Eksaktong alas-dose na nang makarating sila ng bahay. Napakunot agad ang noo niya nang madatnan niya roon si Ranz sa sala na nanunuod ng Spongebob habang kumakain pa ng chips. "Kailan ka lang nagka-anak?" tanong ni Ashley na may kasamang pang-aasar. Binigyan niya ito ng matalim na tingin. "Nando'n ang banyo," diretso niyang sabi sabay turo sa may bandang kaliwa. "Oo nga pala 'no, makikigamit pala ako," nakangiting sabi nito bago nagtungo sa banyo. "Saan si Cam-- si tita mommy mo, Ranz?" tanong niya nang makalapit dito. "Naliligo po," sagot nito na 'di man lang siya sinusulyapan. Agad siyang dumiretso sa taas nang marinig ang sagot ng bata. He was taking the stairs with his right hand in his pocket. Pagkabukas niya ng pinto ay naabutan niya si Camille doon na nakapatong ang isan

