni alyssa sa doctor.
"Maupo kayo alyssa," sagot ng doctor sa kanila, Naupo sila sa magkbilaang upuan malapit sa lamesa ng doctor.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Tatapatin ko na kayo. Kaylangan ng ma iset ng operasyon para sa mother nyo, Bibigyan ko kayo ng limang araw para makapag disisyon, Kung ooperahan natin o iuuwi nyo nalang ang mother ninyo at bibigyan na natin ng taning ang buhay ng mother nyo, " malungkot na sabi ng doctora sa dalawang magkapatid.
" Doc, Ba-baka po may iba pang paraan para maisalba ang buhay ng nanay ko, " sambit ni alyssa habang umaagos ang luha nito.
"Sad to say, Pero ayon lang ang nakikita naming paraan para maisalba ang buhay ng pasyente," sagot ng doctor sa kaniya.
"Salamat po doc, Mauna na ho kami" sambit ng kapatid ni alyssa, Sapagkat nakita na nitong hindi na kaya pang makapagsalita ng kapatid, Sa pagpipigil ng pag iyak nito.
Nang makalabas na sila ay dinala ni mike ang kanyang kapatid sa isang parte ng hospital na kakaunti lamang ang taong nagpupunta.
"Alyssa, Anong gagawin natin? Sasabihin paba natin kila nanay ang tungkol dito?" tanong ni mike sa kapatid nito.
"Natawagan mo na ba si Hazel?" tanong nito sa kuya niya.
"Hindi pa nga, Nag aalala na ako kung napano na sya, Isa pa yan sa pinoproblema ko, Baka napano na si hazel," Malamyang sabi ni mike sa kapatid nito.
Pareho silang walang maisip na paraan, Para malagpasan ang matinding problema ng kanilang pamilya.
"Hayaan mo kuya, Gagalingan ko sa interview ko bukas, Para ako ang mapili nila, At pag nangyari yon, Susubukan ko mag loan agad sa kumpanya na iyon, May nagsabi kasi sakin na katrabaho ko na malaki daw magpaloan ang kumpanya na iyon sa mga empleyado nila. " Buong pag-asa at Buong kumpyansa sa sarili ni alyssa na makakapasa siya sa kumpanyang tumawag sa kanya.
"Sana nga alyssa, Para naman matapos na natin tong problema nating ito." Nakahinga ng maluwag ang kuya ni alyssa sa sinabi nito, Matapos ang usapan niyang iyon ay naupo muna sila sa isang parke bago bumalik sa kwarto ng kanilang ina.
Samantalang si Odie ay hindi makapaghintay na mag umaga para sa interview niya para kay alyssa.
"I have plan, A lot of plan, Pero hindi ko yon magagawa hanggat hindi tayo nagkakaharap, Ano ba dapat kong gawin," hindi mapakaling sabi ni odie habang palakaf lakad ito sa kanyang silid.
"Ano kaya kung puntahan ko sya, Tapos sadyain kong magpakita sa kanya, Tapos pagsinabi niya ang tungkol sa mama nya saka ko siya alukin ng tulong," Kausap nito sa sarili.
"Pwede! Teka, Kaso hindi maniniwala yun ang alam nya mahirap lang ako, Kaya dapat sa opisina kami mag harap para alam nya talagang kaya ko siya tulungan," Bawi niya sa una niyang plano.
"Eh kung, Bisitahin ko na kaya yung mama nya sa hospital, Syempre magpapasalamat sakin yon, Tapos pag kami nalang dalawa saka ko na sasabihin sa kanya kung pano nya babayaran." Sabi nito sa sarili, At napahinto ito sa harapan ng glass wall ng kanyang kwarto kung saan tanaw ang nagtataasang mga building sa labas.
"Kaso, Hindi rin pwede, Baka hindi siya pumayag, Dahil hindi naman siya humingi ng tulong sakin para gawin yon, So lalabas na kusang loob yun," Pagkontra nanaman niya sa sarili.
"AHhhhhhHhh! Fa*k Odie! control your self! Ano ba wala ka na bang ibang maisip!" Sigaw nito na parang nababaliw dahil sa hindi nito alam kung paano niya makikita ang dalaga sa oras na iyon.
Nagbukas siya ng alak at inubos niya iyon mag-isa, Hanggang sa makatulog na siya sa sobrang kalasingan.
Umaga na ng magising si Alyssa mula sa maghapong pagsama nito sa kuya niya, Naghanap sila ng paraan upang mas mabilis makalikom ng malaking halaga, Hanggang sa hindi pa ito nakakaalis ng bansa.
"Oh-no! 7:45 na, Malelate na ako," Ng makita ni alyssa ang oras, Agad itong nag ayos upang makaabot sa oras ng napag usapan para sa interview nito sa ODC.
Ng matapos ito ay nagmadali na siyang umalis, Halos takbuhin na niya ang sakayan upang mabawi ang oras na kanyang nasayang sa haba ng naging tulog nito.
"Ano ka ba naman kasi, Alam mo namang may lakad ka ngayon nagawa mo pang magpuyat, Dapat pag uwi mo nagpahinga ka na agad!" Bulong nito sa kanyang sarili habang nakikipag unahan sa mga taong nag aabang din ng masasakyang jeep.
Sa kabilang banda, Sinusubaybayan ni odie ang dalaga na kanina pa pumapara sa mga sasakyan upang makapunta sa pupuntahan nito.
"Anong ginagawa nito, Kung alam naman niyang malelate na sya, Bakit kaylangan nya pang mag commute, May sasakyan naman siya diba?" Sabi ng binata sa sarili nito, Napaisip siya sa mga dahilan kung bakit mas gustong makipag gitgitan ng dalaga sa halip na magdala na lamang ng sasakyan.
Naisipan nitong paandarin ang sasakyan papalapit sa dalaga, Habang palapit siya ng palapit, Pabilis naman ng pabilis ang t***k ng puso nito.
Ng matapat na ang sasakyan nito sa dalaga ay bigla nitong nakitang na nakatitig iyon sa kanya, Saglit silang nagkatitigan, Natigilan lamang siya at bumalik sa ulirat ng biglang may bumusina sa likod ng kanyang sasakyan.
"Damn! Istorbo!" Bigla nitong sabi ng magulat ito sa lakas ng busina nito.
Agad nito pinaandar ang sasakyan ng muling businahan siya ng sasakyan na tila nagmamadali sa kanyang pupuntahan.
Nilagpasan ni odie ang kinaroroonan ng dalaga, Ngunit tila ba ayaw maalis ng kanyang mga mata at sumusulyap sulyap pa ito dito.
Hindi mapigilan ni odie ang pagtitig sa dalaga habang siya ay papalayo rito, Napailing na lamang siya at dumeretso na ito papunta sa opisina.
"I can see you in a bit alyssa, I waited this moment and finally the right time is come," Exited na sabi nito at nagmadali na rin papasok sa kumpanya niya.
Trenta minutos ang makalipas ng magtagpo ang landas ng dalawa, At sa wakas narating rin ni alyssa ang kumpanyang kanyang papasukan ang ODC Financing Company.
Pagkarating ni alyssa ay pumunta siya agad sa Front Desk kung saan nakita niya ang isang babaeng naka formal attire, Agad siyang binati nito at tinanong ang kanyang pakay sa kumpanya.
"Good morning ma'am, Ano po ang hanap nila?" masayang tanong nito kay alyssa.
"Ahh, Kay Mr.Oliver De'Chavez po." Tanong nito sa babaeng nasa harap nito.
"May appointment po ba sila?" Tanong muli nito.
"Ah - ehhh wala po kasing binigay na appointment sakin, Pero tinawagan niya ako para sa actual interview today," Nag aalangang sabi nito, Nakita niyang nakatingin lamang sa kanya ang babae kaya nagsalita na muli ito.
"Miss please, I need this job, Paki sabi nalang kahit yung name ko nalang, Alyssa Marie Reyes po," Hindi parin siya pinakinggan ng babae kaya nagpatuloy ito sa kanyang ginagawa.
"Miss sige na naman oh, Isang try lang sabihin mo lang, Tapos after nito aalis na ako." Muling pakiusap ni alyssa dito.
"Miss Reyes, Hindi nga po pwede makita si Sir, Oliver lalo na kung walang naka set na appointment sa kanya, Sobrang busy ni sir para sa ganitong biro, Sorry miss nagtatrabaho lang," Muling sabi nito sa dalaga.
"Wait Miss Reyes ba kamo?" Tanong ng isang lalake sa likuran ni alyssa.
"Yes po sir," Sabi ng babae na pinapakiusapan nito.
Nagulat si Alyssa ng magbigay galang ito, Kung kaya ay humarap ito sa lalakeng nagsalita.
"Hi is that true? Your Ms. Alyssa Marie Reyes?" tanong nito ng may pagsisigurado sa kaharap.
"Ahh Ye-yes po, Paanong..." Natigilan si Alyssa sa kanyang sasabihin ng bigla siyang hinila nito papuntang elevator.
Nanlaki ang mata ni alyssa ng makita ang nakasulat sa elevator na kanilang sinakyan.
"For VIP only?" Mahinang sabi nito at biglang napatingin sa lalaking kasama nito.
"Ladies first" Mahinang sabi ng binata. Tumango naman si Alyssa bilang pagsang ayon sa sinabi nito.
"Hala! Ano bang nagawa ko at bakit kung sino-sino ang mga nakakakilala sakin ng hindi ko kilala, Ano ka ba alyssa! Kaylan ka pa naging kaladkarin ng mga poging katulaf nito! My Ghaaaddd! Ang gwapo naman nito, At amoy mayaman! Hmmm!" Sabi nito sa kanyang sarili habang sakay ng Elevator paakyat sa Presidential Floor.
"Hinay hinay lang! Baka masinghot mo lahat magtira ka para sa iba," muling sabi nito sa kanyang sarili habang nakapikit pa.
"Miss Reyes, Are you okay?" Nagulat si Alyssa ng biglang nagsalita ang kanyang kasama, Napakagat na lamang ito ng labi ng bigla nitong napansin na kanina pa pala nakabukas ang pintuan ng elevator.
Napakamot ng ulo si Alyssa habang naglalakad sa hallway ng building na iyon.
Huminto sa paglalakad ang binata ng hindi napapansin ni alyssa, Kung kaya ay bumunggo ang ulo nito sa likuran ng binata.
"Awww, So-sorry," mahinang sabi ni alyssa.
Biglang kumarap sa kanya ang kanina pa niya kasamang hindi manlang nagpakilala sa kanya upang mapasalamatan ng maayos.
"Are you okay?" may pag aalalang tanong nito sa dalaga, Tumango lamang muli si Alyssa bilang pagsakot nito.
"Wait here, Hahanapin ko lang si ku.... Mr, Oliver." Sabi nito, At hindi tinuloy ang dapat na tawag nito sa hinahanap ng dalaga.
"Ahh sige, Maraming salamat ha," Malambing na sabi ni alyssa
Nakita nito ang pintuang pinag iwanan sa kanya, Nakita niya ang nakasulat roon na pangalan ng may ari ng opisinang iyon, Nagulat siya dahil ang pangalang nakasulat ay ang pangalan ng taong tumawag sa kanya upang mag apply ng trabaho rito.
"CEO of the Company? Oliver De'Chavez? Haaa! Siya yung kausap ko nung isang araw? mismong may ari ng kumpanya talaga? we? baka naman pinangalanan lang sa kanya," sunod sunod na tanong nito sa sarili, Na para bang hindi makapaniwala sa mga natuklasan niya sa araw na iyon.
Nakakita siya ng isang mahabang upuna malapit sa pintuang iyon, Pinuntahan niya ito at naupo muna habang naghihintay sa pakay nito.
Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas ang isang pintuan at iniluwa nito ang dalawang nag gagwapuhang mga kalalakihan sa silid na iyon.
Parehong mga seryosong mukhang lumapit sa kanya ang mga ito.
Yung isa ay ang tumulong sa kanyang makaakyat dito, Yung isa naman ay sa tingin nito ay ang may-ari na ng kumpanyang iyon.
"Magandang umaga po, Ako po pala si..." Hindi nanaman niya natapos ang kanyang sasabihin ng bigla siyang pinapasok ng dalawang ito.
"Pasok ka na" Sabi ng binata sa kanya.
"Mr Oliver, I'll go ahead, Pupuntahan ko pa yung isa baka magtampo See you later." Pabirong paalam nito kay Oliver. Nagtaas ng kamay si oliver bilang pagsang ayon nito.
Nang maisarado na nito ang pinto ay tinignan nito ang dalaga na kanina pa nililibot ang kanyang paningin.
Napahawak ito sa kanyang batok na para bang hindi alam kung paano sisimulan ang kanyang sasabihin sa dalaga.
"Maupo ka," Maikling sabi ni oliver dito.
"Salamat po," sagot ni alyssa dito.
"So you are Alyssa Marie Reyes right?" tanong ni oliver.
"Yes po," magalang na sagot naman ng dalaga.
"If you want to be part of my company learn how to not saying PO!" sabi nito habang nakangiti rito.
"Grabe naman, Ganito ba talaga lahat ng tao dito, Gagwapo lahat, Nakakadalawa na ako. Kung ganito lagi makikita ko sa pagpasok ko, Baka perfect attendance ako lagi," bulong nito sa sarili kung kaya ay hindi agad ito nakasagot sa sinabi ng kausap nito.
"Are you listening Ms.Alyssa?" Tanong ni oliver sa kanya na napansing nakatulala lamang dito.
"Ahh yes po sir," nakangiting sabi nito.
"See? I'am right, Your not listening, So how do i hired you if you didn't do the first thing that i want you to do." seryosong sabi nito at naupo sa swivel nito at nilaro-laro ang hawak nitong ballpen sa kanyang harapan.
"So-sorry sir, Can you please tell me again what did you want me to do, medyo may iniisip lang po," Sambit nito at nag focus na ulit sa sasabihin ng kausap nito.
Huminga ng malalim si oliver bilang pagpapakitang seryoso itong kausap.
"Haaa, Never mind, Just next time focuse your mind to the person who talked to you okay?" mahinahong sabi nito sa dalaga.
"Okay, Aware ka ba sa rules ng company na ito about sa employees na if you hired is you have rights to loan a large money without interest you know that?" muling tanong nito kay alyssa, Na nakikinig lamang sa kanya.
"Yes po," pagkasagot ni alyssa ay napangiti lamang si oliver habang umiiling iling.
"Sir, Bakit po? may mali po ba?" inosenteng tanong nito kay Oliver.
"Actually, Meron" maiksing sagot nito habang umiiling iling.
"Ahmm, Ano po yun,Pwede ko po bang malaman to defend my self?" Tanong nito habang kinakabahan sa reaction ng binata.
"Actually it's not your personality, It's just the way you say PO? cous it's make me feel old" napangiti si Alyssa dahil sa pagkasabi ng po ni oliver sapagkat may pagka slang nitong sinabi ang salitang iyon.
"Ay. sorry p-P.. Sir" paghingi ng paumanhin ni alyssa sa karap, Dahil sa nakasanayang pag galang nito sa mga nakakataas ay hindi niya mapigilang ulitin ito, Ngunit napipigilan naman niyang hindi sabihin ang salitang ayaw ipabigkas ng binata.
"Mabalik tayo, Kung mahahired ka ngayong araw na ito, Magkano ang iloloan mo and why,? i need to know that because i need a valid reason," seryosong tanong ni oliver kay alyssa,
Hindi nakapagsalita si Alyssa sa tanong ni oliver sa kanya, Sa takot na baka pag sinabi nito ang presyo ng gusto niyang iloan ay baka mas lalong hindi siya tanggapin sa trabaho.