"Gano'n na rin sa akin, miss." Napalingon siya sa dako, kung saan nanggagaling ang boses na iyon at bumuo sa kan'ya ang pagtataka ng makita kung sino ang nandoon. Para siyang naistatuwa sa kan'yang kinatatayuan nang magtama ang mga mata nila ng babaeng nakaupo sa pinakagilid na puwesto. It was Ashley, he was sitting across from the guy who she thought was Marcus. Nang magtama ang kanilang mga mata ay kaagad na naglaho ang mga ngiti nito at bumakas sa mukha ang pagkagulat. Humakbang siya palapit sa kanila na 'di inaalis ang mga mata sa lalaking kasama nito. His broad shoulders she always admires, katulad na katulad kay Marcus. "Camille? Nandito ka pala…" Ashley said with a smile. The man didn't even glance at him, nakayuko lamang ito habang nakatingin sa cellphone na hawak at tila ba hin

