"Bakit wala pa si tito daddy?" She faked her smile when she heard that question from Ranz. They were now in the kitchen feeding him with the breakfast he requested. Pagkagising nito kanina'y hinanap agad nito si Marcus, pero dahil hindi niya alam kung nasaan ito at kung bakit hindi ito umuwi kagabi ay wala na siyang ibang nagawa pa kun'di ang mag sinungaling sa bata. "Busy pa kasi si tito daddy. Marami siyang kailangan gawin sa work kaya hindi siya nakauwi," she lied again. "Saan siya natulog?" Ang tanong nito'y biglang nagpakirot sa kan'yang puso. "S-sa… sa office niya. Sige na, bilisan mo na pagkain, Ranz kasi maliligo pa tayo," sambit niya upang ilihis ang pag-uusap. Ayaw niyang saktan pa lalo ang sarili pero kahit anong gawin niya 'di niya pa rin maiwasang mag-isip na baka doon

