Tatayo na sana ako upang hanapin kung saan ang daan papunta sa kinaroroonan nila, Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown Number? "He-hello?" Utal kong sagot dito. "Oh! thanks God!" Sabi ng kilalang bosses sa kabilang linya. "Ku-kuya ma-mike ikaw bha-ba yan?" mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya. "Oo ako to, Teka! umiiyak ka ba?" Takang tanong nito sa akin. "Hindi, Namimiss ko lang kasi kayo." Palusot kong sabi sa kanya. Dahil kung hindi ko gagawin iyon ay lalo lang itong mag aalala sa kalagayan ko. "Alyssa alam mo na ba nangyari kay nanay?" sabi ni kuya mike sa akin. "Hindi ano bang nangyari kay nanay?" Tanong ko rito. "Asan ka ba? diba iniwan ko sayo sila nanay? Mabuti nalang Tinawagan ako ni tatay kaya nalaman ko ang kalagayan nila at mabuti nalang hindi ako nagpapa

