NAPATINGALA si Marcus nang makita ang butil ng ulan na pumatak sa puntod niya. Mukhang uulan na, mag-dadalawang oras na pala siyang nandoon sa sementeryo at hindi niya na napansin ang dilim ng ulap. Magkahalong lungkot at poot ang nararamdaman niya ngayon habang nakatitig sa puntod. This is the proof of his sufferings, kung gaano siya pinaglaruan at niyurakan ng panahon na umabot sa pagpapalit niya ng pagkatao. Matinding hirap at pasakit ang dinanas niya, at hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang tanggapin ang lahat ng nangyari. Dala-dala pa rin niya sa puso ang bigat at pagkamuhi niya sa mundo. Parang ang hirap mabuhay sa ibang pagkatao, hindi niya magawang maging masaya. Pakiramdam niya’y nakakulong siya sa mga rehas at hindi niya magawang maging malaya. Ang pananampalataya niya sa

