ILANG SEGUNDO din ang dumaan bago nagising ang kan’yang diwa. Kaagad siyang tumalikod kay Tyron habang nakatakip ang magkabila niyang braso sa dibdib. “Let’s have a dinner,” sambit nito na animo’y wala man lang nangyari. Hindi siya kumibo at nanatili lamang siya sa ganoong posisyon hanggang sa marinig niya ang pagsara ng pinto. Pagkatapos niyang magbihis ay saglit muna siyang humiga sa kama katabi ng kan’yang anak. She stayed there for a couple of minutes before she decided to go to the kitchen. Ang totoo ay nahihiya siyang humarap sa binata matapos ang nangyari kanina, pero dahil sa hindi na rin niya matiis pa ang gutom ay napilitan na lang siyang lumabas at sumabay na kumain dito. Nang makapasok siya ng kusina’y nadatnan niya si Tyron doon na nakaupo at sumisimsim ng kape. He looked a

