"Alyssa?" tawag sa akin ng isang babae. Sa aking pagkakaaninag dito, Isang babaeng hanggang balikat ang haba ng buhok nito at nakangiting sinasalubong ako papalapit sa kanya. "Alyssa anak ikaw ba yan?" Sabi nito sa akin. Nagsimula na akong maiyak ng marinig ko ang boses ng aking ina na tinatawag ang mangalan ko. "Nay? Nay? Ako po ito," Nang sumagot ako sa kanyang tanong ay unti - unti kong naaaninag ang kanyang mukha. Hinawakan nito ang mga kamay ko at kasunod ay ang mukha ko. "Nay! Sorry po kung hindi ko po kayo sinamahan, Sorry po kung hindi ko po kayo binantayan, Sorry po kung ngayon ko lang nalaman sorry.." Buong pagsisisi kong sabi kay nanay, Ngunit mag sasalita pa sana ako ay bigla naman niya akong pinigilan. "Shhh... Wag ka ng iiyak, Okay na ako anak, Masaya na ako kasi a

