7:58am Dalawang minuto na lang at mali-late na siya sa 1st subject nila ngayong umaga. Dali-dali niyang dinukot sa kan'yang bulsa ang kan'yang ID at itinapat iyon sa ID scanner, pero ilang beses itong tumunog, hudyat na hindi nito mabasa ang kan'yang ID. "Hoy! ano ba. Mali-late na ako," naiinis na sabi niya. "Baliktad po, ma'am," nakangiting sabi ng guard. Nagngiting-aso siya nang mapagtantong baliktad nga ito. Itinapat niya muli ang kan'yang ID at awtomatikong bumukas ang nakaharang na metal. Patakbo siyang pumasok at bago pa man siya makalayo ay pasigaw siyang bumati sa guard. "Good morning pala, kuya!" "Good morning din, ma'am!" sigaw din nito. Hingal na hingal siya nang makarating sa room na nasa ika-apat na palapag ng building. Marami ng tao sa loob at mukhang siya na lang ang

