CHAPTER 81 "Dito!" malakas na sigaw ni Ashley habang ikinakaway ang kan'yang kamay. A blonde man with sunglasses headed towards her direction, carrying his 2 heavy luggages. Hindi niya na hinintay pang makalapit ito at patakbo na siyang lumapit sa binata sabay talon at pulupot ng mga braso niya sa leeg nito. "Get off, pig," sambit nito at hinawakan ang kan'yang baywang at pilit siyang ibinaba. "Grabe ka naman! Mukha ba akong baboy? Sa ganda kong 'to?" nakataas ang kilay na sabi niya. "You weigh like a pig," he said in jest. "Tse! Akala mo naman, ang guwapo niya. Eh, mukha ka ngang anak-araw eh," pabulong na sabi niya. "Ano?" "Wala! Sabi ko mas guwapo ka pala sa personal." "Let's go!" 'Di na nito pinansin pa ang kan'yang sinabi at nagsimula na itong maglakad palabas ng airport. "

