“Pinapasok mo siya?” nakakunot ang noong tanong ni Ashley. Hindi niya na binigyan pa ng kasagutan ang dalaga at muli na lamang siyang nagsalin ng alak sa baso, pero nang akmang iinumin niya na ito ay bigla itong inagaw ni Ashley sa kan’ya na nagdahilan upang matapunan ng kaunti ang kan’yang damit. “F*ck!” he cursed out of annoyance. Binigyan niya ito ng matalim na tingin pero tila ba hindi ito natinag at tinaasan lamang siya ng kilay. “What’s wrong with you?” naiinis na tanong niya. “Huwag mo akong ma what’s wrong-what’s wrong! Ikaw ang dapat tanungin ko, kung ano nang nangyayari diyan sa utak mo at pinapasok mo pa talaga siya rito. Alam mo, nabo-bobo ka talaga pag dating diyan sa Camille na ‘yan ‘no?” Nagtangis ang bagang niya nang marinig ang sabi nito. Ang lakas ng loob nitong pag

