Hindi niya alam kung bakit 'di niya magawang sagutin ang simpleng tanong nito. Para bang nanunuyo ang lalamunan niya at may kung anong bumara rito. "Hindi ka makasagot 'di ba?" Hindi siya umimik at itinuon niya lamang ang atensiyon sa grupo ng mga batang naglalakad sa daan habang tulak-tulak ang malaking kariton na may lamang mga basiyo ng bote. Sa ganitong oras ay nagawa pa nitong magtawanan na para bang 'di alintana ang init, usok at pagod. Paanong sa kamusmusan nila ay ganito na ang kanilang ginagawa imbis na pag-aaral at paglalaro ang kanilang nararanasan. "Silence means yes," sambit ni Ashley na bumaling ng kaniyang atensiyon. Napabuntong hininga na lamang siya. "Don't start an argument," kalmado niyang sabi. "Hindi iyan ang gusto kong marinig." "Saan kita ibababa?" paglilihis

