"W-what are you doing here?" Bakas sa mukha ni Marcus ang pagkagulat nang mabuksan nito ang ilaw at makita siyang nakaupo sa pinakadulo ng kama. Alas-nuwebe imedya na ng gabi at ngayon lang ito nakauwi. Naghintay talaga siya ng matagal simula pa kanina, dahil ang dami niyang kailangang itanong dito. Mga tanong na kanina pa gumugulo sa kan'yang isipan at halos mabaliw na siya sa kakaisip. Mugtong-mugto ang mga mata niya at hanggang ngayon ay 'di pa rin siya makapaniwala. Her past was like a nightmare. Kaya pala mas pinili ng mga magulang niya ang ibaon na lang sa limot ang lahat at hindi na ito ipaalala pa sa kan'yang muli dahil isa pala itong bangungot, kagimbal-gimbal na bangungot ng kan'yang nakaraan. Hinintay niya munang makalapit si Marcus sa kan'ya bago siya tumayo at tinitigan it

