Pakiramdam niya'y para bang huminto ang pag-ikot ng mundo habang nakikita ang batang babaeng magiliw na tumatakbo papunta sa kanilang direksyon. Hindi niya maitatanggi ang lukso ng dugo na nararamdaman niya. Anak niya nga talaga ito. Nang makalapit ito'y agad itong yumakap kay Camille at humalik sa pisngi. Sana'y nagagawa rin ito ng bata sa kan'ya. Gusto niya ring makitang nanabik ito sa kan'ya. Gusto niyang makilala rin siya nito at tawagin din siya nitong daddy. Pero paano mangyayari ang bagay na iyon gayo'ng ibang pagkatao na ang kan'yang dala-dala? Hindi na siya si Marcus Alarcon, siya na ngayon si Tyron Lim na isang half korean citizen. He spent over a year just to change his identity, at pinag-isipan niya na ng mabuti ang bagay na iyon kaya wala siyang dapat pagsisihan. "Mommy, na

